Dave Point of View Nagising ako ng may tumamang sinag ng araw sa aking pisngi, tanghali na at mamaya ay aalis na kami rito. Tignan ko ang katabi ko, mahimbing na natutulog sa aking dibdib napakaperpekto. Naalala ko ang nangyari kagabi, kagabi na muling nag-isa ang aming katawan. Nilaro-laro ko ang kanyang buhok, hindi ako makapaniwala na magkakaayos na kami na binigyan niya na ako ng isa pang chance upang maging parte ng buhay niya bilang isang asawa. "Hmmm" pinikit ko ang aking mata at nagkunwaring tulog pa. Ilang saglit lang ay naramdaman ko ang maliliit niyang daliri na hinahawakan ang nose line ko at piglang pinindot ang tungko nito. "Hubby ko, gising na", hindi pa rin ako dumidilat. "Nagugutom na ako", narinig kong bulong niya napamulat ko tuloy ang mata ko at napatin

