CHAPTER 3

1466 Words
Chapter 3 "HEART" napatingin ako sa paligid, nakatulog pala ako. buti nalang , buti nalang at panaginip lang yun dahil hindi ko makakayanan na mawala siya sakin, di ko kaya. Pumunta ako sa kwarto niya para tignan siya, nandun siya tahimik na natutulog habbang balot na balot ng kumot Natakot akong mag mahal dahil alam kong masasaktan lang ako once na mag mahal ako, nabulag din ako sa galit nang mag sinungaling siya sa mga magulang namin. Simula nang maging mag asawa kami ginawa niya ang lahat ng responsibilidad niya, inaalagaan niya ako at pinag sisilbihan pero ako itong si tanga na binabalewala siya. Lumapit ako sa kama niya at umupo sa gilid, Heart kung alam mo lang kung alam mo lang kung gaano kita kamahal pero pag sinabi ko ba sayo maniniwala ka pa? Hindi na siguro tanga kasi ako sinasaktan kita, ikaw lagi ang pinag iinitan ko at ako pa ang dahilan kung bakit namawala ang anak natin. *beep beep* Sino tong tumatawag sakanya, ang aga aga pa ah? Isip ko. Kinuha ko ang cellphone niyang kanina pa nag vivibrate. Christian Calling... Sinagot ko ang tawag at hindi nag salita, ito siguro ang kasama niya kagabi. "Goodmorning heart." hindi ako nag salita, nakikinig lang ako sa susunod niyang sasabihin. "Sorry, naistorbo ata kita. May goodnews ako sayo OK na yung pinapagawa mo sakin kahit anong oras pwede ka nang umalis." nabitawan ko ang cellphone sa sinabi niya dahilan upang makalikha ng malakas na ingay sa buong kwarto. Sorry, naistorbo ata kita. May goodnews ako sayo OK na yung pinapagawa mo sakin kahit anong oras pwede ka nang umalis. Sorry, naistorbo ata kita. May goodnews ako sayo OK na yung pinapagawa mo sakin kahit anong oras pwede ka nang umalis. Kahit anong oras pwede ka nang umalis. Aalis siya, iiwan niya ako. Hindi, hindi niya ako pwedeng iwan mamahalin ko pa siya, aalagaan ko pa siya at pag sisilbihan bakit niya ako iiwan? "Anong ginagawa mo dito at bakit mo pinapaki alaman ang phone ko?" agad ko siyang niyakap, hindi niya akong pwedeng iwan. di ko kakayanin. "Heart, sorry, sorry,sorry wag mo akong iilan pls! Mag babago na ako hindi na kita sasaktan, aalagaan kita hindi na rin kita babalewalain pls wag mo lang akong iwan." tuloy tuloy na ang pag patak ng mga luha ko, ang higpit na rin nang yakap ko sakanya pero hindi siya yumakap pabalik sakin. Ayos lang na pahirapan niya ako, kahit sungitan niya ako araw araw, kahit balewalain niya ako ayos lang sakin kahit anong gawin niya basta wag niya lang akong iwan. Titiisin ko lahat nang pag papahirap niya, kung siya nga natiis sa p*******t ko at nag hintay na mahalin ko siya ako pa kaya na mahal na mahal na siya ngayon. "Ano bang sinasabi mo?" pilit siyang kumakawala sa pag kakayakap ko kayat mas lalo ko pang hinigpitan , feeling ko Once na maka alis siya sa yakap ko na to iiwan na niya ako at kahit kailan di ko na siya mayayakap ulit. "Narinig ko, narinig ko dun sa tang*nang christian na yun na any time pwede ka nang umalis na iiwan mo na ako, please heart bigyan mo ako nang isa pang pag kakataon na mahalin ka na alagaan ka." tumahimik siya nang ilang minuto at naramdaman ko nalang na basa na ang balikat ko, basang basa na ng luha niya. "Hindi ko na kaya Dave e, kailangan ko ng time para sa sarili ko. Kailangan ko munang ayusin ang sarili ko pagod na pagod na ako sa pag mamahal sayo, di ko na kaya pang mag stay sa pamamahay na to. Naalala ko ang sakit at pag hihirap na natamo ko sayo." Sandali siyang huminto at dun ko nalang naramdaman ang pag yakap siya sakin. "Mas lalo na ang pag kawala nang baby ko, ng anak ko na pinaka iingatan ko. Masyado kong binuhos ang pag mamahal ko sayo to the point na wala na akong tinira sa sarili ko." Ganun na ba ako katanga, na hindi ko sinuklian ang pag mamahal niya? Binalewala ko siya dati at ganun na ba ako ka gag* para saktan siya nang ganito? Ang babaeng walang ginawa kundi ang mahalin ako, ang babaeng tiniis lahat ang pag hihirap sa puder ko at ang babaeng tinanggap kung sino talaga ako. Tanga na ba ako ngayon dahil kung keysa napagod na siya kakamahal sakin kesa ako lalapit at mag mamakaawa sakanya na mag stay sa tabi ko na mahalin pa ako. "Bibili ako nang bahay ng bagong bahay dun tayo titira, iiwan natin lahat dito ang mga gamit at mga alaalang hindi maganda dito sa bahay na to, heart pls gagawin ko ang lahat wag mo lang akong iwan." Umiling siya, umiling iling lang siya. "Dave hindi ganun kadali na iwan ang mga masasamang alala na idinulot ng nakaraan at Dave pagod na ako wala na ring pag asa ang relasyon natin na---" Hindi ko na siya pinatapos, ayoko. ayoko tapusin ang relasyon na ito, hindi ako makakapayag na mawala siya sakin pero hindi bat nawawala na siya sakin ngayon? "No. No. No. Gagawin ko ang lahat. Gagawa ako ng paraan para maisalba lang to, kung kailangan iwan ko ang lahat wag lang mawala to wag ka lang mawala sa akin. Hindi ko kaya Heart di ko kakayanin na mawala ka sa akin." Alam kong mukha na akong kawawang kawawa sa sitwasyon ko mas lalo na sa harap niya pero wala akong paki! wala kong paki alam kung pag tawanan niya ako pag katapos nito, wala akong paki alam kung nag mumukha na akong kaawa awa basta wag lang siyang mawala. Kahit araw araw pa akong mag maka awa sa kanya, kahit pag silbihan ko siya basta nandito lang siya sa tabi ko. " Ikaw ang may gusto nito Dave diba na sumuko na ako sayo para wala nang sagabal sa plano mo dahil isa akong malaking malandi, isang sagabal sa buhay mo." "Hindi , wag mong sabihin yan heart masyado lang akong nagalit pero hindi totoo yun, mahal na mahal kita at hindi ko kakayanin na pag gising ko sa umaga walang babating asawa ko sakin, na wala na ang asawa ko iintindihin ako at mas lalong wala nang asawa na nag mamahal sakin. Ayaw ko gumising sa umaga na wala ka na, na hindi mo na ako mahal Heart please" Tumahimik kaming dalawa, ang tanging maririnig mo lang sa kwarto niya ay iyak naming dalawa hindi pa rin kami bumibitaw sa kayap, ayoko siyang bitawan ayoko! Tinulak niya ako na dahilan upang mapabitiw ako sa pag kakayakap sa kanya, tumingin siya sa mga mata ko. Ang mga mata niya na puno na ngayon ng lungkot, ang mga mata na niya nahihirapan na. "Kailangan ko ng oras para hanapin ang sarili ko Dave, kahit sana yun wag mong ipag kait sa akin. kailangan ko ulit na alagaan ang sarili ko, kailangan kong humanap ng pag mamahal na pwede kong ibigay sa sarili ko Dave." nag situluan nanaman ang mga luha niya pupunasan ko sana iyon. "Tao lang naman kasi ako Dave, kailangan ko rin ng pag mamahal at atensyon kailangan ko rin nun, naging disperada ako dati na dahilan kung bakit ako nasasaktan ako nang ganito ngayon. --- kung bakit ba kasi ikaw ang pinili ko." niyakap ko muki siya, ngayon di na siya pumalag sa pag kakayakap ko na yun. Nag sisisi na ba siya? Na sisisi na ba siya na naging disperada siya dati at mas pinili ako kesa sa malaya at perpekto niyang pamumuhay. "Aalis ako Dave, wala nang makakapigil sa disisyon ko na yun. pangako babalik ako, babalik ako kung mahanap ko na ang sarili ko." Babalik siya? Nabuhayan ulit ako nang lakas ng loob, lakas nang loob na babalikan niya ko, nangako siya sa akin at alam kung tutuparin niya iyon. "Paano, paano kung hindi mo na pala ako mahal? paano na ako? " Natatakot man ako sa pwede niyang sabihin, lalakasan ko nalang ang loob ko dahil alam ko nararamdaman ko na hindi mangyayari yun. "Kung ganon man ang mangyaro Dave ay mag fifile nalang ako ng Annulment natin, dahil una palang ang relasyon na ito ay wala nang pararatingan." Ewan ko ba, kanina puno ako lakas nang loob pero nang sabihin niya iyon ay bigla akong naging nanghina, paano kung dumating siya at may iba na siya? paano kung pag balik niya ay wala na siyang nararamdaman para sa akin. Paano kung ma realize niya na hindi niya na ako mahal? dahil sa ginawa ko sakanya dati? kinakabahan ako sa pwedeng mangyari nasa kalahing porsyento na bumalik siya at ganun din ang porsyentong pwedeng mawala siya sa akin. "Bumaba ka na Dave gusto ko nang mapag isa." humiwalay ako nang lakad sa kanya at parang walang buhay na lumabas nang kwarto niya. Diba dapat mag palakas ako nang loob, para hindi ako sumuko? Paano kung isa lang ito sa mga pag subok na kailangan kong harapin? kailangan kong mag paka tatag para sa amin ni Heart at para sa Relasyon namin na ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD