"Ano ka ba hubby ko ayos lang yun, babawi ka naman diba?", tumingin ako sa kanya nakangiti na siya ngayon, parang walang nangyari o hindi siya na saktan sa ginawa ko dati sakanya. Nahihiya ako, ako ba dapat ang tawagin niyang asawa hindi ba siya nagsisi na ako ang pinakasalan niya na ako na walang ginawa sa kanya kundi ang saktan lang siya ang paiyakin lang siya. "O-oo naman babawi ako sayo wife", tumayo ako para yakapin siya, mahal na mahal ko tong asawa ko at gagawin ko ang lahat babawi ako kahit habang buhay pa, kahit ligawan ko siya hanggang pagtanda namin gagawin ko. Tumayo na rin siya at nag-umpisa na ligpitin ang pinagkainan namin, nagtalo pa nga kami dahil ako dapat ang gumawa nun pero sabi niya ay mag-ayos na daw ako at siya na ang mag-aayos nang pinagkainan naming dalawa. Gan

