CHAPTER 6

1037 Words
BETTY's POV It's been 4 months. We never saw each other again. Marami ring pumasok sa isip ko no'ng mga unang linggo na hindi ko siya nakita. Don't get me wrong, hindi ko siya hinahanap hanap, nagaalala lang ako konti. Marami rin ang nangyari. Lumipat na ako ng company dahil na rin sa trauma, sinibak na rin si Jim at ngayon ay nakakulong. Nanalo kami sa kaso dahil marami na rin parang naranas no'ng nangyari sa akin. Napapalibutan nang naglalakihang buildings kung saan ako nagt-trabaho. Sabagay 'pagkat malaking kumpanya rin kung nasaan ako. These past few months, nag-focus lalo ako sa sarili ko. Maayos na rin ako...like maayos na. Nakakatawa nga't nakaya ko naman pa lang mag-move on mula sa ex ko. Though I didn't expected na magkakaroon kami ng closure with his fiance. Aksidente kasi akong nabunggo no'ng cart nila sa grocery mall and nag-usap na kaming tatlo after. Akala ko hindi magiging maganda ang usapan dahil akala ko hindi pa ako ready sa katotohanan. Sumaklolo si Naya at Phob sa akin after namin mag-usap usap. Malapit na matapos shift ko kaya nagpasya na akong ayusin ang mga gamit ko. May mga naging kaibigan na rin ako at sabay sabay na kaming lumabas. Malamig na ang simoy ng hangin dahil malapit na magpasko. As usual, uuwi ako sa amin para ro'n magpasko then luluwas dahil hindi naman buong buwan ay nakabakasyon ako. Mapapabilis na rin ang byahe ko dahil kumuha na ako ng sariling kotse ko. Dahil maaga pa naman kaya dumaan na ako sa isang fast food para magsayang ng oras. Kahit wala na sa trabaho ay sinubukan kong tapusin ang ilang projects and presentation para wala na akong gagawin sa mga susunod na araw. Tumayo na ako para kunin ang order ko nang may makabunggo ako. Agad akong nag-sorry sakaniya at tumulong sa pagayos ng gamit niyang nahulog. Minsan talaga may pagkaclumsy ako at nagiging lutang. "Betty?" Napaangat ako ng tingin nang marinig ko ang pangalan ko. "Hm—Jared?" "Ikaw pala 'yan. Kaya pala ako nasilaw kanina kasi nakakita ako ng dyosa." sabi niya sa akin at tumayo. Tumawa ako sa sinabi niya. "Hindi mo sinabi sa akin na bumalik ka na pala. Edi sana nagpalibre ako sa'yo." sabi ko sakaniya. Siya 'yung kababata ko na nagmigrate sa Canada noong nag-first year high school kami. Grabe ang tagal na pala noong huli kaming magkita. 9 years? Mas lalo siyang naging gwapo noong lumaki kami. Ang dami siguro nitong naging ex sa ibang bansa. Iba talaga kamandag ng dimples niya kahit magsalita lang siya, litaw agad. "Buraot ka pa rin kahit kailan. Kukunin mo na ba order mo?" tanong niya at naalala ko na number ko na pala 'yung tinawag. "Ay oo nga pala. Nakalimutan ko." sabi ko sakaniya. Sabay na kaming pumunta sa counter at shinare ko na 'yung table ko sakaniya since marami kaming pag-uusapan. "Bumalik ka na ba for good or for work?" tanong ko habang kumakain kami. Pansin ko kasi na marami siyang plates and documents. I assume engineer siya or architect? Ang cool. "Depende. Mukhang may iba pa kasi akong t-trabahuin after ng project ko." sabi niya at kinindatan ako. Inirapan ko siya. Kahit kailan talaga napakaplayboy nito. Kahit noong elementary ay marami na siyang chikababes. "Kumusta na pala sila Tito and Tita? Doon pa rin ba bahay niyo?" "Okay lang naman sila. Mag-isa na lang ako ngayon sa bahay dahil lumipat na sila sa province." sagot ko sakaniya. Marami kaming napag-usapan at hindi namin namalayan na palubog na pala ang araw noong natapos kaming kumain. In the end, hindi ko nasimulan or natapos 'yung ibang projects dahil sa usapan namin. Nalaman ko na may dalawang big project pala siya rito kaya napilitang umuwi. Grabe. Napaka-successful niya pa lang architect at engineer. Pang-worldclass din ang mga designs niya at wala akong maintindihan sa ibang sinasabi niya. "Naninibago ako rito. Tutal nandito ka naman, i-tour mo ako sa free time mo." sabi niya sa akin habang tinutulungan ako na ayusin ang mga gamit ko. Inirapan ko siya at tumawa. "Para namang may choice ako 'no?" pabiro kong sagot sakaniya. "Ouch, Betty. Parang napipilitan ka pa." sabi niya. Tinawanan ko siya at pasimpleng sinipa. Malapit lang pala ang hotel niya sa bahay namin kaya lumabas muna kami saglit at naglakad lakad. Iniwan na namin sa sari-sariling kotse ang mga gamit namin dahil napaka-hassle magbitbit. Ang sarap ng simoy ng hangin. Napakalamig na may halong yakap sa balat. Nasaan na kaya siya? "Ilibre mo ako no'ng streetfood." sabi nitong kasama ko na parang bata. Akma kong kukurutin 'yung tenga niya nang mabilis siyang tumakbo papunta sa stall. Baka masyado niya lang na-miss ang Pilipinas kaya ganito. Katatapos lang namin kumain pero heto ulit kami at kumakain. Halos mabulunan na siya sa kwek-kwek dahil dalawang piraso ang pinagsabay niya sa bibig niya. "Kung hindi ka naman tanga bakit mo kasi pinagsabay. Hindi naman stretchable 'yang bibig mo." sabi ko sakaniya at agad na inabot ang tubig. "Wala kasing ganito sa Canada. Namumuro ka na kakatanga sa akin ha. Nah-hurt na ako." sabi niya sa akin. Umirap ako at kinain na 'yung isaw na inorder ko. Maganda rin pala lumabas ngayon dahil nagkalat na ang mga christmas lights and christmas decors sa bawat sulok. Nakaramdam ako ng lamig kaya napahawak ako sa braso ko nang may nag-landing na jacket sa akin. "Isuot mo na 'yan baka sipunin ka. Pangit mo pa namang sinisipon." sabi sa akin ni Jared habang patuloy pa rin sa pagkain. Maiinis na sana ako kaso tama siya. Hindi na ako nilalamig halos nang maisuot ko. Natapos na rin siya at tumayo na kami. Masyadong maganda ang park para hindi mag-picture kaya hinila ko 'yung mokong at nag-picture. "Solo ko naman. Gandahan mo kung hindi tatadyakan kita." sabi ko sakaniya at ngumiti na sa camera. Nakailang take rin ako sa ibang mga statue. Inabot niya sa akin 'yung phone ko at ang ganda ng kuha niya—maganda lang talaga ako. "Ang pangit mo talaga. Uwi na tayo." sabi niya sa akin at kinurot ang pisngi ko. Napa-aray ako sa sakit at sinipa siya sa paa. Gano'n kami hanggang makasakay sa mga kotse namin. Napaka-mapanlait. Ang ganda ganda ko kaya. Che.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD