Chapter 3: Moment

1216 Words
KATE POV Gaya ng sabi ni Dhen umalis si Gian. May dalaw ata to eh, ang sungit. Mas gusto ko ng kasama si Gian kesa naman sa lalaking ’to na ubod ng sungit. "Ba't ba ang sungit mo? Gusto lang naman niya kong samahan eh." Pagdadabog ko sa kanya. Pasalamat ka ikaw ang tumulong sakin, kung hindi, baka mapalayas din kita ng wala sa oras. "Nandito naman ako bakit pa siya pupunta dito." Ano daw? Tama ba narinig ko? Ano to? Nasa teleserye ako ng isang kdrama? Ganda gandahan lang ang peg? "Ang sungit mo kasi baka napipilitan ka lang." At aakmang tatayo ako ng pigilan niya ko. "Sabing wag ilakad, bat ba ang kulit mo?!" Sigaw niya. Naiiyak nako. Ayaw na ayaw kong sinisigawan. Natatahimik ako pag ganun. Habang nilalagyan niya yung yelo ung bimpo napapansin ko lagi siyang tumitingin sakin. May dumi bako sa mukha? Ayoko ng magsalita baka sigawan niya ulit ako. "Uyyy" tawag niya sakin. Napansin siguro niya hindi ako kumikibo. "Ano?" nawalan nako ng ganang magsalita. Parang ayaw ng gumalaw yung dila ko. "Bat di ka na nagsalita diyan? May problema ba?" Tanong niya. ‘Oo, ikaw problema ko!’ "Sa totoo niyan hindi ako makakibo kapag nasisigawan ako." Hala! Bat nangingilid mga luha ko? Wrong timing ka naman eh. "Sorry kung nasigawan kita nabigla lang naman ako sa pagtayo mo eh. Baka kasi lalong mamaga pag pinilit mong ilakad yan." Invalid reason pa din yun! Umupo na siya sa tabi ko. Hindi ko alam anong sasabihin o paano magsalita. Umaatras yung dila ko, ni ayoko ng buksan ang bibig ko. Wala din siyang kibo. Baka nasasayang yung oras niya dito. Ang saya pamo ng tugtugan sa hall. "Salamat. Ok nako siguro, pwede ka ng bumalik dun sa hall." Sabi ko. Kahit na takot ako dito ayoko namang hindi siya magenjoy ngayong gabi no. "Sasamahan na kita, diba sabi mo takot kang mag-isa?" Tanong niya. ‘Oo pero magpapasundo nalang siguro ako kay kuya.’ "Ok lang, magpapasundo nalang ako kay Kuya Paul." Pagsisinungaling ko. May trabaho pa si Kuya Paul hanggang 12mn, anong oras palang ngayon, 8:15 palang. "Sige, tawagan mo muna siya bago ako umalis dito." Paano ako magpapalusot neto. "Tara Kate hatid na kita sa inyo." Buti nalang bumalik si Gian. Thank you Lord. ? "Salamat! Sige tar---" binuhat ako bigla ni Dhen. Ang problema nito! Kanina pa siya ah. "Ako na bro, bumalik ka nalang don. Ako na maghahatid sa kanya sa bahay nila." Prisinta ni Gian. ‘Seryoso?? Yung tetee??? Kikiligin na ba ako? Enebeyen’??? *parking lot* Grabe binuhat niya ko hanggang dito. Di kaya sumakit katawan nito. Ang bigat ko kaya. Hahah. Wala siyang kibo, binaba niya ko pero ayaw niyang ipatapak sa floor yung isa kong paa. Bale nakahawak pa din siya sa bewang ko at ako naman nakahawak sa leeg niya. Bubuksan niya kasi yung pintuan ng kotse. At ng mabuksan na inalalayan niya kong pumasok. "Ok lang naman kung si Gian nalang ang maghatid sakin, napagod ka na kanina." Sabi ko. "Turo mo nalang san yung bahay niyo." Ay ganon? Sungit talaga nito! "Pwedeng dumaan muna tayo sa mcdo? Nagugutom ako ea.?" hindi pala ako nakakain kanina dun dahil sa stilettos na ‘to! Pinaandar lang niyang sasakyan at gaya ng sabi ko dumaan nga kami sa mcdo para magorder. "Good evening. Isang bff fries, dalawang one piece chicken with apple pie, then pa upgrade ng monster float yung tatlo, and 2 burger please." ha!!! Ang dami! Sino lahat kakain neto? "Ang dami mo namang inorder? May pagbibigyan ka?" Nagulat ata siya sa sinabi ko. "Diba sabi mo gutom ka?" Gutom ako pero di ako patay gutom. Pero kayang kong ubusin yun??. Matakaw lang ako, di ako patay gutom! "Oo pero mauubos ba nating lahat yan?" Syempre mauubos ko yan no! Sa gutom kong to. Hahahaha "Edi tapon natin pag di natin naubos." Porket mayaman nagsasayang ng pagkain! "San natin kakain kung ganon?" Di ako makalabas ng kotse kasi ayaw niyang nilalakad ko. "Tara labas muna tayo then dun natin kainin sa labas." Pumunta kami sa park para dun kumain. Bubuksan ko sana ung pinto ng pigilan niya ko. "Sinong may sabing bababa tayo? Dito tayo kakain sa loob ng kotse." Baka paglinisin pa niya ko pag nadumihan ung kotse niya. "Baka madumihan yung kotse mo." Parang walang narinig si Mr. Sungit. Nilapag niya lahat ng inorder namin. "Wala akong pake basta wag kang bababa." Nakakatakot palang magalit si Mr. Sungit. Edi wag bababa basta gusto ko ng kumain. Gutom na talaga ako. At kumain na nga kaming dalawa. Ang sarap talaga?? parang kulang pa nga sakin to eh?. "Akala ko ba di mo mauubos? Halos ikaw lang ang kumain." Sabi niya. ‘Weh?? Talaga??’ "Edi ako nalang magbabayad. Para yun lang." pagdadabog ko. "Huwag na. Baka isumbong mo pa ko sa mommy mo." Anong connect?? He start the engine and ready to go. Tinuro ko sa kanya yung papunta samin. Ayoko sanang may makaalam sa bahay. Basta ayoko lang. Napagmasdan ko siya habang nagddrive, mabait naman pala siya eh, pag tahimik nga lang. Matangos pala ang ilong niya. In short, gwapo siya. "Huwag mo kong titigan." Assuming naman neto. "Hindi kita tinititigan no!!! Huwag kang assuming diyan!" Tama na Kate baka ano pa masabi mo. "Saan dito?" Ay oo nga pala!!! "Liko ka diyan sa kanto." Muntik na kaming lumagpas. "Ihinto mo na diyan sa may black na gate." May tao kaya sa bahay? Ang alam ko kasi mamaya pa sila uuwi. Ng maihinto niya yung sasakyan agad siyang bumaba at pinagbuksan ako ng pinto. Akala ko aalalayan lang niya ako pero binuhat niya ko. Oh my gosh!!! Ang lapit ng mukha niya!!! How to breathe guys? "Kaya ko na Dhen, hindi naman ako nalumpo." Nakakainis naman to! Ginagawa akong lumpo kahit kaya ko namang maglakad. "Gusto mo bang matuluyan? Ba't ba kontra ka ng kontra. Ikaw na ngang tinutulungan eh." Wow!!! Ako pa nagmukhang maarte dito ah. Sapakin kita diyan eh. Aakmang sasapakin ko sana ng makita niya kong ginagawa yon. "May dumi ka dito oh." Kunwari may inalis ako sa buhok niya. Muntik nako dun ah! Hmmm!!! Baka kasi may makakita samin ano pang ipagkalat nila. Alam niyo naman mga tsismosa, tsismosa na nga sinungaling pa. Yung tipong dadagdagan pa nila ng info. na hindi naman totoo. "Ok na dito Dhen, di naman siguro ako malulumpo ng tuluyan kung ako nalang papasok sa bahay no?" Pigil ko sa kanya. Hindi naman sa ayoko, ayaw ko lang kasi na pumasok siya sa bahay ng walang tao, baka lalo lang akong pagtsismisan ng mga kapitbahay. "Ikaw bahala, basta kapag lumala yan hindi ko na kasalanan." Di naman kita sinisisi ah... "Salamat ulit. Ingat ka pauwi. See you tomorrow!" Nagwave nalang ako sa kanya. "Papasok ka bukas?!" Galit ba ‘to o nagtatanong lang? Hindi kita boyfriend para magtanong ng ganyan no. "Oo, ok na’ko bukas. Promise." Bakit ba ko nagdadahilan sa lalaking ‘to?! Pasok na nga ako. "Susunduin kita bukas ng 7am." At pinaharurot na niya ung sasakyan niya. What did he say? Hindi pwede! Makikita siya nila kuya. Ayokong mapagalitan sa kanila no. "Baka niloloko lang ako nun. Huwag kang assuming Kate!" Naghilamos lang ako then nahiga na. Don't forget to comment and vote my friends!!!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD