Chapter 6 Dahan-dahan akong lumabas ng kwarto ko, nakapatay lahat ng ilaw alas dos palang madaling araw at mamaya na ang flight ko sigurado akong nag hihintay na si Christian sa akin. Bumaba ako ng walang kaingay-ingay na ang tanging dala lang ay ang isang shoulder bag na nag lalaman ng Cash at Cellphone. Ayaw kong magising siya ayaw kong mahuli niya ako dahil baka mag wala siya at saktan ako, ayoko magising siya dahil pag mag maka awa muli siya ay baka tuluyan na akong bumigay at hindi na umalis. Tagumpay akong nakalabas ng bahay nang tahimik kaya tumakbo ako papunta sa kabilang kanto dun nag hihintay si Christian. "Buti naka labas ka." tumango ako at nag madaling sumakay ng sasakyan niya nag madali naman itong nag Drive palayo. "Hindi ka ba nag- sisi sa gagawin mo, Heart?"

