Chapter 7: Bestfriend

1106 Words
"Para po!!!!!" Bumaba nako at naglakad na papuntang school. Actually, pwede namang sumakay ng jeep kaso sayang pamasahe eh ang lapit lang naman ng school mula sa kantong binababaan ko. Kasama ko lagi ang bestfriend ko sa paglalakad. Walang iba kundi yung earphones ko, siya lang kasi lagi ang nakakaintindi sakin. "That should be me holding your hand That should be me making you laugh That should be me, that should be me."? Gumawa saglit ako ng assignment dito sa student center, kasi dito peaceful, tahimik. Until such time na may umupo sa harap ko pero hindi ako nag-abalang tingnan kasi busy ako sa assignment ko. Nung natapos ko na yung assignment, umidlip muna ko, maaga pa naman. DHEN'S POV I'm Dhen Castro.Varsity player ng school. Maaga ako ngayon sa school kasi nagpapractice ako ngayon. Nang may maaninag akong naglalakad papuntang student center kaya sinundan ko siya hanggang dun. Ang cute talaga niya. Hahaha. Gusto ko siyang asarin kaso mukhang seryoso sa ginagawa niya kaya tinitigan ko nalang siya. Hindi niya siguro ako napansin na umupo kasi yukung-yuko yung ulo niya. Ng matapos niyang gawin iyon, umidlip siya gamit ang kanang kamay niya na nasa cheeks niya. 'Bakit ba pagod na pagod to???' Ooooooppppsssss!!! Muntik na siyang mauntog sa mesa kasi nakatulog siya ng tuluyan at naalis yung kamay niya. Buti nalang hindi siya nagising. KATE'S POV Nagvibrate yung phone ko kaya minulat ko yung mata ko. ??? Totoo ba tong nakikita ko? Hindi agad ako nakapagreact kasi natulala ako sa kanya. "Anong ginagawa mo dito?!" Tiningnan ko yung time, 5minutes before the time. "Sinapo ko yung ulo mo kasi muntikan ka ng maumpog kanina sa mesa." Oo nga no... nahiya naman ang panget. At hindi ko din napansin na madami na palang studyante dito. Bakit hindi man niya lang ako ginising!!! Nakakahiya! "Bakit hindi mo nalang ako ginising?!" inis na tanong ko habang nag-aayos ng gamit. "Wow ah, siya pa talaga galit sa ginawa ni Dhen!!!" Eto na naman po ang mga author. Napahinto ako sa pag-aayos nang marinig ko iyon pero hindi ko nalang dinidib. "Oo nga. Choosy pa siya!" Wow ah!!! Ako pa talaga ang choosy?!!! Kahit NBSB ako may worth naman every inch of my body no. Umalis nalang ako at baka umiyak pa ko dito. Nakasunod ata siya sakin. Wala akong pake sa kanya! "Hintayin mo naman ako." habol niya sa akin "Sino ka ba para hintayin ko!" inis na bulalas ko. "Classmate mo." bakit hindi kaya siya mauna. Diba malalaki hakbang ng mga kapre? Bat di niya ko nauunahan? ? "Edi tumakbo ka." naiiyak nako kasi naririnig ko pa din sila. "Huwag mo nalang kasi pansinin yang mga yan." Kasi hindi naman ikaw ang ginagawan ng kwento. "Please..." huminto muna ako. "Stay away from me." Then I walked out and went to our room. Habang nagdidiscuss yung teacher nag-ooverthink na naman ako tungkol dun sa kanina. 'Paano paglabas ko dito sugurin ako ng mga kampon niya?' 'Gusto ko lang naman pumasok ng walang kaaway.'’ "Bal..." dinig kong bulong ni Bal. "Kate, can you give example please." Anong example?? Wala na ata ako sa wisyo "Bal..."tawag ulit ni Sandra. "Bal!!!!" Naiiyak nako. Di naman niya ko kailangan sigawan eh.? "Magbigay ka daw ng example." naging mahinahon ang boses ni Sandra nang mapagtanto niya na nasigawan niya ako. "Sorry Ma'am but may I go out?" hingi ko ng permiso sa teacher namin. "Yeah sure." Nahalata siguro niya na malapit ng tumulo yung luha ko kaya pinayagan na akong umalis. 'Saan naman ako pupunta ngayon? Tanga lang Kate?' Pumunta nalang akong student center para dun nalang makinig ng music. Nakatulala ako habang ninanamnam yung mga bawat liriko na sinasambit nito. Wow ang lalim ng tagalog. Hahaha Umupo bigla sa harapan ko si Dhen at pinagmasdan ang mukha ko kaya tinanggal ko yung isang plug para marinig ang sasabihin niya. "Bakit ka umiiyak?" tanong niya. Umalis nga ako sa room para hindi ko siya makita tapos susunod din naman pala dito. "Anong ginagawa mo dito?" Naiinis na'ko sa kanya. "Sinundan ka." sagot niya. "Ano bang pake mo." inis na sabi ko. "Di mo sinasagot yung tanong ko." seryoso niyang tanong kaya napatitig ako sa kanya. "Wala ka na don!" Gusto kong magbasag ng mga plato!!! Biglang sumakit yung dibdib ko, nahihirapan akong huminga and worst hindi ko na macontrol. "You ok?" tanong niya habang hawak ang magkabilang braso ko. Nagsimulang manikip ang dibdib ko kaya nawawala ako sa focus. "Na...hi... nahihira....pan akong hu...huminga." namamanhid ang ulo ko. Lord, help me. Huhuhu "Tara pumunta tayo ng clinic." Pero hindi ko kayang tumayo. Pinilit kong tumayo kahit masakit ang dibdib ko. Pero... Unti unti akong nawawalan ng hangin sa katawan. "Bal..." DHEN POV Biglang nahulog si Kate, hindi ko inasahan ang pagbagsak niya kaya madali ko siyang binuhat at dinala sa clinic. "Malapit na tayo." sabi ko kay Kate kahit alam kong wala na siyang malay. "Nurse, nahirapan po siya huminga kanina at nawalan ng malay." paliwanag ko sa nurse habang hinihiga ko si Kate sa kama. "Bakit siya nahirapan huminga? Napagod ba?" tanong nung Nurse. "Hindi po. Naglalakad lang kami pabalik ng classroom nang bigla siyang nagkaganyan." kwento ko. "May asthma ba siya o sakit?" tanong ulit nung Nurse. "Hindi ko po alam." sagot ko. "Sige, bumalik ka na sa klase mo at ako ng bahala sa kanya." sabi nung Nurse. "Dito lang po ako." pilit ko sa Nurse. "Hindi pwede, ako ang papagalitan kapag may nakakita sa iyo dito sa oras ng klase." paliwanag niya. "Ako ng bahala sa girlfriend mo, bumalik ka na doon." sabi nung Nurse. Wala na akong nagawa kundi bumalik sa classroom. "Sige po." sabi ko at bumalik na nga sa room. "Mr. Castro, where have you been?" tanong ng teacher. "Galing po akong clinic, Ma'am." sagot ko. "Bakit? May sakit ka ba?" agad na tanong ni Teacher. "Si Kate po nawalan ng malay, ako po ang nagdala sa kanya sa clinic." paliwanag ko. "Kamusta na si Kate?" tanong ni teacher. "Pinaalis po ako nung Nurse dahil oras daw po ng klase." dahilan ko sa Teacher. "Ganon ba." yun lang nasabi ni Teacher. "Pwede po ba akong bumalik sa clinic, Ma'am?" tanong ko. "Mabuti pa nga at nang may umalalay sa kanya kapag bumalik siya ng classroom." mabuti nalang pumayag si teacher kaya agad akong bumalik sa clinic pagkatapos akong payagan ni Ma'am. "Sabi ko bumalik ka na sa klase niyo, diba?" nagtatakang tanong niya. "Pinabalik po ako ni Ma'am dito para po may bantay si Kate." paliwaag ko at nagtungo na sa pwesto ni Kate sa kwarto. Marami kasing kama dito at nakapwesto siya sa dulo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD