Chapter 6

2654 Words
ILANG araw pa ang dumaan. Patuloy silang naghihintay ng rescue subalit walang palatandaan ng mga iyon. Pinananatili nila ang siga para sa usok na nililikha niyon. Dinagdagan din nila ang mga “Help” signs na ginawa nila, subalit walang rescue na dumarating. Hindi iilang beses na pinanghihinaan ng loob si Julienne. But Edward was there to cheer her on. Patuloy nitong pinalalakas ang kanyang loob. Kapag nakikita ng binata na nagiging emosyonal siya ay pinangingiti siya nito, binibiro hanggang sa tumaginting ang halakhak niya. To survive on an island was hard. Para silang sinaunang tao dahil pinaghihirapan nila ang kanilang ikinabubuhay na walang tulong ng ano mang modernong teknolohiya. Subalit pinagagaan ni Edward ang lahat. He knew exactly what to do. He kept her safe. At wala siyang maipipintas pagdating sa pagiging gentleman ni Edward. Hindi ito mapangahas. Hindi mapagsamantala. Oh, Julienne was aware na hindi lang siya ang nakakaramdam ng atraksiyon pero hindi mapagpilit ang binata. Kaya naman tuluyan nitong nakuha ang kanyang tiwala.         Ngayon, tulad ng mga nakaraang araw, ay nagkasundo sila na tuklasin pa ang isla. Edward was smart, gumagawa ito ng marka sa bawat punong madaanan nila nang sa gayon ay hindi sila maligaw kung sakaling mapalayo sila.         “Ano’ng iniisip mo?” Dumikit sa kanya si Edward at bahagya siyang itinulak gamit ang balakang nito.         “Edward!” sita ni Julienne. Marahil ay inaakala nito na nagse-self-pity na naman siya kaya siya dini-distract.         “Ano nga ang iniisip mo?” pangungulit nito. Hinawi ni Edward ang sanga na nakalaylay sa daraanan nila. Pinauna siya nito. Edward was always like that. He was clearing the way for her.         Kaswal na nagkibit-balikat siya. “Na masuwerte ako at ikaw ang nakasama ko rito.” Pumalatak siya nang gumuhit ang maluwang na ngiti sa mga labi nito at lumiyad pa ang dibdib. “Aba! Sabi ko na, eh, at tataas ang ego.”         “Naghihintay ako ng pasasalamat mo,” he demanded proudly.         Natawa si Julienne. “Saka na. Kapag ligtas talaga akong makakaalis dito.”         Muli ay dumikit sa kanya ang binata. Ang mga braso nila ay nagkiskisan. Ang likod ng mga palad nila ay nanantiya sa aksiyon ng bawat isa. Hanggang sa maramdaman niya nang unti-unting sakupin ng palad nito ang palad niya. Edward entwined their fingers. Nang sulyapan niya ang binata ay nasa unahan ang paningin nito pero hindi nakaligtas sa kanya ang tila pagkislap ng mga mata ng binata.         “Y-you’re holding my hand,” sabi ni Julienne. Kinakagat niya ang kanyang ibabang labi dahil nagbabadya ang isang maluwang na ngiti, no, hindi lang ngiti. Gusto niyang mapahagikgik. Masaya siya, sobrang saya sa sandaling iyon. Ang pagkakalapit ng mga palad nila ay nagdudulot sa kanyang puso ng emosyon na noon lamang niya naranasan. It was as if she was on cloud nine.         Humigpit ang hawak ni Edward sa kamay niya. “Tell me something I don’t know,” animo supladong tugon nito katulad noong unang engkuwentro nila.         She chuckled. Mayamaya ay inugoy-ugoy niya ang magkasalikop nilang palad. “I like it.”         “Sabi ko, ‘tell me something I don’t know.’ Alam ko na na gusto mo ito.” Tumigil ang binata sa paghakbang kaya napatigil din siya. Humarap ito sa kanya at binigyan siya ng isang ngisi. “Alam ko na kinikilig ka ngayon.”         Her jaw dropped. Pinanlakihan niya ito ng mga mata.         “Bakit hindi ba? Mali ba ako?” he asked grinning. Nagpatuloy sila sa paglalakad. “Dahil ako…” tumikhim ito. “…kinikilig ako.”         Si Julienne naman ang tumigil sa paglalakad. Tumigil din ang binata pero hindi ito humaharap sa kanya. “Ano `kamo?”         “Oh you heard me, Julienne. Hindi ko na uulitin.” Hinila siya nito kaya naman napasunod siya.         Ngingiti-ngiti siya. Malinaw na narinig niya kung ano ang huling sinabi ni Edward. Kaya naman pakiramdam niya ay nagwawala ang kanyang puso. Tila nga humaba pa nang ilang pulgada ang kanyang buhok. She felt beautiful. Umagapay siya sa paglalakad nito bago niya isinandal ang ulo sa balikat ni Edward. Ikinapit na rin niya ang isang libreng kamay sa braso nito. “Ulitin mo na…” ungot niya.         “Naglalambing ka ba?” Nakakunot ang noo ni Edward pero hindi maipagkakaila ang tuwa sa kislap ng mga mata nito. Mukhang nagpipigil ito ng ngiti.         “Effective ba?” balik-tanong ni Julienne.         “God! Yes.” Binitiwan nito ang palad niya para lamang sapuhin at ikulong sa mga palad nito ang kanyang mukha. Edward held her gaze. Tama siya ng sapantaha na pareho ang nararamdaman nila dahil nababasa niya iyon sa mga mata nito. The expression in his eyes mirrored what he felt for her. “Maaaring nawawala nga ang alaala natin pero sigurado naman tayo sa damdaming sumisibol sa dibdib natin para sa isa’t isa, `di ba?”         Tumango siya.         “Tell me what you feel, Julienne.”         Kumapit siya sa mga braso nito. He was still cupping her face. “P-para akong teenager na excited at kinakabahan. Kinikilig ako. Masaya ako, Edward. Parang lumulutang ang pakiramdam ko…”         Tumuon ang paningin nito sa kanyang mga labi na ewan niya kung bakit bahagyang umawang na para bang iniimbitahan ang binata. Edward lowered his head. Alam niyang aangkinin nito ang kanyang mga labi at pakiramdam niya ay mabibingi na siya sa lakas ng kabog ng kanyang dibdib sa antisipasyon. Unang tumama ang mainit na hininga nito sa mukha niya. It stirred her excitement even more. Nang sa wakas ay lumapat na ang labi nito sa mga labi niya ay kusa na lang pumikit ang kanyang mga mata. It was magical when their lips brushed against each other. Ang halik ni Edward ay banayad, tila ba ninanamnam ang sandaling iyon. Siya man, pakiramdam ni Julienne ay wala ng mas peperpekto pa kaysa sa sandaling iyon. Edward’s lips were soft and intoxicating. Hindi siya makapaniwala sa sensasyon at kasiyahang idinudulot niyon sa kanya. Hindi na lang siya basta naglalakad sa ulap, namamasyal na siya sa langit.         BUMUNTONG-HININGA si Julienne. Naroon siya sa dalampasigan at nag-aabang ng pagdating ng rescue. Subalit namumuti na ang kanyang mga mata sa pagtitig sa dulo ng dagat ay walang palatandaan ng pagdating ng ano mang tulong. It had been months pero naroon pa rin sila, stranded in God-knows-what-island.         “Ang lalim n’on, ah,” sabi ng tinig ni Edward. Ilang sandali pa at katabi na niya itong nakaupo.         “Ng iniisip ko?” Kumuha siya ng bato at ipinukol iyon sa ibabaw ng tubig. It created ripples on the surface of the sea.         Kinuha ni Edward ang kamay niya. He entwined their fingers. “Ng mga buntong-hiningang pinapakawalan mo. Mukhang malalim nga ang iniisip mo. Do you want to share it with me?”         Hindi siya umimik. Humilig lang siya sa balikat ni Edward.         “Siguro hindi ka na makapaghintay na umalis dito, ano? Baka kasi may naghihintay…” pahaging ng binata sa tinig na animo handang magbato ng akusasyon sa kanya.         Napatuwid ng upo si Julienne at pinukol ito ng naniningkit na tingin.         “Your family,” defensive naman na tugon nito.         Natawa siya. “Linawin mo. Iba kasi ang ipinapakahulugan ng tono mo, eh.” Muli siyang humilig sa balikat ni Edward. Inakbayan naman siya ng binata.         Julienne automatically closed her eyes when she felt a soft kiss planted on her head. Kumapit siya sa braso nito. “What are you thinking?”         “Iniisip ko kung paano kapag bumalik na tayo sa realidad? Paano kung bumalik na ang mga alaala natin. Natatakot ako na baka magbago ang lahat…”         It was Edward’s turn to sigh audibly. “Ang totoo ay natatakot din ako. If there’s one thing that I’m certain will not change even when we get back to our own lives… iyon ay ang sumibol na damdamin dito sa puso ko.”         Muling napatingin si Julienne sa binata. Tumatahip ang kanyang dibdib sa antisipasyon. Parang mawawala sa kinalalagyan ang kanyang puso sa lakas ng pagtambol niyon. Will he finally admit his feelings for her? Sasabihin na kaya ni Edward na mahal siya nito? All right, action speaks louder than words. Pero iba pa rin kapag narinig mo mismo mula sa mga labi ng lalaking itinitibok ng puso mo ang katugon ng iyong damdamin. Tila naghihintay kang marinig ang bagay na alam mo na, and yet, natatakot ka pa rin na baka hindi iyon ang marinig mo. Dahil kapag nagawa ni Edward na bigyang boses ang damdamin nito, hindi na rin siya magdadalawang-isip na palayain ang sa kanya.         Subalit nadismaya si Julienne nang hindi na magsalita ang binata. Tinitigan lang siya nito. And, oh, goodness, his stare was enough to make her tremble inside. Sa pamamagitan ng mga mata ni Edward ay nagawa nitong buksan ang puso at ipasilip iyon sa kanya. Nagawang pawiin niyon ang agam-agam na nasa kanyang puso. She smiled at him. Tumaas ang kanyang kamay at hinaplos ang pisngi nito. Ang prominenteng jawline ng binata at ang baba ay magaspang na dahil sa tumubong balbas.         Inilapit nito ang mukha sa mukha niya. She met him halfway. And once again, a kiss was shared between them.         “My heart is where you belong now, Julienne. This is your home. You’ll be the queen in my kingdom and you’ll reign there forever,” paputol-putol na usal ng binata habang lumalalim ang halik.         “WHOA!” hindi napigilang bulalas ni Julienne. Namimilog ang mga mata na binalingan niya si Edward na nasa kanyang tabi. Sa harap nila ay naroon ang isang creek. Sa tingin niya ay lampas sa sampung talampakan ang luwang niyon. May mga puno sa paligid and those trees were so big and tall. At ang higit na kumukuha sa atensiyon niya ay ang mga baging na nakalaylay.         “Ibaba mo ako, bilis!” utos niya. Pagkatapos ng moment nila sa dalampasigan ay niyaya siya ng binata na maglakad-lakad at tuklasin ang isla. Naglambing siya kay Edward na pangkuhin siya nito sa likod at hindi naman siya binigo. He carried her on his back. Wala namang reklamo ang binata dahil hinahagkan niya ang pisngi nito at kinakantahan pa.         Ibinaba siya ni Edward.         “Yolo!” hiyaw niya.         “Anong ‘yolo’?”         “You only live once…” Nagpalinga-linga si Julienne hanggang sa may makita siyang patpat. Dinampot niya iyon. Mayamaya ay humakbang pa siya paharap. Nang makarating sa may gilid ng creek ay inabot niya ang isang baging gamit ang patpat. “…so make the most out of it.”         Napapalatak si Edward nang sa wakas ay maunawaan nito ang gusto niyang mangyari.         “Huwag kang killjoy, Edward,” natatawang babala niya. Pero kinuha nito sa kanya ang baging. “Edward! Kasasabi ko lang na huwag kang killjoy!” sita niya.         “I am not a killjoy and I will not be a killjoy,” tugon ni Edward habang hinihila-hila ang baging na animo sinusubukan ang tibay niyon.         “Kung ganoon…”         Sinulyapan siya ng binata at binigyan ng isang nakapanlalambot-tuhod na ngiti. Hindi lang mga tuhod ni Julienne ang nanlambot but also her insides. “Ako na ang mauuna. Kung kakayanin ng baging na ito ang bigat ko then kakayanin ka rin nito. Kung hindi naman ito matibay, at least, ako ang masasaktan at hindi ikaw.”         She bit her lip to suppress her smile. Whew! Para akong kinikiliti ng sampung anghel, ah.         Umatras si Edward at hawak ang baging na tumakbo patungo sa creek. Kumuha ito ng tamang tiyempo bago naglambitin sa baging. “Wuhoooo!” hiyaw nito habang dumuduyan paroo’t parito sa ibabaw ng creek. Maging siya ay napataas ang mga kamay at napahiyaw rin.         Nang makatawid ang binata sa kabilang bahagi ay idinuyan nito ang baging patungo sa kanya. Nahawakan naman niya iyon. “Gawin mo `yong ginawa ko kanina. Umatras ka at tumakbo para makakuha ka ng tamang tiyempo,” instruksiyon nito.         Napangiwi si Julienne. Bigla kasi siyang kinabahan. “P-parang natatakot na ako, Edward. Hindi ko pa naman talaga nararanasan na maglambitin sa baging.”         “What? ‘Yolo’ remember?” natatawang tanong nito. “Sige, ihagis mo uli sa akin ang baging.” Ginawa niya at sa ilang saglit lamang ay nasa harap na uli niya ang binata. Mabilis nitong dinampian ng halik ang kanyang mga labi. Ang kanang kamay ay humaplos sa kanyang braso na para bang pinapawi ang takot niya. “Paano kung sabay tayo?” ngingiti-ngiting tanong nito. At napasinghap na lang siya nang bigla siyang hapitin papalapit sa katawan nito.         “Hmm… sabay tayo? Ibig sabihin, mangungunyapit ako sa katawan mo?” pilyang tanong ni Julienne. Mayamaya ay yumakap siya rito nang mahigpit. “Katulad nito?” Hinigpitan niya ang kanyang yakap. “O kailangang mas mahigpit pa para hindi ako mahulog?” she teased. Hindi lamang niya basta tinutudyo ang binata dahil maging siya ay kinikilig at naaaliw sa ginagawa.         Pumailanlang ang mataginting na halakhak ni Edward. He snaked his arm around her waist at hinagkan nito ang noo niya. “You are really something.”         “I am something.” She grinned at him. “Tara na.”         Umatras sila. “Bibilang ako ng tatlo habang tumatakbo tayo. Sa pangatlo, mahigpit kang yumakap sa akin, okay?”         “Okay.”         Magkaagapay silang tumakbo ni Edward. Ang kanang palad nito ay mahigpit na nakahawak sa baging habang ang kaliwa ay nasa baywang niya. Sa pangatlong bilang ay nagawa niyang mangunyapit sa binata.         “Woooo!” hiyaw ni Julienne nang magawa nila na magpaduyan-duyan sa ibabaw ng creek. “Wuhooo!” she screamed.         Edward, on the other hand, was not screaming. Nang mapansin niya iyon ay nakita niya na nakatingin lang ito sa kanya. There was so much fondness in his eyes. She gave him a gentle smile. “Thank you…”         Yumuko si Edward at binulungan siya. “I love you, Julienne.”         Malakas siyang napasinghap at napatingala rito. Her blood pounded in her ears. Parang mababasag ang rib cage niya sa narinig. Nawala sa isip ni Julienne na nangungunyapit siya sa binata. Bumitiw siya. Hindi naging handa si Edward kaya hindi siya naagapan; nahulog siya sa tubig na noon ay rumaragasa na pala.         “Julienne!” narinig niyang sigaw ng binata bago siya tuluyang lumubog sa ilalim ng tubig. Dahil hindi handa ay nakainom siya ng tubig bago tuluyang mapailalim. The creek was going wild at malakas ang current ng tubig. Tinatangay siya niyon. Kahit hirap ay sinikap pa rin niyang lumutang.         “Edward!” hiyaw niya. To her horror, masyado nang malayo ang agwat nila dahil patuloy siyang dinadala ng pagragasa ng tubig.         Nanlaki ang mga mata ni Edward sa takot nang makitang aandap-andap siya at lulubog-lilitaw. Mabilis itong lumangoy sa kinaroroonan niya. “Hold on, Julienne!”         Pero malakas ang puwersa ng tubig. Patuloy siya niyong tinatangay sa kung saan man iyon tutungo. Wala siyang mahawakan at mukhang malalim din iyon. Isa pa ay hindi siya marunong lumangoy. Napupuno ng walang-kapantay na takot ang kanyang dibdib.         “Julienne!”         “Edward!” umiiyak niyang hiyaw kapag napapalutang ang kanyang ulo sa ibabaw ng tubig. Nanghihina na siya at dumarami na ang tubig na naiinom niya. The creek was acting like a monster. Sa lakas ng puwersa niyon ay para na rin siyang nabubugbog. Patuloy siyang nanghihina at patuloy siyang tinatangay ng tubig. Hanggang sa para na siyang hinihila ng kamatayan dahil biglang namitig ang kanyang mga binti. She could not swim anymore. “Masakit ang mga binti ko, Edward. N-naninigas!”         “Julienne! No. No, no, no, Julienne!”         “I love you, Edward.”         “No! Don’t give up, damn it! Julienne! I’m coming for you!”         Hindi na niya nakayanan nang tuluyan siyang lamunin ng tubig.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD