Chapter 5
Heart Point of View
"Sigurado ka na ba?" tanong ni Christian, habang wala pa ang magaling kong asawa ay hinahanda ko na ang iba kong gamit. Buo na ang disisyon ko aalis na ako sa puder niya. Ayaw ko na susuko na ako kahit ano pang sabihin niya at pag mamaka awa niya sa akin pero may part pa rin sa puso ko na mahal ko pa siya.
Alam ko mahal ko pa siya at hindi ko maitatangi na mahal yun, pero ang pag mamahal na iyon ay natatakpan nang sakit at galit.
Sakit dahil sa pambabalewala niya sa akin, sa p*******t niya at pag papahirap sa akin.
at galit dahil sa pag kawala ng anak ko, ang anak ko na pinaka iingatan ko pero nawala yun ng dahil sa kanya , nang dahil sa p*******t niya.
"Oo sigurado na ako, punta ka dito sa bahay at pahatid ng Ticket ko" tinignan ko ang isang malaking maleta ko, aalis na ako sa mundong hindi nararapat para sa akin sa mundong walang ginawa kundi ang pahirapan ako. Binaba ko ang tawag at lumabas ng kwarto ko at inikot ang buong bahay.
Ang kusina napa ngiti ako ng mapakla ng maalala ko ang mga ginawa niya , sa kusinang ito mismo.
Unti-unting lumabo ang mga mata ko napuno na naman ng luha .
Sa kusinang ito na masaya akong nag hahanda ng pagkain naming dalawa na kahit kailan ay hindi kami nag kasabay sa pag kain ayaw niya makasabay ang isang katulad ko na malandi lagi niya akong tinataboy at pinapa alis.
Pinunasan ko ang taksil na tumulo sa pingi ko , makakalaya rin ako dito
aakyat na sana ako ng kwarto ko ng madaanan ko ang sala, ang sala na nakasaksi ng pag papahirap niya sa akin ang sala na nakasaksi kung gaano ako nag hirap sa kanya at ang sala na nakasaksi kung paano niya patayin ang anak ko .
Pinikit ko nalang ang mga mata ko at tinungo ang hagdan, itong buong bahay na ito ay walang idinulot na maganda sa buhay ko , itong bahay na to na napuno ng masakit na pang yayari at alaala.
Habbang nag lalakad ay napansin ko ang kwarto niya, ang kwarto niya kung saan ko binagay ang lahat lahat sakanya , pumasok ako rito at tinignan ang palagid.
Ang linis ng kwarto niya, lahat ng mga gamit ay naka lagay kung saan ito nararapat at ako aalis na ako sa pwesto kong to at pupunta kung saan talaga ako nararapat.
Pumunta na ako sa kwarto ko at tinignan ang Cellphone ko , ang tanging nakaka alam lang kung saan ako pupunta ay si Christian, walang nakaka alam kahit ang mga magulang ko na kaya akong ipag palit sa pangalan at karangyaan.
Kinuha ko ang mga personal kong gamit at nilagay ito sa maliit kong bag, ala-sais na ng hapon at wala pa rin ang asawa ko hindi pa ba ako na sanay? na laging gabi kung umuwi yun.
"Ding dong Ding Dong" agad akong tumakbo pababa at tinignan kung sino ang nandun si Christian pala, naka Business pa siya at halatang galing siya sa trabaho.
"Hi Heart!" nakangiti niyang bati sa akin at inabot ang dala dala niyang cake, tinanggap ko naman ito at pinapasok siya.
"Talaga bang sigurado ka nang aalis ka, iiwan mo na ang pogi mong kaibigan?" sinamaan ko lang siya ng tingin bago pumunta sa kusina para mag handa ng meryenda naming dalawa.
"Sigurado na ako Christian, diba ito naman ang payo mo sa akin dati? Ang umalis na sa puder niya." sabi ko at nilapag ang cake na dala niya "haist! Kung sa bagay pwede naman kitang dalawin dun."
Nag usap lang kaming dalawa sa kung ano anong bagay at hindi rin nag tagal ay nag paalam siya na uuwi na.
"Ito ang passport at ang ticket mo, mamayang madaling araw ang alis mo. kita nalang tayo roon" paalala niya bago tumayo at lumapit sa akin "kung may problema tawagan mo lang ako" tumango ako bago niyakap si Christian.
Kung wala siya hindi ko alam kung sino na ang lalapitan ko, kung wala siya walang taong mag papatahan sakin. naiiyak nanaman ako
"Hoy wag ka ngang umiyak baka may makakita sa atin sabihin pinapa iyak kita" tinulak ko siya bago pinunasan ang luha ko at ngumiti.
"Salamat Christian ha, kung wala ka hindi ko na alam ang gagawin ko kung wala hindi siguro mababaliw ako dahil sa problema ko, salamat talaga"
"Psh wala yun ikaw pa ang lakas mo sakin, sige na alis na ako baka mahuli pa ako ng asawa mo saktan ka nanaman " hinalikan niya ako sa noo "ingat ka ha"
"ikaw rin" hinatid ko na siya papunta sa kotse niya at nag paalam na
Dala-dala na niya ang gamit ko para hindi na ako mahirapan mamaya umalis, laking pasasalamat ko talaga kay christian.
Pinatay ko ang buong ilaw ng bahay, maliligo muna ako bago matulog maaga pa ako bukas,
Tumingin nanaman ako sa salamin, nabayaan ko na ang sarili ko ibang iba na talaga ako.
Habang naliligo ako ay may narinig akong kalabog kaya nag madali akong lumabas ng Banyo at nakita ko siya dun.
"Anong ginagawa mo rito?!" tanong ko sakanya, agad naman siyang tumakbo papalapit sa pwesto ko at niyakap ako , anong problema nito hindi na niya ako madadala sa paawa niya.
"Akala ko umalis ka na, kinabahan ako Heart. Wag ka nalang umalis parang-awa mo na." pag mamaka-awa niya pero hindi buo na ang desisyon ko aalis na ako. Ayoko na masaktan ayoko nang umasa na mamahalin niya ako ayoko maniwala sakanya, natatakot na ako natatakot na akong mag sakripisyo.
"Buo na ang disisyon ko. Aalis ako."
Hindi siya nag salita naramdaman ko nanaman ang basa kong balikat, umiiyak siya.
Gusto ko nang bumigay, mahal ko siya at hindi ko maitatanggi yun pero kailangan ko munang hanapin ang sarili ko, kailangan ko munang mahalin muli ang sarili ko.
Kailangan ko, kailangang kailangan ko.
"Hindi na ba kita mapipigilan? gagawin ko na ang lahat mag babago na ako Heart , hindi na kita sasaktan hindi na ako gagawa nang ikakasakit mo heart wag mo lang akong iwan" umiling ako. Kung matagal niya na sanang naisip yun kung matagal niya na sanang ginawa iyon sana masaya na kami ngayon kasama ang anak namin.
"Kailangan kong umalis, pag bigyan mo naman ako kailangan kong hanapin ang sarili ko , masyado akong nasaktan mark sobra akong nasasaktan, minahal kita na walang tinira sa para sa sarili ko at sinayang mo lang lahat ng pag mamahal na iyon Dave." Ilang minuto kaming tumahimik, pilit kong pinipigilan ang luha ko ayaw ko nang umiiyak. Ang sakit na nang mata ko ayaw ko nang saktan pa ang sarili ko
"Hahanapin mo lang naman ang sarili mo diba? Babalik ka diba, babalikan mo ako h-heart d-iba?"
Hindi ako sumagot, hindi ako sigurado. Paano kung isang araw magising nalang ako na hindi ko na siya mahal? Ayaw ko siyang paasahin ayokong maranasan niya ang katulad nang naranasan ko sa kanya.
"Hindi ko alam Dave, hindi ko alam" sabi ko nang umiiling-iling.
"Hihintayin kita, aasa ako Heart mahal na mahal kita." hindi ko na alam ang sasabihin ko, mahal niya ako kung kesa huli na kung kesa sumuko na ako sa pag mamahal sa kanya.