DHEN'S POV
Ano na naman pakana ‘to! Bakit kami ang maglilinis hindi naman kami ang nagkalat lahat ng ito!
"Dhen, inom ka muna oh." Abot sa akin ng bottled water ni Elle.
"Thanks." Sabi ko.
"Guys balik na tayo sa school. Doon nalang tayo magpahinga tutal tapos na din tayo." Sinunod nalang namin si Elle. Pagod na din kasi ako.
Dumaretso ako sa room para magpahinga. Medyo masama ang pakiramdam ko mula pa kagabi.
"Dhen... Dhen..." tawag ni Elle
"Hmmm." Tugon ko naman sa kanya.
"Uwian na." Paalala ni Elle.
"Hmm." Sagot ko nalang habang nakapikit pa.
"Una na kami ah." Paalam nila.
Ang bigat ng ulo ko. Kinapa ko ang ulo ko pero wala namang nakapatong. Shocks!! Ang init ko.
"Dhen..."
Kilala ko ang boses na yun ah!!!
"Hindi ka pa uu... bakit ang init... may lagnat ka.” Sabi ni Kaye.
"Hala... wait lang tatawagin ko si Ma'am." Hinawakan ko ang kamay niya para huwag ng sabihin kay Ma'am.
"Tulungan mo nalang akong umuwi samin." Pakiusap ko sa kanya.
"Ako???!!!" Nakakagulat ba ang tanong ko?
"Alangan naman yung upuan." Pilosipo kong tanong.
"Ah ganon... bahala ka uwumi mag isa mo!" Akala ko madaling utuin ito, hindi pala.
"Joke lang. Sige na tulungan mo na ako dito." Tinulungan niya nga akong umuwi.
"Ma!!!!" Tawag ko kay Mama.
"Oh anak napano ka?" Nag-aalalang tanong nito.
"May lagnat po siya." Sagot ni Kate para sa akin.
"Halika, pasok natin siya sa kwarto." Inakay din ako ni Mama papuntang kwarto.
"Sige po." Sagot naman ni Kate.
"Clin!!!!!!" Tawag ni Mama kaya Kuya.
"Po??" Sagot naman nito.
"Kuha mo nga ako ng bimpo tsaka palanggana na may yelo!!!" Sigaw ni Mama para marinig ni Kuya.
"Sige po." Sagot naman ni Kuya.
KATE'S POV
"Heto na po Ma." Pumasok ang isang Anak ni Tita.
"Salamat anak ah." Namumukaan ko siya! Nagtama ang mga mata namin at kita ko na namumukhaan din niya ako.
"Oh!!! Ikaw yung pamangkin ni tita abby diba?" Tanong ni Kuya.
"Ah opo kuya. Hehehe" sagot ko naman.
"Ikaw naghatid sa kapatid ko?" Tanong nito.
"KAPATID?!!!" Hindi makapaniwalang tanong ko.
"Oo, siya." Tinuro niya sa Dhen na mahimbing na natutulog.
"Seryoso kuya?? Kapatid mo yan?" Pagkumpirma ko.
"Hahahaha. Ano ba ginawa nito sayo?" Natatawang tanong niya.
"Wala naman po." Sagot ko. Hindi lang talaga ako makapaniwala na magkapatid sila.
"Sabihin mo na, ako bahala sayo." Paamin ni Kuya sa akin.
"Lakas ng trip ng kapatid niyo Kuya! Kaasar!!!!" Anong nakakatawa sa sinabi ko??
"Buti nalang! Hahaha" sabini Kuya Clin.
"Po?" Hindi ko nagets ang sinabi niya.
"Ah wala... tara miryenda muna tayo sa sala." Aya niya sa akin. Iniwan namin si Dhen sa kwarto mag-isa.
"Ah sige po." Sunod ko kay Kuya.
Kuya pala niya to. Ang layo naman ng ugali nila sa isa't isa!!! Buti pa Kuya niya ang bait! Nakikila ko siya sa tindahan nila tita ko nung nagbakasyon ako sa kanila. Lagi siyang nandoon at lagi niya ding sinasabi na bagay daw kami ng kapatid niya.
Huh!!! So it means, si Dhen tinutukoy niya?!!! No! Never!!! Magpapaalam nako sa kanila, malayo pa kasi biyahe ko niyan baka abutan pa ako ng gabi sa daan.
"Kuya mauuna na po ako, baka po kasi gabihin ako sa labas eh." Paalam ko.
"Hatid na kita bunso!" Prisinta ni Kuya Clin.
"Salamat nalang po Kuya.” Pagtanggi ko sa alok niya.
"Ikaw bahala. Pero hatid nalang kita sa kanto hanggang sa makasakay ka." Pilit pa rin niya kaya hindi na ako tumanggi dahil hanggang kanto lang naman. Nagkwentuhan pa kami habang papunta sa kanto at habang naghihintay ng trike na masasakyan ko pauwi.
"Sige po." After niya akong ihatid sa kanto mabilis naman akong nakasakay ng trike kaya within 1hour nakauwi na din ako sa bahay.
As usual, ako na naman sa bahay at ang katulong namin. Madalang lang kasi umuwi si Papa dahil nagtatrabaho siya sa Bulacan. Si Mama naman head siya ng HR sa isang kumpanya kaya late din nakakauwi. Saya ng life ko diba?
CLIN'S POV
"Ma andito na po ako." Bati ko pagkauwi galing sa kanyto
"Nakasakay na ba yung dalagita, anak?" Tanong ni Mama.
“Opo Ma. Pangalan po niya Kate." Sagot ko.
"Ahhh sige." Sabi ni Mama.
Akala ko hindi ko na siya makikita. Namiss ko yung batang yun ah. Every summer kasi nagsstay siya sa bahay ng tita niya para tumulong sa tindahan. Kaya every summer din nasa tindahan ako nila Tita Abby.
Bakit nilagnat naman ang isang ‘to? Madalang lang siyang magkasakit ah.
"Kuya..." gising na pala to.
"Oh? May kailangan ka?" Tanong ko sa kanya.
"Si Kate?" Tanong niya.
"Nakauwi na siya kanina pa. Bakit hindi mo agad sinabi na kailangan mo siya. Sunduin ko ba?” Biro ko sa kanya.
"I mean kuya, nasaan si Kate?" Inis na tanong niya.
"Umuwi na nga. May lagnat ka pa kaya matulog ka pa diyan." Utos ko sa kanya.
Swerte naman ‘tong kapatid ko kung si Kate ang magiging girlfriend niya! Botong boto ako sakali man! Hahaha
DHEN'S POV
Di man lang nagpaalam. Tsss.
"Ma, pasok na po ako!" Hindi ko na hinintay na sumagot si Mama dahil male-late na din ako.
Habang naglalakad ako papuntang School, oo nalalakaran lang yung school from house. Nakita ko si Kate na naglalakad din papuntang school, kakababa lang ata niya sa trike.
Ngayon parang patay malisya pa siya na hindi ako nakita ah! Pwes hindi din kita papansinin. Ni hindi man nagpaalam!
"Hey!!! Kamusta ka na? Hindi ka na ba nilalagnat?" Magtiis ka diyan.
"Huy..." pinipindot niya yung braso ko! Hindi talaga kita papansinin no. Magtiis ka diyan!! Siya ba ang magtitiis or ako? Kaasar naman to!!!
"Sige una na ko!!!" Tumakbo siya papunta sa mga friends niya. Iniwan ba naman ako dito!!! ? Hanggang sa room tahimik lang ako. Pinakikiramdaman ko siya at hindi ko alam bakit ko ginagawa ‘to.
Malapit na pala ang tournament sa school namin. 2 days from now ang start ng tournament. Halos sagad ang practice namin kaya siguro nagkasakit ako.
TOURNAMENT DAY...