Chapter 10: Tournament Day

1239 Words
KATE'S POV Ayoko sanang pumunta ngayon sa school dahil event lang naman. Mas gusto ko sana sa bahay nalang kaso wala nakong magawa nung pumunta samin ang mga loka loka kong mga kaibigan. "Tara na kasi Bal!!! Libre namin! Ihahatid ka pa namin dito kung gusto mo sige!!" Oh diba ang galing nilang mangunsensiya. "Oo na. Maliligo na." Kakatamad kasing magbihis. Alam niyo yun? Yung gusto mo lang maluluwang na damit para kumportable kang gumalaw. Tapos na kong maligo kaya nagaayos nalang ng gamit at bumaba na. "Tara na guys..." anunsyo ko at nagsitingin sila. "Finally!!! Lets go!!!" Sigaw nila. Tulad nga nung sinabi nila, nilibre nila ako. Hahaha. 45 mins ang bihaye kung walang traffic and fortunately wala ngang traffic kaya maaga kami ng konti. "So guys kain muna tayo." Panimula ni Sandra. "Sige sige." Sang-ayon naman ng lahat. "Dun tayo sa street foods!!!" Our favorite!!!! "Ako na..." binabayaran kasi nila yung kinain ko. May hiya naman ako kahit konti no!!! Hahaha "Tara punta na tayo sa gym!!! Para may pwesto pa tayo malapit sa mga players!!!" Bakit ba dun nila gustong umupo? "Dun nalang tayo banda guys..." aya ko sa kanila pero parang walang mga narinig ang mga unggoy. "Dito nalang Bal! Nakaupo na eh." Wala na naman po akong nagawa sa mga rants nila. Hayyy "Ayan na si Dhen myloves!!!!" Sigaw ng mga nasa likod namin. Ano daw??? Kadiri naman tong nasa likod namin! Naririnig ba niya sarili niya? "GO DHEN MYLOVES!!!!" Kadiri naman ‘to ang daming tao pinagsisigawan ang pangalan ni Dhen. Nagwa-warm up na sila ngayon. "Uy tingnan niyo yung kasama ni Dhen oh, magkamukha sila.” magkamukha? Si kuya Clin lang naman kamukha nung unggoy na yun ah. "Kuya Clin?" Narinig niya ata ako. Nasabi ko tuloy ang nasa isip ko. "Kate???" "Kuya Clin!!!!" Tumakbo ako pababa ng bleachers hanggang sa yakapin ko siya. Sana’y naman siya na niyayakap ko. Hahaha. "Buti nandito kayo?" Tanong ko sa kanya at sumulyap kay Dhen. "Papanoorin ko si Dhen maglaro. Hindi mo ba alam na personal coach niya ko." Pagyayabang niyang sabi. "Ay lumalandi na naman." tiningnan ko kung sino yung nagsalita. Yung nasa likod namin. "Malandi agad?!!!! Eh anong tawag sayo? Haliparot?" Si Bal talaga. Hahaha. "Sinong tinatawag nilang malandi bunso?" Di ba obvious Kuya? "Ako." Inis na bulalas ko. Tatandaan ko pagmumukha mo! "Huh? Bakit?" Tanong naman niya. "Dahil niyakap po kita?" Hinala ko pero tama naman ang hinala ko lalo na kapatid ni Dhen ang niyakap ko. "Yun lang?" Hindi makapaniwalang tanong ni Kuya Clin. "Opo" niyakap ako lalo ni Kuya Clin. Kaya lalong nagbulungan ang mga estyudante. "Ang landi talaga." Hindi na bulong kundi parinig na ang ginagawa nila at patuloy din ang pagbara ni Sandra sa kanila. "Kuya, back off." Dinig kong sabi ni Dhen na nasa likod ko na pala. "Oh ikaw pala Dhen." Bati ni Kuya at mukhang inasar talaga niya ito. "I said back off." Banta ni Dhen. "Ok ok... init agad ng ulo eh." Natatawang humiwalay sa yakap si Kuya Clin mula sa akin. CLIN POV "Tara bunso harapin natin sila.” Hila niya sa akin papunta sa pwesto namin. "Hello girls..." bati ni Kuya sa kanila. "Hi!!!" Masayang bati nung mga girls. Akala siguro nila makakasundo nila si Kuya matapos nilang magparimig. "For your information only, hindi ako nilalandi ni bunso. Kilala ko na siya for more than a year so huwag kayong maghusga agad dahil ngayon niyo lang ako nakita." Paliwanag ni Kuya sa kanila. "Sorry po." Hingi nila ng paumanhin. Labas naman sa ilong. "Hindi kayo dapat nagsosorry sakin, kay bunso." Hindi nila ng tawad kay Kuya. "Sorry Kate." Hingi nila ng tawad sa akin kahit labas sa ilong. "Tara Kuya umupo nalang po tayo." Aya ko na sa kanya. Wala naman kaming mapapala kung pagsasabihan namin sila. "Ok bunso!!!" Nagstart na ang game kaya umupo na kami. Napano tong unggot na’to? Bakit nakatingin samin ng masama? "Kuya nag-away ba kayo ni Dhen?" Tanong ko habang na kay Dhen ang paningin ko. "Hindi, bakit?" Tanong naman niya habang nililibot niya an mga mata niya sa paligid. "Ayan oh nakatingin ng masama sa’tin." Nguso ko kay Dhen. "HAHAHAHAH" timawa lang si Kuya sa sinabi ko. "May nakakatawa ba sa sinabi ko Kuya?" Naguguluhan na tanong ko. Ah nagseselos siya. Tiningnan ko sa likod kung sino pinagseselosan niya pero wala namang couple sa likod namin. "Ikaw." Biglang sabi ni Kuya. "Huh?" "Nagseselos ata sakin yung kapatid ko. Hahaha" paliwanag ni Kuya. "Bakit naman po?" Tanong ko. "Slow lang girl??? Siyempre gusto ka nung tao." Sabay ni Sandra sa usapan namin ni Kuya. "Tumpak!!!" Pangungumpirma ni Kuya sa sinabi ni Sandra. "Ako? Bakit?" Hindi sila maintindihan. KATE POV "Aba malay namin girl. Tanong mo sa kanya." Natapos ang laro ng hindi ko namamalayan. Ako? Type ng unggoy na ‘to? Bakit? Paano? Ay ewan!!! "Kuya una na po kami. Ingat po!!! Bye." niyakap ko ulit siya bago kami umalis sa gym. Hinihintay niya kasi si Dhen na magbihis. "Sige bunso!!! Ingat ah!" Paalam din niya kaya tumuloy na kami. "Opo!!!" Sagot ng lahat. "Tara kain muna tayo bago umuwi." Sabi ko, nagutom ako bigla. "Busog pa kami Bal." sagot ni Sandra. "Hindi man tayo kumain mula kanina ah." Sabi ko. "Kami oo, ikaw hindi. Busy ka kasi sa iniisip mo eh." Sita ni Sandra. "Ako? Iniisip? Sino?" Tanong ko. "Speaking of...." tiningnan ko kung sino tinutukoy nila. "Kala ko ba uuwi na kayo?" Tanong ni Kuya Clin. "Gutom daw po kasi si Kate kaya gusto muna niyang kumain bago umuwi." Sabi ni Sandra. "Gusto kong maglibot dito sa school niyo." Suggest bigla ni Kiya Clin kaya napatingin ako sa kanya at ngumit lang ito sa akin. "Ah sige Kuya ittour kita!!!" Sabi ko. "Hindi ikaw kausap ko, mga kaibigan mo bunso. Tara?" Nagsialisan nga silang lahat at naiwan kami ni unggoy dito. "Pero..." bulong ko. "Txt mo nalang kami Bal pag tapos na kayong kumain!!" Alam na this. No choice ako diba. Nagtititigan lang kami hanggang sa nagsalita na ako. "Saan mo gustong kumain?" Tanong ko. "Kahit saan." Sagot naman niya. "Walang kahit saan dito Dhen. Be specific please." Inis na sabi ko. "Tara sa canteen nalang tayo." Sumunod nalang siya. Gutom na ko kesa naman mag-isip pa kami diba? Dumaretso siya sa counter para mag order ng food namin. Pinaupo niya lang kasi ako dito. Siya nalang daw ang oorder. "Kain tayo." Sabi niya. "May problema ka ba?" Ang tahimik niya kasi. Mula pa nung after kong umalis sa kanila o napagod lang siya sa laro? "Wala." Matamlay na sagot niya. "Ok." kumain nalang ako. Hindi naman ako nahihiya sa kanya eh. Hindi tulad ng iba, pakipot pa pag niyayaya. Gutom pa ko. Hahaha. "Tara sa labas tayo!" Hinila ko siya sa may street foods dito sa labas ng school. "Kakakain lang natin ah." Sabi niya. Ang dami niyang alam totoo man. ? "Gutom pa ko eh. Libre ko naman ‘to don't worry!!" Nagsmile nalang ako para makatusok na ng kikiam. Sarap!!! Tinxt ko na si Bal na tapos na kami. Iniwan ba naman ako dito sa unggoy na ‘to. "Bye kuya!!!" Niyakap ko siya at kitang kita ko si Dhen kung gaano kasama ang tingin niya sakin. Problema ba nito? "Bye bunso. Ingat kayo ah." Bilin ni Kuya. "Opo..." in chorus pa talaga kaming lahat. Hahahahaha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD