KEN POV
*ding dong
"Hala Sir bakit basang basa po kayo???" tanong sa akin ni ate (kasambahay).
"Binigay ko dun sa babae kanina, baka kasi magkasakit." sabi ko at binigyan niya ako ng tingin na para bang sinasabi sa akin na ako naman ang magkakasakit sa ginawa ko.
"Baka kayo naman ang magkasakit niyan Sir." sabi ni ate. Diba tama ako.
"Okay lang ako, Ate. Akyat na muna po ako." paalam ko sa kaniya at iniwan na siya.
"Sige po, nakahanda na rin po ang pagkain sa mesa." sabi niya sa akin.
"Sige po." matapos kong magbihis kumain na ako then umakyat na ako papuntang kwarto.
'Ano kayang problema mo? Bakit ang lungkot ng mga mata mo?'
"Sir... Sir..." tawag sa akin ni Ate.
"Hmm." sagot ko ng nakapikit.
"Bangon na po, malalate na po kayo sa School." sabi niya.
"Hmmm." sagot ko at nminulat ko na ang aking mga mata.
"May bisita din po kayo sa baba." paalam niya sa akin kaya napatingin ako sa kaniya. 'Ng ganito kaaga?'
"Bisita?" pag-uulit ko.
"Opo." sagot naman niya.
"Sino daw?" tanong ko.
"Sandra daw po pangalan." napatayo ako nang marinig ko ang pangalan niya.
"Huh!!!" gulat na sabi ko habang naghahanda na ng masusuot ko.
"Bakit po?" tanong niya habang nakasunod sa akin.
"Bakit siya nandito?" tanong ko.
"Hindi ko po alam." sagot ni Ate.
"Sige Ate ligo lang po ako then bababa na." sabi ko kay Ate.
"Sige Sir." sagot naman nito at lumabas na ng kwarto ko.
Wala man siguro akong 5 minutes sa banyo grabe. Parang may nainom akong isang litrong energy drink. Mabilis akong bumaba pero hindi naman halatang excited syempre. Baka ano pa isipin niya.
"Sandra?" Syempre kunwari hindi excited. ᕙ(‾̀◡‾́)ᕗ
"Good morning, pumunta lang ako dito para ibalik 'to." Hayys akala ko naman ano na. Lumapit ako para kunin ang payong na binigay ko sa kaniya kagabi.
"Ah okay. Paano mo pala nalaman na dito ako nakatira?" tanong ko.
"Ibabalik ko sana 'tong payong kagabi nang sinundan kita kaya nalaman ko na dito ka nakatira." paliwanag niya. 'Obvious ba Ken!! Syempre same village nga kayo diba? Tanga lang.'
"Salamat sa paghatid." sabi ko.
"Thank you din. Mauna nako." paalam niya. 'Bilis naman!'
"Kumain ka na ba?" tanong ko. Huwag ka munang umalis please...
"Oo bago ako pumunta dito. Sige mauna nako!" paalam niya. Mukhang hindi ko makukumbinsi na magstay pa siya dito.
"Sige." yun nalang nasabi ko.
Kainis naman! Kala ko makakausap ko na siya ng matagal. Balak ko sanang sabihin sa kanya na ako yung kababata niya pero natatakot ako na baka layuan niya ako. Alam ko kasalanan ko pero hindi naman ako ang nagdesisyon non eh. But it's my fault for making her sad and I hope nakalimutan na niya yung dating ako.
Dumaretso na ako sa school after kumain. Same routine na naman. I'm tired with this role of my life. At alam ko kayo din na nag aaral diyan. Minsan nakakasawang mag aral pero nakakamiss kapag nagtatrabaho na. Hayy buhay nga naman.
"Hey bro!" tawag sa akin ng tropa ko.
"Anyare??" tanong niya.
"Wala bro. Bad dreams lang." biro ko.
"Panigurado bro babae yan." hula niya. Nanahimik nalang ako. Hinintay nalang namin yung Prof na dumating, wala ako sa mood makipag usap.
SANDRA POV
"Ken!!!" tawag ko sa kaniya.
"Ken!!!!" Hindi ako marinig sa sobrang lakas ng ulan. Baka ako pa sisihin nito kapag nagkasakit siya kaya hinabol ko hanggang sa umabot kami sa bahay nila. Huh? Same village lang kami?
Bukas ko nalang isasauli sa kanya tutal alam ko naman na din ang bahay niya.
"Oh bakit basang basa ka?" tanong ni Mama.
"Sobrang lakas po kasi ng ulan, yung payong ko po tinangay kaya nabasa ako ng ganito." pagdadahilan ko.
"Magpalit kana dun at baka magkasakit ka pa." utos ni Mama.
"Opo." sagot ko. Natulog na ko after kong maligo. Maaga pa pasok ko bukas at isasauli ko pa itong payong sa kaniya.
*Dingdong
"Good morning po." bati ko sa nagbukas ng gate sa akin.
"Good morning din hija. Sino sila?" tanong ni Manang sa akin mukhang kasambahay nila ito dahil nakauniform na pang kasambahay.
"Ah ibabalik ko lang po sana ito kay Ken naiwan niya po ito kagabi." abot ko ng payong kay Manang.
"Kaya pala basang basa siya kagabi, halika pasok ka sa loob." sabi ni Manang.
"Ah hindi na po, pakisabi nalang po na binalik ko na yung payong." tanggi ko.
"Ay hindi hija, pasok ka. Gigisingin ko lang siya sandali." hinila ako ni Manang papuntang sala at inupo niya ako.
"Ah sige po." sabi ko, wala na akong nagawa dahil umalis na siya sa harapan ko. Ang ganda naman ng bahay nila, pero bakit parang ang tahimik masyado. 10 minutes din akong naghintay sa baba baka ma-late pa ako neto eh.
"Sandra?" Ay baboy!
"Good morning, pumunta lang ako dito para ibalik 'to." hawak ko pa din sa payong.
"Ah okay. Paano mo pala nalaman na dito ako nakatira?" Ang cold naman nun. Sipain kita diyan eh! Kung hindi mo lang talaga iniwan sa akin ito hindi naman ako mapipilitang ihatid ngayon!
"Ibabalik ko sana 'tong payong kagabi nang sinundan kita. Kaya nalaman ko na dito ka nakatira." Nagiisip ba 'to? Siyempre susundan ko siya para ibalik sa kaniya 'tong payong. Haysss.
"Salamat sa paghatid." I want to get out of here!!!!
"Thank you din. Mauna nako."
"Kumain ka na ba?" Hindi pa ng dahil sayo!!!
"Oo bago ako pumunta dito. Sige mauna nako!" paalam ko.
"Sige." Hindi man lang namilit! Bahala ka sa buhay mo!
Muntik pa akong ma-late dahil sobrang traffic!!! Nadatnan ko si Kate na tulala pero hindi ko pa din siya pinapansin.
"Bal." huwag kang maaawa Sandra...
"Bal." tawag niya ulit sa akin. She's my weakness, hindi ko kayang nakikita siyang ganyan.
"Bakit?" Hindi ko din siya natiis.
"Sorry na." hingi niya ng tawad.
"For?" tanong ko sa kaniya.
"Making you feel useless as my bestfriend. Ayoko lang naman kasi pati ikaw madamay sa problema ko, lalo na squad natin ang nakasalalay dito." paliwanag niya.
"But still..." sabi ko.
"I'm sorry." pagputol niya ng sinabi ko.
"Okay na. Apology accepted." pagtaggap ko sa sorry niya.
"Talaga?!!!" tanong niya.
"Ayaw mo?" tanong ko din.
"Yehey!!!!!!" sigaw niya at niyakap niya ako.
"Shhh huwag kang maingay may nagrereview." sita ko sa kaniya.
"Masaya lang ako. ɷ◡ɷ" sabi niya.
"Mamaya nalang nandiyan na si Ma'am." sabi ko at umayos naman siya ng upo.
"Okiee okiee." dumaretso kami sa canteen pagkatapos ng klase namin dahil gutom na gutom na ko!!!
"Bal, hindi ka ba maiimpatcho niyan?" tanong sa akin ni Kate.
"Hindi kasi ako kumain kaninang breakfast kaya gutom na gutom ako ngayon." sagot ko habang may laman pa ang bibig ko.
"Buti?" Napatingin ako kay Ken. Muntik pa akong mabilaukan sa pagtitig niya.
"Late nagising eh. Hehe." sabi ko.
"Oh sige kumain na tayo."
KEN POV
Ganito ba sila kalakas kumain?
"Bal, hindi ka ba maiimpatcho niyan?" Oo nga naman Sandra.
"Hindi kasi ako kumain kaninang breakfast kaya gutom na gutom ako ngayon." 'Ang sabi mo kanina kumain ka before ka umalis ng bahay.'
"Buti?" Tumingin siya sakin.
"Late nagising eh. Hehe." So ako ang sinisisi mo sa nangyari. Naguilty tuloy ako.
Kinabukasan maaga akong nagising para isabay si Sandra sa School. Para naman makabawi ako sa kaniya. Nasa loob ako ng kotse naghihintay na dumaan siya.
"Sandra." tawag ko sa kaniya.
"Ay palaka ka!!!" nabigla ko ata siya.
"Sa gwapo kong 'to?" biro ko sa kaniya.
"Bakit ka ba kasi nanggugulat!!" sigaw niya.
"Tinawag lang naman kita." sabi ko.
"Hindi ko naman kasi alam na nandiyan ka so tendency na magugulat talaga ako!" paliwanag niya.
"Aga aga highblood agad. Hop in." sabi ko.
"Bahala ka sa buhay mo!" nagpatuloy siya sa paglalakad.
"Sige na." pilit ko sa kaniya habang sinasabayan siyang maglakad gamit ang sasakyan.
"Bakit ba?" inis na tanong niya.
"Sabi mo kasi kahapon hindi ka nakapagbreakfast dahil binalik mo yung payong ko." sabi ko.
"So?" Sungit naman nito. May dalaw ata.
"Gusto ko lang naman makabawi, tara libri ko hindi pa kasi ako nakakapagbreakfast." pagdadahilan ko.
"Kasalanan ko?" daming tanong.
"Tara na kasi. Dami pang satsat." bumaba ako at hinila ko siya papuntang passenger seat.
Pinaandar ko agad ang engine para hindi na siya makababa pa. "Ano palang gusto mo?" tanong ko.
"Kahit ano." pagdadabog na sagot niya.
"Goodmorning Sir! Order po nila?" sabi nung sa drive-thru counter.
"Dalawang breakfast meal, dalawang 1 piece chicken, then dalawang large fries and burger." order ko at pinalo ako ni Sandra.
"Yun lang po ba?" tanong niya.
"Yes." sagot ko at inulit niya ang inorder ko.
"Proceed to next counter Sir for payment." sabi niya.
"Thank you." sagot ko naman.
"Bakit ang dami mong binili?" tanong ni Sandra.
"Gutom ako, tsaka tutulungan mo kong ubusin 'to no." Para matagal kitang makasama siyempre.(≧▽≦)
"Hindi na, baka malate pa ako sa first subject namin." sagot niya. Naglungkut lungkutan ako para maawa tong babae na to.
"Oo na sige! Nagpaguilty pa eh." Oh diba effective!!! ╰(▔∀▔)╯
After namin kumain dumaretso na kami sa school. Nauna siyang umalis sa akin ayaw niya daw na may makakita samin. You know, mga cctv ng school dumarami.
*(cctv- chismosa) ?✌️