Chapter 4
"Kain ka na Heart, nag luto ako ng Caldereta." sabi ko sakanya ng napansin kong pumasok siya sa kusina, buti nalang at nakapag luto na ako gutom na siguro siya.
Dumeretso lang siya sa ref at kumuha ng tubig bago ininom.
Tinitigan ko lang siya ang payat payat na niya ibang iba siya dati na ang healthy ng katawan.
"Sige." maigsi niyang sabi pero naka pag pasaya sa akin, kakain na siya. Kakainin niya ang niluto ko ganito pala ang feeling pag kakainin ng taong mahal mo ang luto mo, alam kong sobrang liit lang nito pero di ko parin maiwasan na mapangiti.
Kumuha na siya ng pagkain niya, hindi na muna ako kakain papanuorin ko muna siya. Pag kumuha ako sigurado akong papa alisin niya ako dahil ayaw niyang may kasamang kumain.
Patuloy lang siya sa pag kain pero bigla niyang binaba ang kutsara niya at tinitigan ako, may nagawa ba ako.
"Hindi ka ba kakain."
Umiling iling ako "Hindi mauna ka na papanuorin nalang muna kita"
"Kumain ka na, ayaw kong may tumitig sakin habbang kumakain." Ayoko, gusto ko siyang nakikitang kumakain ng luto ko.
"Wag kang mag alala di kita papa alisin ... di ako katulad mo." napayuko ako sa huli niyang sinabi, alam kong bulong lang iyon pero narinig ko. Ganito na ba niya ako kinakamuhian?
Kumuha ako ng plate ko at kumuha na rin ng pag kain ito ang unang beses na mag sasabay kaming dalawa, yung kaming dalawa lang nag kakasabay lang kaming kumain pag may mga bisita o nandito ang mga magulang namin.
Tahimik lang kaming kumain dalawa, walang nag sasalita sa amin hanggang matapos siya pero hindi siya umalis nakatingin lang siya sa akin.
"Aalis na ako." para akong binuhusan ng malamig na tubig, di ako makagalaw sa sinabi niya.
Iiwan niya na talaga ako, sumuko na talaga siya sa akin.
"Bat naman ang bilis, pwede naman kahit sa susunod na buwan na diba o sa susunod na taon." tumingin ako sa taas para mapigilan ang luha ko na gusto nang bumagsak.
Ba't naman ang bilis ganito na ba niya gusto akong iwan, di ko alam kung anong gagawin ko kung wala na siya na gigising ako nang umaga na hindi ko siya makikita na walang hahalik sa pisngi ko at wala nang mangungulit sa akin.
"Ge" sabay alis niya sa harap ko at umakyat na sa kwarto niya. Niligpit ko nalang ang pinag kainan namin nawalan na ako nang gana.
*Phone Ringing
Ano nanamang kailangan ng lalaking to, alam niya namang malaki ang problema ko sasabay pa siya.
"Hello anong kailangan mo?"
'grabeng bungad yan pre, lika sama ka sa bahay tayo nila anton , may problema si Anton'
Hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya, pumunta na ako sa kwarto ko para mag bihis pupunta na muna ako dun kailangan ko muna siguro na uminom para makalimutan muna ang problema ko, makalimutan ang takot na nasa puso ko.
"Heart, aalis muna ako pupunta ako kala Anton." tumingin lang siy sa akin parang walang paki alam.
Tumalikod nalang ako, hindi naman niya ako pipigilan.
Binagtas ko ang daan papunta sa bahay nila Anton.
"Mukhang problemado ka pare, Oo nga pala Congrats nakikipaghiwalay na pala si Heart sayo." hindi ko pinansin ang sinabi ni carlo, tinunga ko nalang ang alak na asa baso ko.
"Pre dapat ay masaya ka dahil nagawa mo nang pahirapan siya bat nag iinom ka dyan malaya ka na."
Malakas kong ibinagsak ang baso na hawak ko kayat napatingin silang dalawa sa akin.
"Oo pare hihiwalayan niya na ako pero bakit hindi pa rin ako masaya, natatakot ako brad na iwan niya pakiramdam ko kung mawala siya parang wala ng silbi ang buhay ko. Shiit! ng bakla pakinggan."
Hindi ako nahihiya mag open sa kanila ng problema dahil simula pag kabata ay mag kakasama na kaming tatlo, may asawa na silang parehas at si Anton ay may isa nang anak samantala si Carlo ang asawa niya ay buntis malapit na rin manganak.
Siguro kung inalagaan ko lang si Heart ng maayos, siguro kung di ko siya sinaktan nang gabing iyon ay masaya na ako ngayon, masaya na kaming dalawa dahil may anghel na kami pero sa sobrang katangahan ko nawala ang anak ko pati ngayon mawawala na ang asawa ko dahil sa katarantaduhan ko.
"Walang bakla bakla sa pag mamahal pare, hindi kita masisi kung sinisisi mo ang sarili mo dahil sa pag kawala ng anak mo dahil tarantado ka naman talaga ito payong kapatid lang kung nawala mo ang anak mo wag mong hahayaan na mawala pati ang asawa mo." Carlo
Tama siya nawala ang anak ko pero hindi na kailangan pang mawala pati ang asawa ko dahil sa katangahan ko.
"Nang una gusto ka namin pigilan sa ginagawa mo pero sa kagustuhan mo na mawala ang asawa mo ay hinayaan ka nalang namin tutal buhay mo yan."
Uminom lang kami ng uminom pero natigil yun ng nilabas ni Anton ang anak niyang sanggol palang "Baby Jerwin tahan na shhh" sabi niya at inaalo alo ang sanggol na wala parin tigil sa pag iyak.
Siguro kung buhay pa ang anak namin katulad din ako in Anton na kuntento na , may inaalagaan na maliit na bata na naka kandun pa sa kamay mo.
"Hon, akin na ang anak natin, iniwan mo pa ang mga kaibigan mo- aww ang baby na naman ay umiiyak, ang iyakin shh tahan na baby nandito na si mommy."
Nqramdaman ko nalang ang mainit na luha sa pisngi ko, masaya siguro mag ka anak ng ganyan yung dalawa kayong mag aalaga at bilang ama ikaw ang mag tratrabaho para saka nilang dalawa ng asawa mo.
"Kung alam niyo lang pare kung gaano ako kasaya ng lumabas na ang anak namin, pakiramdam ko ako na ang pinaka masaya sa buong mundo mas lalo na nung una ko siyang nabuhat."
Tumayo na ako nang mag umpisa nang mag kwento si Carlo Tungkol sa anak niya, naiingit ako saming tatlo ako nalang ang walang anak pero anong magagawa ko ang dahilang kung bakit nawala ang anak ko sakin.
"Uwi na ako baka hinihintay na ako ni Heart." tumango nalang silang dalawa kaya lumabas na ako para umuwi.
Bakit walang ilaw sa bahay, umalis ba siya? Umalis ?!
Agad akong tumakbo pasok ng bahay at binuksan ang ilaw na bago tumakbo sa kwarto niya.
Maayos ang higaan niya at wala siya dun, agad akong pumunta sa Cabinet upang tignan ang mga damit niya kung naroon pa, dun lang ako naka hinga ng maayos nadun pa ang mga gamit niya ibig sabihin di pa siya umaalis.
Nawala ang lasing ko sa sobrang kaba, nang makita kong walang ilaw ang buong bahay.
"Anong ginagawa mo rito?!" ewan ko ba agad akong tumakbo sakanya para yakapin natakot ako, natakot ako na baka wala na siya.
"Akala ko umalis ka na, kinabahan ako Heart wag ka nalang umalis parang awa mo na."
"Buo na ang disisyon ko Aalis ako"