KATE POV
"Nakita ko kasing papalapit sakin si Dhen kaya yumuko ako, hindi ko naman alam na si Gian pala ang tumabi sakin." paliwanag ko kay Sandra.
"Bakit kasi hindi mo pa tinanong kung bakit siya nandito. Sinayang mo lang yung opportunity, tapos niyan mamaya mago-overthink ka na naman kung bakit siya nandito." sermon sa akin ni Sandra.
*Calling DHEN
"Sagutin mo na yan, Kate." utos ni Sandra. 'Ayoko!'
"Mamaya nalang." suway ko sa utos niya.
1 Message!: Dhen
"Bakit kasama mo si Gian?" text niya.
"Bal tingnan mo text ni Dhen." pakita ko sa kaniya ang text ni Dhen.
"Anong isasagot mo sa kanya?" tanong sa akin ni Sandra.
"Bakit mo alam? Nandito ka ba satin?" reply ko sa text niya.
"Hindi kita papakialaman Bal, ikaw yan, I trust you. Just know your worth." paalala sa akin ni Sandra.
"Oo, may kinita lang ako dito pero babalik na din ako mamaya sa Manila." paliwanag ni Dhen.
"Ok sige." reply ko.
"Hindi mo sinagot yung tanong ko Kate." text niya sa akin.
"Ah yun ba? Nagpasama lang ako kanina bumili sa Bookstore." pagdadahilan ko.
"Pwede ba tayong magkita?" Hindi ko inasahan ang text niya sa akin.
"Ngayon?" reply ko.
"Oo, sa may apartment niyo nalang." sagot agad naman niya sa reply ko.
"Ok sige, hintayin nalang kita doon." sabi ko at humarap kay Sandra.
"Bal gustong makipagkita sakin ni Dhen sa apartment natin." She just nodded.
Around 7pm na nung dumating si Dhen sa apartment pero sa labas lang kami kasi hindi pwedeng mga Boys dito.
"Anong paguusapan natin?" agad na tanong ko.
"Ayoko na." sabi niya.
"Huh? Anong ibig mong sabihin?" Hindi ko masakyan ang sinabi niya kaya naguluhan ako.
"Itigil na natin to." pag-uulit niya.
"Ah so ganun nalang?" tanong ko. 'Gusto mong tapusin na natin 'to?'
"Mahal kita pero tama na." sabi ni Dhen.
"Ha!" Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Hindi din ako makapag-isip ng ayos dahil naiinis ako sa kaniya.
"Huwag muna ngayon." nasampal ko siya sa dahilan niyang walang kwenta!
"Seryoso ka?" natatawang tanong ko.
"I'm sorry." hingi niya ng tawad.
"Kainin mo yang sorry mo!!" sigaw ko.
"Kate na—" Hindi ko pinatapos ang sasabihin niya dahil wala na din namang kwenta kung maririnig ko pa.
"Once na itigil na natin 'to siguraduhin mong hindi ka magsisisi kasi hindi na kita tatanggapin." pagpipigil na galit na sabi ko.
"I'm sorry." hingi niya ulit ng tawad.
"Bullshit Dhen!!!! So lahat pala nang yun wala lang sayo! Bigyan mo ako ng isang magandang dahilan para tanggapin ko yang sorry mo!" sigaw ko.
"Wala akong magandang dahilan na maibibigay sayo, Kate. I'm not worth loving for." Lalo lang akong nainis sa sinabi niya.
"Go." utos ko.
"Kate." sinubukan niyang hawakan ang kamay ko kaya agad kong inilayo ito sa kaniya.
"I said Go!!!! And please lang Dhen, huwag mo na ulit akong guguluhin. Yeah, its fine with me na magkakasama tayong magbabakarda pero please lang never talk to me. You may go." pagpapalayas ko sa kanya.
"Pero nasa i—" nagpapaliwanag pa siya pero pinigil ko ito.
"Wala akong pake!!!! Go!!!!" galit na sabi ko.
Hindi ko na siya hinintay na umalis dahil pumasok nako sa apartment. Ano yon? Nagpakatanga lang ako? Ang gusto ko nalang mangyari kalimutan lahat ng tungkol sa kaniya!
SANDRA POV
"Bal gising na, baka ma-late pa tayo niyan." gising ko sa kaniya.
"Hmmm." sagot niya habang kinukuha pa ang unan as paa niya.
"Bangon na." sabi ko.
"Hmmm." nagluto na ko ng makakain namin tutal tapos na din ako maligo. Hindi ko alam kung anong nangyari sa kanila ni Dhen kagabi, hindi ko din siya tinanong baka lalo lang siyang lulungkot.
Two weeks passed already since Kate and Dhen last talked, Naging hyper si Kate matapos niyang makausap si Dhen, hindi ko alam kung paraan niya lang ba 'to para makalimot or masaya lang talaga siya? Hindi ko na kasi siya maspellingan sa ginagawa niya sa sarili niya. Every night naririnig ko siyang umiiyak then pagkagising sa umaga ang saya saya naman niya. Parang baliw lang no? I hope she's okay, hindi kasi siya nago-open sa akin kahit bestfriend niya pa ako. Hindi naman ako nasasaktan kasi private life niya yun.
Vacant namin ngayon at wala yung Prof namin sa next subject kaya mahaba haba vacant namin! ٩( ᗒᗨᗕ )۶
"Saan tayo Bal?" tanong ko kay Kate.
"Tara sa SLT nalang tayo tumambay." suggest niya.
"Sige tara!" pagsang-ayon ko.
"Sama din kami!!!" Tama ba naririnig namin? Boses ni Dennis yun ah! Or pagod lang kami sa school? Lumingon lingon kami sa paligid pero walang bakas nila. Sabi ko na nga ba pagod lang kami eh. Naglakad nalang kami papunta sa SLT.
"Ang sabi ko sama kami!!!" sigaw ulit ni Dennis.
"Dennis!!!!" Nauna si Kate na yumakap kay Dennis. Kasama niya ang buong barkada!!! Parang nawala ang pagod namin (⁀ᗢ⁀).
"Namiss kita!" sigaw ni Kate.
"Namiss din kita, Kate!" Sabi ni Dennis. Lambingan talaga ng dalawa oo oh. ≖‿≖
"Buti nandito lahat kayo? Wala kayong pasok?" tanong ni kate.
"Meron. Kaso miss talaga namin kayo!" sagot ni Dennis.
"Namiss din kaya namin kayo!!! Kala nga namin nakalimutan niyo na kami!" sabi ko.
"Pwede ba yun?" sabi ni Dennis at tumingin kay Kate.
"Tara sa Canteen nalang tayo tumambay!!!" aya ni Dennis.
"Tara!!!" sagot ng lahat.
"Libre ni Dennis!!!!" sigaw ko.
"May nagbago ba Sandra?" tanong ni Dennissa akin at nagtawanan lang kami papuntang cateen.
Sina Mik and CK na ang umorder ng food habang kami nagku-kwentuhan about sa school namin. Nasa isang malaking couch kami ng Canteen, may mga tables and benches din naman pero mas pinili namin 'to para magkakasama kami (^ω^)
"Hoy Kate baka hindi mo na paalisin mamaya si Dennis sa ginagawa mo?" sabi ko sa kaniya.
"Pewde ba?" tanong niya kay Dennis. 'Hala seryoso nga siya.'
"Hindi pwede sira!" sagot ko at nagpout lang siya kay Dennis, nakayakap parin kasi siya sa kaniya. Nahihirapan na nga si Dennis hindi lang niya pinapahalata kay Kate. Ang cute nilang tingnan para silang magjowa.
"May ibang araw pa naman Kate. Mag set tayo ng date for our vacation trip." suggest ni Dennis.
"Saan niyo gustong pumunta?" tanong ni Mik.
"Mik! I suggest, Batangas naman!" suggest ni Sexy.
"How about the others?" tanong ni Mik.
"I second the motion!!!!" Sira talaga tong si CK
.
"Okay! Batangas is Final!!! All we have to do is to wait for that day!" sabi ni Dennis.
"Yeah!!!!!!" sigaw ng lahat.
"Kate, we need to go in 30mins." paalala ko kay Kate.
"Ang bilis naman ng oras!" reklamo ni Kate.
"Ok lang yan Kate, at least nagkasama sama tayo ngayon!" sabi ni Dennis.
"Group hug!!!!" sabi ko at lumapit kami kina Dennis at Kate para maggroup hug. I'm blessed to have this squad!
"Paano ba yan guys, we need to go." paalam namin sa kanila.
"Ingat kayo sa pag uwi." sabi ni Kate sa kanila.
"We will, Kate and Sandra. Ingat din kayo dito." sabi ni Dennis.
"Yes Sir!" masiglang sagot ni Kate kay Dennis.
"Baka hindi na ako makauwi niyan Kate ah." biro ni Dennis.
"Pwede ba?" seryosong tanong ni Kate.
"Hindi syempre." agad na sagot ni Dennis.
"Tama na yan Bal, kailangan na din nating pumasok. See yah guys!!!!" paalam na namin.
"Bye!!!!" paalam din nila sa amin.
"Tara na Kate!" aya ko na kay Kate.
"Tara!" Napansin kong hindi kinausap ni Kate si Dhen kanina. Ano kayang nangyari sa kanila on that day? Ay basta! At least buo kami kanina!