Chapter 2: Tanga

1472 Words
Dhen??? Totoo ba tong nakikita ko? Ba't niya hawak bawak yung kamay ko? I'm not his closest friend here to hold my hand. I hate him, di ko maexplain bakit ayaw ko sa kanya. Agad kong inalis yung kamay ko sa kamay niya. Wala akong pakialam kung makita man pagkairita ko. Ayaw na ayaw kong hinahawakan. Naiirita ako at buti nalang wala pang gaanong tao sa room kung hindi issue na naman yun! Sa mundo ngayon lahat ng galaw mo, issue. Kaya ingat ingat din. Hahaha. "Anong problema mo?!". Nainis talaga ako sa ginawa niya. Aba! At tumawa lang sa tinanong ko! "Gusto ko lang hawakan yung kamay mo". At sinong may sabing pwde niyang hawakan yung kama ko!!! FYI, virgin pa tong kamay ko! At ikaw ang unang nakahawak niyan! Mahalaga ang bawat parte ng katawan ko kasi NBSB pa ko! How dare you to hold my hand?!!! "Sinong may sabing pwede mong hawakan ang kamay ko?". Ang arte lang no? Hahaha. Varsity siya sa school namin kaya maraming nagkakagusto sa kanya. Choosy na kung choosy pero di ako magkakagusto sa kanya no! "Ako". aba! Ha!!!! Kahit hindi ako maganda may puri din ako no!!! "Alis nga!!! Dun ka! Nagbabasa ako dito wag kang magulo. Humanap ka ng magugulo mo dun!". Pag w*****d na usapan ayokong naiistorbo. Hahaha. "Gusto ko ikaw eh." oh Lord, masasapak ko talaga to pag di pa umalis! Ang lakas ng trip neto! "Alis!!!!!!!" sumigaw ako sa classroom. Wala akong pake kung choosy man ako. Basta gusto ko lang umalis siya sa paningin ko. Last subject na. Uwian na niyan!!! Nakakaantok talaga pag afternoon class na. Kaya pumunta ako sa harap kahit na nasa likod ako nakaupo. Vacant kasi ung first line para sa malalabo ang paningin. Umupo ako malapit sa pintuan para maalis yung antok ko. Filipino subject ba naman ngayon. Suppperrr boring. Kumuha ako ng book then kunwari nagbabasa ako. Nilagay ko sa noo ko ung kamay ko para di halata pag nakatulog ako. Hahaha. Then yung isa kong kamay nakahawak sa arm chair sakaling mahulog yung kamay ko. Alam ko wala akong katabi kaya natulog nalang ako. Nung makakatulog na sana ako may biglang humawak sa kamay kong nakahawak sa arm chair. Hindi ako makasigaw kasi nagku-kwento about sa Noli Me Tangere. Kaya tiningnan ko nalang sino yung humawak ng kamay ko. Ayokong isipin si Dhen na naman baka ano ng maisip ko sa mga ginagawa niya. "Bitiwan mo ang kamay ko." Pano siya napunta dito?! Nasa likod siya kanina ah. Nabigla na rin ako at puno yung first row ng mga upuan. Pilit kong inalis ung kamay ko sa kamay niya pero di ko magawa kasi ang lakas niya and ang liit ng kamay ko kumpara sa kamay niya. 5’11 ata to eh. Sobrang tangkad. Then may nakita akong lungkot sa mga mata niya. "Hinahawakan ko lang naman eh". Problem neto? Bat di nalang sa iba naming classmate yung hawakan niya!! Bat ako pa? Gusto ata neto magalit lahat yung mga nagkakagusto sa kanya eh. "Sa iba nalang pwede? Nakakairita lang kasi may biglang hahawak sa kamay ko". Hindi pa din niya inalis ang pagkakahawak. Ayokong may nasasabi yung iba sakin. Baka masabihan pa kong malandi neto eh... "Yung sayo yung gusto ko eh, ang lambot kasi." Kaya nga ayokong ipahawak sayo ea kasi magaspang yung kamay mo kakabasket ball. Puro kalyo. Hindi ko naman masabi baka ma-offend ko siya. "Marami diyan, sa iba nalang." Hindi pa din niya tinatanggal kaya hinayaan ko nalang muna. Sa susunod tatabi ako dun sa walang vacant para di na siya makadikit sakin. Arte lang? Hahaha. *Ring bell* Uwian na!!!! Same routine every morning. Buti nalang sabado ngayon di ko siya makikita. Haha. di ako lumalabas ng bahay, pag may utos lang yung tita ko dun lang ako lumalabas. Hanggang sa dumating na naman ang lunes. Makikita ko na mga bestfriend ko!!! Maaga kami ngayon kasi may flag ceremony. Then after nun may excercise pa neto. Alam niyo yung wellness song? Every monday may exercise kami at hindi kami titigil hanggang hindi kami nagkasabay- sabay at take note! Lahat ng students ah! 1st subject na. Halos hindi na kami makapaglesson every monday sa Physics time namin dahil nagoovertime yung sa flag ceremony. Kapag hindi sabay sabay pinapaulit ng principal kaya halos dugyot kami hindi pa man nagsstart yung class. "Ok class, malapit na ang Senior Prom ninyo. I hope you will all participate in that event. Last na ninyo bilang HighSchool students kaya sulitin na ninyo. And by the way may plus points ang magaattend ng Senior Prom!" Bat kasi sinabi pa niya na may plus points ea...yan tuloy napilitan lang akong pumunta. Ayaw na ayaw kong nagddress, feel ko nakalitaw na buong kaluluwa ko. Hahaha. Di din naman ako mageenjoy kasi wala kaming mga partners nila beshy... tapos si Dhen meron na ata. Hoy!!!! Bat mo naman naisip yung mokung na yun!!! Anong pake mo kung may partner na siya? Hello??!! Di kayo close nun. *Senior Prom* "Ang ganda mo naman Bal!!!" Di ako sanay na suot tong dress. Tapos sinabihan pa ko ng maganda, lalo lang akong nailang sa suot ko. "Pwede ba!!! Alam naman natin na di ako eh. Atska wag kang maingay, naiilang ako!" Gusto ko na ngang umuwi na kaso di pa nagsstart. Nakakainis. Start the Prom. Ang gaganda naman nila. Gustong gusto kong magsuot ng gown kaso hindi ako biniyayaan ng ganda kaya lagi akong naka pants. Never pa kong nagsuot ng palda except dun sa skirt ng school syempre. Nakakainggit sila, at ang puputi pa nila. Nung sigurong bumuhos ng ganda at puti nakaidlip ako kaya di ako nabiyayaan. Lahat nalang ng di maganda nasapo ko pwera nalang sa ugali syempre. Mabait ako. Kaya siguro NBSB ako kasi wala talagang nagbabalak magkamali. "Hoy!!!!kanina pa kita kausap di ka na naman nakikinig." Sigaw sa akin ni Bal. "Ano ba yun Bal? Sorry, may iniisip lang." dahilan ko sa kanya. "Alam ko!!! Kaya ka nga hindi nakikinig diba? Tara pila na tayo. Gutom na ko." Kanina pa pala ako tulala? Kakain na pala. "Wait lang naman! Nakaheels ako!" natatapilok ako sa stilettos na suot ko! Nakakainis, hindi kasi ako sanay ea. Oh my!!!! Oh my!!!! "Huwag kasing tumakbo. Yan tuloy napala mo." Natapilok na nga ako sinermunan pa ko. Pero buti nalang nahawak niya ako agad kung hindi natumba nako. Pero ang sakit pa din ng paa ko. Hindi ko malakad. Huhuhu. "Sa....Sandali lang ibaba mo ko. Kaya kong maglakad!!!!" Nakakahiya, binuhat niya ko sa harap ng maraming tao. "Sige nga, maglakad ka." Binaba niya ko. Sinubukan kong maglakad kahit masakit pero nung pagkatakbang ko ng isa kong paa nahulog ako. Ouchhh!!! Ang sakit. Bat kasi iniwan ako ni yam dito eh yan tuloy nangyari sakin. Huhuhu "Ang kulit kasi eh, kapag yan namaga lalo kakapilit mong maglakad malilintikan ka sakin." Pabulong niya lang sinabi at buti nalang maingay dito. Dinala niya ko sa clinic, at sakto walang tao dito kasi nga prom night ngayon. Nasa hall silang lahat. Iiwan niya sana ako dun ng bigla ko siyang tinawag. "San ka pupunta?" takot akong mag isa dito... sabi kasi may multo daw dito. "Babalik don, bakit?" Ano ng sasabihin ko??? Isip dali!!!!! "Takot akong mag isa." sana naman magstay ka. Ayoko talaga magisa dito. Ang seryoso naman ng mukha neto. Parang mangagain ng tao. "Kukuha lang akong yelo, baka mamaga pa lalo yan pag di naagapan." Akala ko iiwan niya lang talaga ako dito mag-isa. Buti nalang pala natapilok ako di ko na poproblemahin yung suot ko. Ang tagal naman niya. Natatakot na talaga ako dito. Sinubukan kong tumayo para makalabas ng clinic, di ko na kaya yung takot ko. Lalabas na lang ako. May narinig akong naglalakad kaya mas lalo lang akong natakot. Kahit masakit yung paa ko nagawa kong ilakad at ng may nabunggo ako. Lord help me.... sana di to multo or aswang...huhuhuhu. hinintay ko lang na may magsalita pero wala ea. Kaya minulat ko yung mga mata ko, si Gian pala. Bat niya alam na nandito ako? Iilan lang ang nakakaalam na natapilok ako dahil sa ingay ng hall kanina. "Bakit ka tumayo? Diba masakit paa mo?" buti pa to di ako sinusungitan. Sana hindi nalang bumalik si dhen. Ang sungit. "May narinig kasi ako sa banyo kanina kaya nagmadali akong lumabas. Natatakot kasi ako eh." iniwan kasi ako ni Mr. Sungit. "Dito nalang ako, babantayan nalang kita sige." ang bait talaga ni Gian. "Pwede ka ng umalis." tumingin kami sa pinto. Si Dhen. Yan na naman yung tingin na yan eh. "Ok lang, akin na lang yang hawak mo. Sasamahan ko nalang muna dito si Kate." Mas ok yun!!! Sige sige "Alis sabi." anong problema nito. Nakakahiya kay Gian, siya na nga ang nagprinsinta eh. Comment and vote if you like it my friends!!!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD