Tinitignan ko lang siyang mahimbing na natutulog sa higaan namin, napagod ata ang asawa ko sa paglalaro sa kambal ni Mr.Gonzales. Naalala ko nanaman ang sinabi niya 'edi gawa tayo ng baby' seryoso ang pagkakasabi niya pero sa bandang huli ay 'joke' lang pala, ayos lang alam kong hindi pa siya handa na magka-anak pa muli kami handa naman ako mag hintay eh, hihintayin ko kung ready na siya kung kaya niya na akong tanggapin muli. "Wife i love you" , bulong ko sa kanya at tinitigan siya, ilang beses na ba akong nag 'I love you' sa kanya pero wala akong natanggap na sagot kundi puro ngiti isa yun sa mga senyales na hindi niya pa ako napapatawad nang buo, hindi pa siya nakakalimot sa nangyari dati. Si-net ko ang alarm ng cellphone ko para sa dinner date namin mamaya bago nahiga sa tabi niyam

