Christmas and New Year
"Oy! Babaita wala ka bang balak umuwi ng Christmas at New Year sa bahay niyo?" Napalumbaba na lang ako sa tanong ni Tasha.
"Di ko alam saka valid for one year lang yung contract ko dito baka dito na lang din" paliwanag ko.
"Tss! Kamusta naman kayo ng boss mo" sinamaan ko ng tingin si Tasha. Di pa rin ito makaget over sa kinuwento ko sa kanya pagkagaling namin sa Ocean Adventure sa Zambales. Kinikilig ang bruha at mapapa-sana ol na lang daw.
"Wala pa rin naman ganap" tipid kong sagot.
"Nat si Gaile ba yan?"
"Hi po Tita" bati ko
"Iha, matagal ka nang tinatawagan ng mama at papa mo di mo sinasagot yung tawag kahit sa messenger kapag tinatanong ko naman si Nat palaging sinasabi busy ka raw. Iha alam kong may galit ka sa magulang mo dahil na rin sa kagustuhan mong kumuha ng kurso katulad ni Nat----" di ko na pinatapos si Tita.
"Tita, kukuha pa rin po akong ng entrance exam sa NEUST at sa CLSU po pero Civil Engineering na po kukunin ko" paliwanag ko.
"Alam ko Gaile napipilitan ka dahil sa mga kamag-anak natin" pinilit kong ngumiti.
"Hindi naman po Tita" maikling kong tugon.
"Kausapin mo na yung mama't papa mo malapit na magpasko" napalumbaba na lang ako.
"Sige po" pinatay ko na ang video call at pumasok na sa loob.
"Mimi, what time po ba uuwi si Daddy?" Bungad na tanong ng bata pagpasok ko.
"Di ko alam baby eh baka gabihin yun sa daan" paliwanag ko.
"Tara na pumunta muna tayo sa sala" pumunta kami sa sala upang manood ng cartoons sa TV.
"Dyan ka lang muna ah magluluto lang si Mimi ng ulam" dumiretso na sa kusina at hinanda ang mga ingredients. Wala si Manang Sally maaga itong umuwi sa Isabela at dun magpapasko't bagong taon kaya kami lang ang nandito. May time din na nahihirapan akong maglinis ng bahay kapag ako lang mag-isa lalo na't may bantay akong batang pasaway.
"Daddy your here na" pinahinaan ko muna yung kalan bago lumabas sa kusina.
"Good afternoon po Sir buti napaaga uwi niyo"
"Yeah maaga natapos yung pictorial for endorsement na ilalabas" paliwanag niya
"Sakto po matatapos na po akong magluto para makakain na po kayo" hinarap ko si Levin
"Baby samahan mo muna si Daddy sa taas tatapusin lang ni Mimi yung hapunan natin" tumango naman ang bata.
Bumalik na ako sa pagluluto sa di inaasahan ay may tumawag sa cellphone ko.
"Hello"
"Zoey, si Karen ito" napakunot noo ako
"Bakit ka napatawag?"
"Sinabi sa akin ni Mang Narding na naencounter mo si Sir Hance dun sa supermarket last month"
"Oo bakit?"
"Alam ba ni Sir Levis na naencounter mo siya?" Nabigla ako sa tanong niya
"Hindi, bakit mo natanong?"
'Ano 'to Q and A portion?'
"Hindi dapat baka magkaroon ng world war 3 kapag nagkakataon" napakunot noo ako sa sinabi niya.
"Ano ba yun bakit magkakaroon ng world war 3 kung sakaling malalaman ni Sir Levis ang encounter namin ni Hance"
"Hance?"
"Oo Hance na lang daw itawag ko sa kanya kasi feeling daw niya nasa middle age na daw siya. Ewan ko dun ang weird niyang kausap"
"Basta wag mo nang ipaalam tungkol sa nangyari" binaba na niya ang tawag.
'Ikaw ata ang mas weird eh'
***
Nakahain na ang mga pagkain sa lamesa at bumalik ako sa kusina upang kunin ang tubig. Pinaiiwas ko muna si Levin sa juice dahil nag-iba ang ihi nito base sa sabi ni Tasha ay papunta na ito sa UTI madalang pa naman ito uminom ng tubig. Sang-ayon din naman ang ama.
"Mimi walang juice?" Napabuntong hininga na lang ako.
"Baby hangga't di pa rin okay yung kulay ng ihi mo di ka pa pwede. Ako'y natatakot sayo eh" sermon ko.
"Oo nga pala nasan yung daddy mo?"
"May kausap lang po sa phone" tumango na lang ako at pinaupo ko na ang bata.
"Sir kain po kayo" bumaba na ng hagdanan si Sir Levis mukhang kakatapos lang ito makipag-usap sa cellphone.
"Anyway, Mom asked na pumunta sa bahay for spending Christmas and New Year" napahinto ako sa paglagay ng pagkain sa plato ng bata.
"Really Daddy?" Kumikinang ang mga mata nito. Tumango naman ang ama niya.
"Yehey!" Napailing na lang kami.
"Parang kailan lang pumunta ka doon nung last week" pumunta kami sa bahay ng mga Wattson dahil bumalik na sa Maynila si Sir Levis for endorsement.
"Oo nga pala did you plan to come home this christmas and new year?" Napalingon ako sa tanong ni Sir Levis.
"Ahh hindi po saka ngayon lang po ako di uuwi sa Nueva Ecija" tumango na lang siya.
'Dahil next year pa ako uuwi at di ko alam kung makikita pa kita ng personal'
"Eh Sir, kailan po punta natin sa bahay?"
"Bukas ng gabi"
***
Nandito na kami sa bahay ng parents ni Sir Levis.
"Mom" humalik sa pisngi si Sir Levis sa ina ganun din ang bata.
'Kailan kaya ako makakaranas ng halik sayo Sir?'
"Uy! Wag paghahalataan" lumingon ako at si Karen ang nagsalita.
"Pssh! Musta" bati ko.
"Eto maganda pa rin" inirapan ko siya.
"Mas maganda ako sayo duhh!" Maarte kong sabi. Napipigil kaming tumawa dahil sa mga bardugalan namin.
"Bwhaahahah" lakas kong tumawa.
"Why are you laughing Mimi?" Napalingon ako at may batang biglang sumulpot sa gilid ko.
"Wala yung baby namiss ko lang si Karen eh" paliwanag ko. Tumalikod na ito at pumunta na sa taas.
"Di pa rin niya tinatanggal yung pagtawag sayo ng Mimi?" Umiling ako.
"Mukhang nakasanayan na eh" kibit balikat ko.
"Oh siya ilalagay ko muna yung gamit mo dun sa kwarto ko" tumango ako pero kinakataka ko ay bakit niya pinalalagay yung gamit ko sa kwarto nila.
"Asan si Keith?"
"Wala umuwi ng Cabuyao gusto niya magspend ng Christmas at New Year sa kanila" 'Ah kaya pala'
"Ikaw ba di ka ba uuwi?" Natahimik siya.
"Hindi eh"
"Di ba may family ka pa?" Tanong ko.
"May sari-sarili na silang pamilya at ang mga yun ay di ako tanggap na may anak sila sa una. Nag-iisang anak lang nila ako kaya na kay Lola ako sa mga panahon na iyon kaya lang namatay si Lola, akala ko nga kukunin ako ni Mama pero hindi" kwento niya.
"Kahit Papa mo di ka kinuha?"
"Ayoko kay Papa ang sama ng ugali nung asawa niya"
"Eh ibang kamag-anak mo?" Tanong ko pa
"Ayaw daw nilang may dagdag palamunin" Biglang lumungkot ang mukha niya at napahawak ako sa dibdib ko di ko alam kung meron akong dibdib.
'Grabe sila'
"Eh paano ka napunta dito?" Takang tanong ko.
"Mayordoma si Lola sa bahay ng mga Andrews at nagsideline din ako sa bahay nila para may extra income ako pero nagdesisyon akong lumipat na lang dito at pumayag naman si Mam Lessandra, nung una nga ayaw ni Mam Heidi na lumipat ako ng paninilbihan eh pero nalaman din niya ang rason ko kaya walang magawa si Mam Heidi kung di pumayag sa paglipat ko dito." Kwento niya.
"Wait teka! Anong reason mo kung bakit ka lumipat dito?" Takang tanong ko.
"Secret....." Kumindat siya at dinala niya ang mga gamit ko sa kwarto niya.
'Di kaya si.....' napangisi na lang ako sa naisip ko.
'Mukhang parehas kaming inlove sa artista ah' pinuntahan ko muna ang bata dahil sina Sir Levis at si Mam Lessandra ay nasa veranda sa taas.
"Baby...." Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan at naabutan ko na tulog ito.
"Pssh! Gaano ba kalayo ang itinakbo ng kotse at pagod na pagod ito" inayos ko ang mga gamit nito at pati na rin siya. Pinalitan ko na ng damit ang bata.
"Did he really sleep?" Tumango ako.
"Kaya lang Sir di pa siya kumakain eh"
"It's okay gawan mo na lang siya ng egg sandwich katulad nung ginagawa mo" tumango na lang ako.
"Sige na bumaba ka na ako ng bahala rito" tumango ako at lumabas na sa kwarto.
"Nakatulog na ba ang bata?" Tumango ako.
"Iha nasabi mo na ba yung tungkol sa pag-alis mo next year?" Umiling ako.
"Mam ikaw na lang po sana magsabi sa kanya. Baka po di ko kayanin eh"
"Don't worry iha, maghahanap ako ng timing para masabi na sa kanya" ngumiti na lang ako.
Nandito ako sa kusina at tinutulungan sina Manang kahit na pinapahinga na nila ako pero ako pa rin yung nagmatigas.
"Manang gaano na po ba katagal dito si Karen?" Biglaang tanong ko.
"Halos isang taon na siya rito nagtatrabaho"
"Ibig sabihin po wala po siyang balak mag-aral ng college?"
"Ipagpapatuloy pa rin niya ang pag-aaral katulad mo rin next year na siya magenroll sa UP Los Baños dapat nga sa Brent International School siya pag-aaralin ni Lessandra kaya lang ayaw niya dahil mahihirapan siyang makisalamuha sa mga tao alam mo naman ang school na yun ay para sa mayayaman kaya ganun na lang ang ayaw niya" paliwanag pa ni Manang.
'Oo nga pala naalala ko dun nag-aaral ang mga anak ng artista katulad ni Sir Levis'
"Oo nga pala we going to Tagaytay to spend the new year there" bungad na sabi ni Mam Lessandra.
"You mean Mom buong family natin?" tumango naman si Mam sa tanong ni Mam Lexie.
"So kasama natin si Zoey sa pagpunta dun?" Lumingon ako kay Sir Logan.
"Naku dito na lang po ako magspend ng New Year para may kasama po sina Manang di ba po nagsiuwian po yung iba tapos sila lang apat ang nandito kaya dito na lang po ako" tanggi kong sabi.
"Saka mababantayan naman natin si Levin" biglang singit ni Mam Lexie.
"Parang ayaw mo ata isama si Zoey?"
"No, sinabi ko lang yun para tumigil ka na kakatanong kay Zoey di pa siya kumakain dahil sa kakatanong mo! Sige na Zoey you should eat na wag mo nang pansinin yung kapre dito" napatawa ako ng mahina dahil sa tawag nito sa kapatid. Pumunta na ako sa kusina at nagsimula ng maghain.
"Are you sure you not coming with us in Tagaytay?" Nagulat ako sa sinabi ni Sir Levis.
"Eh Sir di ba family lang po eh nanny lang po ako ni Levin at saka kawawa naman po sina Manang, Karen, Ate Odette at si Kuya June kung sila-sila lang po ang magspend ng New Year dito" paliwanag ko.
"Fine" ngumiti na lang ako kay Sir
"Oo nga po pala ano po ginagawa niyo po dito?" Biglaang kong tanong.
"Make me a coffee and pakidala sa veranda"
"Di po kayo iinom ng brandy?" Takang tanong ko. Kadalasan kasi brandy ang iniinom nito pampatulog daw pero suray-suray naman ito lumakad papuntang kwarto niya. Base lang sa observation ko dahil napansin ko siya nung bumangon ako at nauhaw. Nagbabasa pa ako nung ng w*****d.
"No, where here in the house baka mabatukan ako ni Mom and how did you know na umiinom ako?"
"Pansin ko lang po kasi yung brandy dun sa taas ng cabinet sa kusina tapos po may time po na nagigising po ako at nauuhaw nakita ko po kayo na suray-suray kung maglakad" paliwanag ko.
"Don't ever say this to Mom" tumango ako.
"Areglado po Sir" umalis na si Sir at ako naman ay pumunta na sa kusina para ipagtimpla ng kape. Dadalhin ko na sana sa veranda ay may biglang tumawag.
"Uy! Karen pwedeng pakidala kay Sir sa veranda sasagutin ko lang yung tawag" tumango na lang siya at sinagot ko na ang tawag.
"Hello, sino 'to?"
"Ouch! Nakalimutan mo na ako" nanlaki ang mga mata ko dahil sa pamilyar na boses.
"Hance! Ikaw pala bakit ka napatawag?"
"Wala nangangamusta lang"
"Okay naman ako dito" tumitingin ako sa gilid baka may makakita o marinig sa akin.
"Siya nga pala may tanong ako?"
"Ano yun?"
"Di ba kayo good terms ni Sir Levis?" Natahimik siya sa tanong ko.
"Yeah" maikling niyang sagot.
"Bakit? Di ba magpinsan kayo?" Di na naman siya nakasagot.
"It's a long story, oh by the way I have to end this call may gagawin pa ako"
"O siya sige bye" binaba ko na ang tawag.
"Si Sir Hance ba yung tumawag?" Napitlag ako dahil biglang nagtanong si Karen sa akin.
"Kanina ka pa dyan?" Umiling naman ito.
"Kakapunta ko lang sagutin mo muna yung tanong ko"
"Oo nangangamusta lang" paliwanag ko.
"Alam mo ba kung ano ang dahilan ko kung bakit lumipat ako dito?" Umiling ako.
"Dahil sa kanya" tatawagin ko na sana siya pero tumalikod na ito at diretsong lumabas sa kusina.
'Ano kaya ang nangyari?'
***
Christmas eve na at halos puspusan na ang lahat sa paghahanda. Heto po kami sa kwarto ni Levin dahil nakatulog ang bata ay nakatulog na rin ako sa sobrang pagod sa pakikipaglaro sa bata.
"Pasensya na po kung nakatulog po ako" nagising ako agad dahil 10 na ng gabi
"Okay lang iha alam ko pinagod ka ni Levin" ngumiti na lang ako.
"Ano po maitutulong ko?"
"Ikaw na ang gumawa ng macaroni salad dahil alam nila na masarap kang gumawa" nahihiya naman akong ngumiti dahil sa mga papuri nila.
"Sige po" nakahanda na ang mga ingredients at iniintay na lang nila maluto ang macaroni.
"Tikman mo nga kung okay na sa inyo?" Tumikim naman sila.
"Ang sarap!"
"The best ka talaga gumawa Zoey" napatawa na lang ako sa inasal ni Kuya June.
"Hoy! Hunyo wag mong lantakin ng lantakin yung macaroni salad kina Mam Lessandra yan" suway ni ate Odette.
"Masarap eh" kinuha ko ang isa pang bowl na malaki.
"Wait may isa pa?" Tumango ako.
"Sinabi sa akin ni Mam Lessandra na hatiin yung macaroni baka kasi di maubos kaya binukod ko na" nagningning na ang mga mata nila.
"Jusko kayo parang di kayo nakakain ng macaroni ah" sermon ni Manang Indang.
"Manang, pagdating po sa luto ni Zoey ay kakainin po namin talaga. Pwede rin po na himurin namin yung mga platito para masasabi namin na masarap talaga siyang magluto "
"Kadugyot mo Hunyo!" Tumawa na lang kami. Di umuwi sina ate Odette at kuya June dahil umuwi na ang mga ito nung fiesta sa kanilang probinsya. Sabi ni Karen sa akin ay nagbabangayan na talaga simula pa lang nung una niyang pagpunta dito. Minsan pa nga ay biniro nila ito na baka sila na nga nakatadhana sa kanila pero ang sinabi ni Ate Odette na....
'Gustuhin ko pa maging matandang dalaga kaysa patulan ang mga unggoy katulad ni Hunyo'
"Inimbita tayo sa lamesa nila Mam Lessandra" pumunta na kami sa dining area at lumaki ang mga mata namin dahil sa daming handa.
"Pwede nang magsharon" tumawa kami sa hirit ni Kuya June at binatukan naman siya ni Ate Odette.
"Nakakahiya ka Hunyo!" Tumawa ang lahat dahil sa bangayan ng dalawa.
"Lord of All, we give you thanks for your abundance, and for all the great things you have given us, especially the birth of Your Son on this day. We ask your blessing upon this food, and upon our friends and family. We also pray that in your great mercy, you would look kindly upon all those in need this day. Amen"
"Amen" sabay naming sabi. Nagsimula na kaming kumain.
"OMG! Count na" sigaw ni Mam Lexie. Pumwesto na kami sa Christmas Tree.
"10"
"9"
"8"
"7"
"6"
"5"
"4"
"3"
"2"
"1"
"Merry Christmas!" Biglang ilaw ang Christmas Tree.
"Merry Christmas po" humalik ako sa pisngi ni Manang.
"Merry Christmas po ate Odette at kuya June"
"Merry Christmas Karen" yumakap naman ako.
"Merry Christmas Baby" yumakap ako at hinalikan sa pisngi.
"Merry Christmas din po Mimi"
"Merry Christmas po Sir" tumango na lang siya.
"Walang hugs or kiss" kinurot ko ang tagiliran ni Karen.
"Eto gift ko sa inyong lahat" panimula ni Mam Lexie, sumunod si Sir Logan at Sir Valerio at panghuli si Mam Lessandra.
"Ano po ito Mam Lessandra?"
"Open it Zoey" binuksan ko ang balot at nanlaki ang mata ko dahil sa nakita ko.
"Wow a brand new bag" napangiti ako.
"Magagamit mo yan next year sa school" bulong ni Mam Lessandra.
"Pero po ang mahal po nito" bulong ko.
"It's okay iha gift ko na rin sayo 'to for taking care of them"
"Pero Mam, tungkulin ko po na alagaan sila" paliwanag ko.
"Malaking tulong na dumating ka sa buhay namin, sa buhay nila alam mo ba naikwento sa akin ni Manang Sally ang nangyayari sa bahay" napalunok ako.
'Shemss baka malaman niya na may gusto ako sa anak niya'
"I'm so happy na nakakangiti na si Levis dahil sa presensya mo Zoey tapos nung pumunta kayo sa Ocean Adventure sa Zambales halos tuwang tuwa si Levin na nagkwento sa amin sa mga nangyayari doon" napangiti na lang ako.
"Kung pwede lang sana na dito ka na lang eh kaya lang ayoko naman na isacrifice mo yung pangarap mo dahil lang sa kagustuhan kong maging masaya sila" ngumit naman ako.
"Mam Lessandra kahit konting panahon na lang po ay gagawin ko pa rin po ang lahat na maging masaya sila kapag umalis na po ako" sasabat na sana si Mam Lessandra nang may nagsalita sa likod namin.
"Sinong aalis?" Nanlaki ang mga mata ko dahil si Sir Levis pala ang nasa likod ko.
"Sir kayo po pala" napakamot na lang ako sa ulo.
"Ahh si Zoey" nanlaki ang mata ko.
"What?" Bigla ako kinabahan dahil sa iba ang tono na nagtatanong si Sir Levis.
"Ahhm gustuhin ko pauwiin sa kanila kaya lang ayaw niya gusto niya maranasan na magspend ng New Year dito" nakahinga ako ng maluwag.
"Okay" tumalikod na siya.
"Ako na po ata magbibigay" nagpaalam na ako at lumakad na papunta doon.
"Para kay Ate Odette" ibinigay ko ang gift ko ay Ate Odette. Sunod ko naman kay Karen, Kuya June, Mam Lexie, Sir Logan, sa mag-asawang Wattson at kay Manang.
"For my baby Levin" binigay ko ang gift ko sa kanya.
"Opss! Sa room mo na lang iopen yan" sumimangot ang bulinggit.
"And para kay Sir Levis" binigay ko ang isang regalo na di niya makakalimutan.
"Thanks" ngumiti siya sa akin.
"Wag niyo rin po bubuksan agad dapat tulog na ako kapag binuksan niyo yan" demand kong sabi.
"Okay, madali naman ako kausap"
Nagbigay naman na sina Karen, Ate Odette, Kuya June, at si Manang Indang. Panghuli ay si Sir Levis.
"For my baby" biglang yakap naman ni Levin ang regalo na binigay sa ama.
"And of course for you" napatulala ako sa pagbigay ng gift sa akin ni Sir Levis.
"Thank you Sir"
"And don't open it muna" napatawa na lang kami.
"Jusko! Ano 'to" isang picture frame na nakalagay ang mukha ko na nakaakap at nakahalik sa dugong.
'Hanep si Sir di nga nakakalimutan pero always naalala ko ito ay gusto ko nang lumubog sa lupa o kisame.'
'Pero nakaganti rin ako' dahil ang regalo ko sa kanya is yung picture nung nasa dolphin show kami.
Kinabukasan ay ibang awra ang bumungad sa akin ni Sir Levis pagkapasok ko sa loob ng kwarto ni Levin.
"Good morning Sir, kamusta po yung tulog niyo"
"Nice picture huh" napahagikgik na lang ako.
"Kayo naman po ah ganun din yung binigay niyo sa akin. Expected na ata yun ang ibibigay niyo sa akin eh kaya ganun na din ang ibigay ko sa inyo para patas" napailing na lang siya.
"Good morning po" nagising na ito at ngumiti naman kami at binati na din siya.
"Handa na ang breakfast" nagpabuhat ito sa ama at nauna na sila sa banyo at naghilamos at nagtooth brush. Pinauna ko na silang bumaba dahil aayusin ko pa ang higaan ni Levin.
"Sa Friday na tayo pumunta sa Tagaytay" panimula ni Sir Valerio.
"Mimi, di ka talaga sasama?" Tiningnan ko si Sir Levis.
"Baby, nandun naman sina lolo't lola mo eh and di ba she said na gusto niyang pagspend ng new year dito sa bahay para may kasama sila" paliwanag ni Sir.
"May tira pa bang macaroni?" Biglaang tanong ni Mam Lessandra.
"Di ko lang po alam" pero may isang malaking bulto na para namimilipit sa sakit.
"Kuya June anong nangyari sayo?" Takang tanong ko.
"Ang sakit ng tyan ko" nanghihinang sabi nito.
"Ayan katakawan mo kasi" sermon ni Ate Odette.
"What's happening ba kay Kuya June?" Conyong sabi ni Mam Lexie.
"Kinain ng kinain niya yung macaroni salad na gawa ni Zoey tapos po yung natira po sa hapag pinaspasan po niyang kinain" bigla akong naalala
"Kuya wag mong sabihin kinain mo rin yung macaroni salad ni Levin?" Tumango naman ito.
"Kuya naman!" Napakamot ako sa ulo dahil sa inis.
"Sorry naman masarap kasi eh"
"Pati pagkain ng bata tinirada mo na" piningot ni Ate Odette ang tenga ni Kuya June at pumunta na sa kusina. Tumawa ang lahat dahil sa bangayan nung dalawa.
"Dapat nagstay na lang kayo dito kuya para palagi kayong masaya" request ni Mam Lexie.
"Di na mayroon naman na nagpapasaya sa amin eh" bigla itong tumingin sa akin at umiwas naman ako.
'Zoey kalma ka lang'
'Wag bigyan malisya' ngumiti na lang ako sa kanya.
Araw ng Sabado ay nandito kami nina Karen sa bahay dahil mamimili sina Ate Odette at Manang Indang kasama si Kuya June.
"Uy parang di ka mapakali"
"Kinakabahan ako sa mangyayari eh" napakunot noo ako sa sinabi niya.
"Bakit?"
"Alam mo naman may hidwaan yung dalawa di ba?" Ang tinutukoy niya ay sina Hance at Sir Levis.
"Oo bakit nga?"
"Naku Zoey ihanda mo yung tenga mo kapag nalaman ni Sir Levis na magkakilala kayo ni Sir Hance" tumalikod na ito at nagsimula na siyang magpunas.
'Ang weird niya'
"Oy! Nangunguna ka na naman dyan sa videoke"
"Ano ba naman Odessa gusto ko lang try kung gumagana yung mike" natawa na lang kami sa bangayan nila Ate Odette at kuya June.
"Anong Odessa? Odette pangalan ko!" Napakamot na lang si Kuya June sa batok niya.
"Naku kuya matanda ka na daw" biglang biro ni Karen
"30 pa lang ako Karen kaya di pa ako matanda" angil ni Kuya June
"Pero nasa kalendaryo na po kayo at malapit na po yung lumagpas" pangbabara ko sa kanya. Di nakaimik si Kuya June.
"Malay mo Kuya June si Ate Odette na yung the one mo" biro ko.
"Naku Zoey, kinalibutan ka nga di ako papatol sa mukhang sanggano na yan" biglang singit ni Ate Odette.
"Wow hiyang hiya naman ako sayo Odette" biglang lumabas si Manang Indang.
"Ano ba kayo di ba titigil?" Natahimik kami.
"Ikaw kasi try ko naman yung mike kung gumagana eh" rason niya.
'Anong kinalaman ng mike dun'
"Siya kayong dalawa tulungan niyo ako magluto" sumunod kami sa kusina.
"Zoey gawa ka ng macaroni salad" biglang singit ni Kuya June.
"Wag na po baka may sumakit yung tiyan niyo ulit next year na lang po" 'kung nandito pa ako'
"Nakaayos na ba yung paputok" tumango si Kuya June at inihanda na sa labas ng bahay.
"Countdown na ba?" Umiling si Karen.
"One minute pa" marami nang nagpapaputok sa village kahit wala pang eksaktong New Year.
"Uy ikaw bakit di ka kumanta kanina?" Lumingon ako kay Ate Odette.
"Busy po ako sa kakaluto nung ibang pagkain kaya di na ako nakakakanta" paliwanag ko.
"OMG! kanina pa countdown"
"Ano!"
"Teka...... 5, 4, 3, 2, 1 Happy New Year!"
"Happy New Year po Manang" niyakap namin si Manang. Simulan na ni Kuya June pasindihin ang mga fountain at fireworks.
"Wait video call po si Mam Lessandra" bigla akong kinabahan
"Bakit Zoey?" Umiling ako.
"Happy New Year Everyone" ngumiti kami.
"Happy New Year din po sa inyo Mam Lessandra" sabay naming sabi.
"Tumatawag din sayo" nawala ang ngiti ko dahil si Sir Levis na yung tumatawag.
"Sir"
"Happy New Year po Mimi" nakahinga ako nang si Levin yung sumagot.
"Happy New Year din baby" ngiti kong sabi.
"Mimi, dad wants to talk to you" bigla akong kinabahan at tumingin kay Karen.
"Alam na kaya?" Kumibit balikat siya.
"Zoey"
"Po"
"Happy New Year" tumango naman ako
"Happy New Year din po" kinakabahan kong sabi
"We will talk kapag nakauwi na kami" biglang pinatayan niya yung tawag.
"Naku New Year na New Year may war" sinamaan ko ng tingin si Karen.
"Naku Jusko!" Nagulat ako dahil kay Manang.
"Bakit po Manang?"
"Nagsuntukan yung dalawa" bigla akong kinabahan.
"Sino pong dalawa Manang?"
"Si Hance at si Levis" pumunta ako kay Manang at doon na nga ang kinakatakutan ko.
"Hance! Levis! Stop!"
"Kuya! Tama na!" Pinatay na ni Manang ang tawag
"Jusko! Di pa rin ba tapos yung awayan ng dalawa na yun matagal ng patay si Hannah" lumingon ako kay Manang.
"Manang bakit mo sinabi" nagulat is Manang.
"Pasensya na iha pero matagal nang may alitan yung dalawang magpinsan na yung simula nung nakilala nila si Hannah" tumingin ako kay Karen.
"Di ba po patay na si Mam Hannah eh bakit nagtalo talo pa rin sila"
'Ako ba ang dahilan kung bakit nagtatalo pa rin sila'