CHAPTER 7

1090 Words
AUTHOR'S NOTE: Our school started two months ago and I am so sorry for not updating for almost a month. I had a writer's block and I couldn't find any inspiration since this story's plot was so messed up. I will try my best to upload episodes maybe two-three chapters per months.  BETTY's POV  Kumaway na kami sa isa't isa bago maglayo ang mga daan namin. Pagkauwi ko sa bahay ay agad akong sinalubong nang pusa kong si Hetty. Napagdesisyunan ko na Hetty na lang name niya since Betty name ko, maganda siguro na isunod sa pangalan ko.  In-adopt ko siya 2 months ago dahil napadaan ako sa rescue center and siya ang una kong napansin. Payat pero super ganda ng mata niya. Hirap pa siyang nag-adjust noong inuwi ko pero agad din naman siyang nasanay. Malambing siya pero minsan ay natatakot pa ring lumabas dahil sa trauma mula sa dati niyang mga amo.  "Kumusta ang araw mo, Hetty? Ubos mo na ba 'yung pagkain mo?" bati ko sakaniya. Tatlong beses sa kilo niya simula last month ang naidagdag ngayon at ang sakit na rin niya sa likod na buhatin.   Pagkatapos kong mag-palit ay dumiretso na ako sa kwarto para humiga. Agad na dumagan sa akin si Hetty at humiga sa tabi ko. Papikit na sana ako nang biglang mag-beep ang cellphone ko. Oo nga pala at ibinigay ko kay Jared 'yung phone number ko. Agad ko siyang nireplyan na nakauwi na ako at nagpasalamat sa libre niya.Pipikit na sana ako nang biglang mag-ring ang phone ko. Napakunot ako ng noo. Sagutin ko na ba? Binalik ko ang nagr-ring na phone ko sa dibdib ko. Ba't naman siya tatawag? Baka naman mangangamusta ulit? O 'di naman kaya ay may nakalimutan? Ano naman kayang nakalimutan niya? Sa huli ay sinagot ko na ito bago pa man mamatay ang tawag. Simpleng hello ang sinagot ko sakaniya pero wala akong marinig na sumasagot. Ibababa ko na sana nang narinig ko ang boses niya kaso may iba pang boses. Baka naman na-wrong dial?  Binaba ko na at nagpasyang matulog na. Madami pa akong aayusin sa bahay bukas at kailangan kong bawiin ang pagod ko today.  Kinabukasan ay maaga akong bumangon at ginawa ang aking daily routine. Nagpalit na ako ng kurtina at beddings dahil feel ko lang. Parang theraphy na ang paglilinis sa akin. Paparating na ang summer kaya dapat aaliwalas na ang nakikita ko sa paligid ko. Mukha kasi akong binagyo noong pasko. Nagbabalak na rin akong mag-file ng 1 month leave para sa sarili ko. Kahit na lumipat na ako ng kumpanya, 'di pa rin maipagkakaila sa stressful pa rin ang environment ko. Napabuntong hininga ako at sinampay 'yung mga kumot sa bakuran nang may bumusina sa harapan ko.  After ilang months ay ngayon lang magpaparamdam mga kaibigan ko para bwisitin ako. Walang hiya silang nagpark sa garahe ko at nag-feel at home habang nasa labas pa rin akong nagsasampay. Alam ko na naman na sadya nila 'yon pinagawa kong pool sa likod. Since mataas naman bakod ng bahay namin at for sure pag-uwi ko sa bakasyon ay mainit pa rin, nagpatayo na 'ko. Nasa March pa lang pero masyado nang mainit.  "Napakasipag talaga nitong bff namin. Baka mamaya may nagpapangiti na sa'yo ha?" sabi ni Naya habang kinakagatan 'yung apple na nanggaling sa ref ko. Inirapan ko siya at agad na tinapos ang pagsasampay ko dahil mauubos na naman ang mga pagkain ko.  Pagkapasok ko ay prenteng nanonood sa sala si Phob at si Naya naman ay nasa kusina at kumakain.  "Anong sadya niyo at nakaalala kayo?" sabi ko sakanila at naglabas ng makakain sa ref.  Agad na tumili si Naya at inalog alog ako na parang bata. "Hindi mo naman kami ininform na may kakilala ka palang hottie." sabi niya na parang kinukuryente sa kilig. "Akala namin busy ka lang talaga, Betty, kaya 'di na muna namin ginagambala kaso may iba na namang nagpapangiti sa'yo. Wala na ba 'yong si Preston?" sabat naman ni Phob. Kinunotan ko sila ng noo. "Huh? Pinagsasabi niyo? Anong nagpapangiti e 'di nga ako  nage-entertain ng lalaki sa buhay ko ngayon. Nananaginip ba kayo?" sabi ko sakanila. Kinurot ako sa tagiliran ni Naya kaya napa-aray ako konti. "Anong wala e balak ka nga naming sunduin kahapon from work dahil magwawalwal tayo hanggang umaga kaso, teh, ang lapad lapad nang ngiti mo kahapon habang ngumunguya ng street foods. Akala mo may sariling mundo." ika niya.  "May bago na pa lang nagpapangiti sa'yo kaya ka glowing. Tignan mo naman at napakaganda mo ngayong araw kahit alas siyete pa lang. Halatang nadiligan-ouch!" sinabunutan ko si Phob dahil sa kung anu anong pinagsasabi niya. Inirapan ko sila bago ako mag-salita. "Childhood friend ko 'yon. Nagkataon lang na nagkabungguan kami at nagkamustahan. Napaka-maissue n'yo talaga." defend ko naman sa sarili ko.  "Yie. Talaga? E ba't ka blooming? Ang pula pula ng pisngi mo. 'Di halatang may jowa ha?" tukso nila sa akin, "Hindi ko nga kasi jowa. Kababalik lang niya mula sa Pilipinas at nag-catch up kami about sa life." sabi ko sakanila. Alam ko pa rin 'di sila maniniwala kaya hinayaan ko na lang sila. Tumayo na ako at naghanda ng agahan. For sure iyan naman ang sadya nila rito hanggang hapunan. Kahit na mag-cellphone ang atupagin nila buong araw basta may pagkain 'di sila mabobored. "Pero teh, ano ba name niya? Nang ma-stalk ko naman sa social media tutal sinabi mo naman pala na hindi mo jowa so pwede ko ba siyang angkinin? Charot." as expected from Naya.  Agad kong binigay name niya sa f*******: at username sa i********: at para na namang nakukuryente sa kilig nang makita ang timeline. Gwapo naman kasi talaga siya. Ganda ng dimples, pamatay. Matalino pa. Sino ba namang hindi magkakagusto sakaniya? Nasa kaniya na lahat e.  Ah, so may gusto ka kay Jared niyan, Betty? Friend lang tingin ko sakaniya.  Naputol ang pagiisip isip ko nang mag-ring ang phone ko. Biglang bumilis ang t***k nang puso ko no'ng makita ko ang pangalan niya. "Ayan na nga ba ang sinasabi namin. Anong hindi jowa? Bakit tumatawag? Wala ka talagang malilihim sa amin." panukso ni Naya at agad akong hinila sa sala at pinalibutan nilang dalawa. Nakaabang sila sa akin na para bang excited. "Ano? Sagutin mo na." Wala akong choice kundi sagutin sa harap nila ang tawag. Unang hello pa lang ay agad na humiyaw si Naya na parang naka-jackpot.  "Hello? Nakakaistorbo ba ako, Betty?"  Sabay na sumigaw si Phob at Naya kaya agad kong pinatay 'yung tawag. Nakakahiya talaga 'tong dalawa. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD