Chapter 4: Baby

1108 Words
⏰⏰⏰⏰⏰⏰⏰ "Sugar!!!!! Yes please!!!! Won't you come and put it down on me!!!!" ?? Check the phone* Hala!!!! 6:15 na!!! Susunduin pala ako ni Dhen ngayon! Agad akong tumayo papuntang banyo. "Ouch!!!!!!!!!" Nakalimutan kong masakit pala paa ko! Teka lang! Bat ba ko nagmamadali? Eh hindi naman tototohanin ni Dhen yun. Naligo nalang ako in my normal way. Then after kong magbihis bumaba na ko para magluto. Aba!!! May milagro ata ngayon? Bat may naamoy akong pagkain? Sinong nagluto? Imposibleng si Kuya Paul ang nagluto? “Kuya Paul?” Tawag ko habang bumababa ng hagdan. Ang aga aga para si Kuya Paul ang magluluto. Dumaretso akong kusina para tingnan kung sino ang nagluluto. "Bakit ka nandito???!!!" Bat siya nandito?? At paano siya nakapasok? Oh my goodness!!!!! ¤o¤/ ano tong naiisip ko? Ang gwapo pala niya. Bat ngayon ko lang napansin. Actually, hindi ko naman talaga siya kilala. Nababalitaan ko lang na mayabang siya, bully, at suplado. So anong mas paniniwalaan ko? Yung sinasabi nila o kung anong nakikita ko ngayon? Ang amo ng itsura niya. Grabeee. "Kate! Sabi ko kain na. Ano pang tinatayo tayo mo diyan?" Anong pinagsasabi nito? Nakaupo naman ako ah. Tiningnan ko kung nasan nako. Nahypnotized niya ata ako ea. Naglakbay yung kaluluwa ko sa kung saan. Hahaha. At napansin ko nga nakatayo pa ko. "Huh?! Ah wala, may naalala lang ako." Lumapit nako sa kanya, at kumain na din. Hindi ko alam na marunong pala siyang magluto. Ang sarap niya talaga. I mean, ang sarap talaga niyang magluto. Pwede din naman na pati siya iulam ko na eh. Hahahaha. Charott!!! "Ako nalang diyan." Aba?! May lagnat ata to eh. Parang may sakit. Pagkatapos niyang magluto, naghuhugas naman siya ng pinagkainan ngayon. Hahaha. "Ako nalang. Magready ka nalang, aalis na tayo after kong maghugas ng pinagkainan natin." Nagmadali ako sa kwarto para magtoothbrush. After 5mins bumaba nako. Grabe, ang sakit pa din ng paa ko. "Tara na. Kuya alis na kami." Nasa sala si Kuya Paul nanonood ng tv. Hindi man kami hinatid sa gate. Alam ko galit na ‘to. Malalagot ako mamayang kauwi neto. "Ar---!!!!." Ouch!! Ang sakit. Nakita ko siyang lumingon sakin kaya agad akong umayos ng tayo para di niya na naman ako sermunan. "You okay?" Hindi talaga ako makapaniwala sa nakikita ko. Sakin lang ba siya ganito? O naaawa lang siya dahil sa kalagayan ko? "Oo. May natapakan lang akong bato." Dumaretso nako sa passenger seat. Ayokong makipagusap sa kanya. Nakakahiya ka talaga Kate. Wala ka sa hulog eh. "May gagawin ka before lunch?" Bakit na naman?! "Wala naman." Di nalang ako magsasalita para tapos na usapan. "Sabay na tayong maglunch." Huh?! Tama ba narinig ko??? Sabay daw kami magla-lunch? Wait lang! Nanananginip ba ko? Kinurot ko ng patago yung kamay ko at di nga ako nananaginip! Wait lang! Baka sabihin ng mga tao ang landi landi ko na sa panget kong to makikisabay si Dhen sakin? Wag nalang. Ayoko ng magulong buhay no. Ok na ko sa pumapasok lang at nagaaral ng mabuti. "May sched pala ako Dhen, sorry." Wait lang... anong idadahilan ko pag nagtanong siya? May gagawin akong project? May bibilhin ako sa labas? Magrereview? Ay basta!!! "Ah ok." ? akala ko magtatanong pa siya. Nasa parking lot na kami ng school. Buti nalang napaaga kami ng konti. Walang makakakita samin dito. "Thank you, Dhen! Una na ko, bye!!!" Gusto kong magmadaling maglakad para sana di ko siya makasabay ang kaso problema talaga tong paa kong to. Nung halos mahabol na niya ako. Nagdahilan ako na mauna na siya. Nang nauna na siya naglakad nalang ako ng mabagal ng matabig nung bata yung bag ko kaya ang ending nahulog lahat ng gamit ko pati ako nasama. "Aray!!!!!!!!" Ang malas malas ko naman! Nasa 6-7yrs old ung bata na nakabangga sakin. Umiiyak siya, parang nawawala ata. "Baby, bakit ka umiiyak?" Di ko nalang pinansin yung paa ko. "Mommy Mommy!!!" Nawawala nga siya. Pinulot ko muna mga gamit ko then dinala ko siya sa Office para mapabilis yung paghahanap sa Mommy niya. "Mommy Mommy." Hala nagpapabuhat siya. Paano to? Baka lumala yung paa ko. Ilang minuto ko din siyang tinitigan kung bubuhatkn ko ba siya o hindi. "Baby gusto mo ako nalang magbuhat sayo?" Tanong ni Dhen na biglang umupo para pumantay sa bata. "Shigi po shigi po." akala ko ba nauna na to. Bigla bigla nalang sumusulpot kung saan. After naming dalhin yung Baby sa Office iniwan na namin kasi late na kami sa class. “Mauna ka na sige.” Sabi ko at ayan na naman ang mga nalilisik na mga mata niya. “Late na din naman tayo, okay lang.” sabi niya at inalalayan ako sa paglalakad. “Alam mo ba kung sino ang teacher nating ngayon?” Tanong ko at tiningnan lang niya ako. “Si Sir Vlad.” Si Sir Vlad kasi strict pagdating sa oras niya tila pati paghinga mo naririnig niya. “So?” Ang yabang porket pabor lagi ang mga teacher sa kanya. Hindi na ako nakipagtalo sa kanya dahil siguradong nasa kanya ang huling halakhak. “Kamusta na yang paa mo?” Tanong niya. “Medyo kumirot kaninang maapakan nung bata.” Paliwanag ko. “Kita ko nga kanina.” Sabi ni Dhen. “May galit ka ba sa akin?” Tanong ko. “Wala. Bakit mo naman naitanong yan?” Sarap sapakin! “Kasi binibigyan mo ako ng problema.” Dahilan ko at tumingin sa paligid namin. Nagsilabasan ang mga studyante sa 1st floor ng building dahil kita kami mula sa bintana ng mga classroom ang field dito sa School. “Ayokong maubusan ng buhok kaya maghinay hinay ka sa paglapit sa akin.” Suggest ko sa kanya. “Wala akong paki sa kanila.” Hindi talaga marunong bumasa ng sitwasyon ‘tong lalaki na to. “Pwes ako meron.” Agad na sagot ko sa kanya. “Bakit?” Tanong nito sakin. “Bakit?!” Inis na tanong ko. “Ikaw lang naman po ang crush ng bayan dito. Halos lahat ng babae dito gusto ka.” Paliwanag ko sa kanya. “So, gusto mo rin ako?” Tanong niya sa akin. Sa sobrang inis ko inalis ko ang kamay niya sa braso ko dahilan para magpadugang dugang kami sa field dahil medyo pababa ito. Lalo lang lumala ang galit ng mga babae nito sa akin. “Ayos ka lang?” Agad na tanong ni Dhen sa akin at inalalayan akong tumayo. “Yung paa mo?” Tanong niya. Mas iniintindi ko pa ang gagawin ng mga girls kesa sa paa ko. ??‍♀️
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD