Heart Point of View "Wife paki-ayos naman nitong tie ko", sabay taas niya ng tie na hindi niya makabit nang maayos, agad naman akong lumapit sa kanya. "Ang tanda mo na di ka pa rin marunong mag tie", sabi ko habang inaayos ang pagkakalagay ng tie niya sa leeg, ang mga kamay niya naman ay nasa bewang ko nakapulupot habang ramdam na ramdam ko ang titig niya sa mukha ko. "Mahirap" rason niya at tumawa ng mahina, tinapos ko na ang pag-aayos ng tie niya at pumunta sa niluluto ko. Dalawang araw na ang lumipas at sobrang naging maasikaso niya at minsan naman ay inaatake siya nang pagkamanyak niya kaya lagi ko siyang tinatakot na paghindi pa siya tumigil ay sa guest room ako matutulog. Dito na rin kami tumutuloy sa bago naming bahay gusto niya pa ngang maghire ng katulong pero pinigilan ko la

