Chapter 6: Dhen

1095 Words
KATE'S POV Nagtitigan lang kami ni Dhen. Hanggang sa dumating si Bal. Lumipat kami dun sa couch kasi alam ni Bal ang tungkol sa kanya. Akala ko matatahimik na yung mga tao dito pero nagkakamali ako. Lalo lang silang nagbulungan. Ano bang problema nila? Umalis na nga kami! "Bakit ka nandito?" Ako ba tinutukoy nito? Pero napansin ko hindi sa akin ang tingin niya kundi sa likod ko. Hala! Bakit sumama to dito? Umalis nga kami dun para di siya makasama eh! "Sabi mo dito tayo?" Ang slow pala nito. Kala ko pa naman matalino. "Hayaan mo na Bal." Sinenyasan ko nalang na maupo kami. Nagreview kami for two hours then nagkayayaan na kumain kaya iniwan namin si Dhen sa couch. "Bal, napapansin ko lang bakit lagi mong kasama si Dhen?" tanong ni Sanda. "Kasalanan ko bang buntot siya ng buntot sa akin?" inis na bulalas ko. "Weh???????" Ang kulit nito. "Kumain ka na nga lang diyan dami mong napapansin." sita ko sa kanya. "Para po!" Pagkababa namin naghiwalay nakami. Gagawa pa kasi kami ng mga assignments and magbabasa pa ko. As usual, wala na namang tao sa bahay. Pero ito yung gusto ko , yung walang tao sa bahay kasi walang bawal. Pero minsan malungkot, kasi nakakasanayan mong mag-isa. In short, LONER. Meron nga halos ako pero malungkot naman. Hayyy magluluto na nga lang ako para makakain na baka mamaya pa sila uuwi. After kong magluto naghilamos muna ako then kumain na at nagpahinga na din pagkatapos. phone vibrating*** Gabi na sino kaya to. Hindi ko na tiningnan yung pangalan kasi bagsak na talaga yung mga mata ko kaya sinagot ko nalang. "Hello? Sino 'to?" sagot ko sa tawag. "Si Dhen 'to." Napamulat ako bigla sa narinig ko. Tama ba yung dinig ko? Tiningnan ko yung screen pero hindi nakasave yung no. niya kaya hindi ako sure kung siya talaga yan. "Sinong Dhen?" Sigurista ako guys hahaha. "Dhen Castro". Hala? Siya talaga to! Anong sasabihin ko? "Ah ok. May kailangan ka?" kunwaring hindi nabigla sa pagtawag niya. "Wala naman". Jusko wala naman pala. Pinatay ko na din yung tawag pero tumawag siya ulit. "Ano na naman?" Medyo nainis ako sa kanya. "Kasi..." hindi niya tinuloy ang sasabihin niya. "Kasi ano????" pag-uulit ko. "Ako lang kasing mag-isa sa bahay. Pwede ba tayong lumabas?". Ako??!!!! Hindi ka pwedeng pumasok sa gulo Kate marami kang kalaban kapag pumayag ka sa gusto niya. 'Lumabas talga? Gusto talaga akong makalbo nito.' "Hindi ako pwede, sa iba nalang. Bye." Mas ok na sa bahay nalang ako kesa naman makalbo pa ako. Dahil sa pagtawag niya hindi na ako inantok kaya napagdesisyonan kong magreview nalang sa kusina. Naghanda ako ng tubig at kumuha ng apple sa ref. Ilang minuto din akong nagrereview ng bumuhos ang ulan. Phone's Ringing*** "Ano na naman?" tanong ko sa kanya. "Labas ka". sabi ni Dhen. "Umuulan paano ako lalabas?" sagot ko. "Dalian mo, nababasa na ako dito." reklamo niya. Aba kasalanan ko bang pumunta ka dito? Kung makapagutos akala mo yaya niya ako. "What! Bakit ka nandito?!" Tumayo na ko habang kausap ko siya. Sinilip ko siya sa bintana at basang basa nga ito. Madali kong binuksan ang pintuan at sabay naman ang pagpasok niya. "Sinong matinong tao ang maliligo sa ulan?" inis na tanong ko. "Wait lang, pangkukuha lang kita ng towel."sabi ko at kumuha ako sa kwarto ko. 'Nasa tamang pagiisip ba 'tong lokong to?' "Here. Gawa lang kitang kape." paalam ko sa kanya pero sumunod din agad siya sa kusina. "Thanks." sabi naman ni Dhen. Marunong palang magpasalamat ang unggoy na'to. "Inumin mo 'to at pangkukuha kita ng damit na pampalit." I'm sure papagalitan ako neto mamaya. "Thanks." nakakadalawa ng pasalamat to. Ako ata ang lalagnatin sa mga pinagsasabi niya. "Bakit ka ba kasi nagpunta dito!" tanong ko habang nakaupo kami sa kusina. "Wala nga akong kasama sa bahay." 'anong connect?' "Oh tapos??" tanong ko. "Hindi ko din alam kung bakit ikaw ang unang naisip kong tawagan." paliwanag nito. "Alam ko kung bakit." hula ko sa kanya. "Bakit?" tanong naman niya. "Para hindi ako tantanan lahat ng nagkakagusto sa'yo." sabi ko sa kanya. May mga ka-schoolmate akong malapit sa amin kaya kinakabahan ako kapag nakita nilang nandito ang unggoy na'to. "Saan mo pala nakuha yung number ko?" tanong ko sa kanya. "Ahhhh, kay Sandra." parang wala lang sa kanya kung sumagot siya. "Sinabi ko ng huwag ibigay eh. Tss" bulong ko. "Pinilit ko siya. Huwag ka sa kanya magalit." dahilan niya. "Siyempre bestfriend ko yun eh!. Siyempre sayo ako magagalit noh!!!" sigaw ko. ... ... ... ... ... ... Hindi na ako nagsalita. Naging awkward bigla. "Anogn oras mo balak umuwi?" tanong ko sa kanya. "Bakit?" ganda talaga kausap nito. "Umuwi ka na." suggest ko dahil malapit ng umuwi si Kuya Paul. "Pwedeng mamaya nalang? Nahihilo kasi ako eh." Palusot pa 'to. Kumuha ako ng gamot sa kusina. "Eto inumin mo tapos umalis ka na." pilit kong paalisin siya sa bahay. "Bakit ba atat na atat kang paalisin ako?!" inis na tanong niya. Duh!!! Awkward kaya at tsaka baka ano pang isipin ng mga kapit-bahay namin no! "Eh kasi po padating na kuya ko at yung mga tsismosa sa labas baka maging author nalang bigla." pagdidiin ko. "Author?" slow talaga neto. "Hayyy... ang sabi ko baka baligtarin nila ako, kesyo lumalandi ako kapag walang tao sa bahay." Totoo naman kasi. "Eh hindi naman totoo yun ah." kakapagod mag-explain sa lalaking 'to. "Kaya nga author diba? Ang galing nilang gumawa ng kwento. Ulit ulit tayo Dhen?" naiinis na talaga ako. "Alis kana at baka maabutan ka pa ni kuya dito." sabi ko sa kanya. "See you tomorrow!" paalam niya. 'Bahala ka sa buhay mo.' "Oo na sige. Umalis ka lang." sama ko diba? Hahaha nakakailang na kasi eh. He start the engine and fly away!!!! Hahahaha "May bisita ka daw kanina?" bungad na tanong ni Kuya. Patay. Yan na nga ba ang sinasabi ko eh.ヾ(゚д゚)ノ゛ "Si Dhen." sagot ko. "Anong kailangan niya?" usisa ni Kuya. "Pumunta lang siya dito." pag-amin ko kay Kuya. "Tapos?" tanong ni Kuya. "Anong tapos? Tapos umuwi na siya pagkalipas ng ilang minuto." paliwanag ko. "Yun lang?" hindi kumbinsido si Kuya sa sagot. Sino ba naman kasing maniniwala sa sinabi ko tapos kami lang dalawa sa bahay. "Oo nga." sabi ko sa kanya. "Boyfriend mo ba yun?" tanong ni Kuya sa akin. "Kuya, hindi ako baliw para maging kami." inis na sabi ko at nauna na akong umakyat sa kanya. Bahala siyang maghanda ng pagkain niya sa kusina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD