Ocean Adventure
"Naks! Sana ol insan" napatawa na lang ako sa reaction ni Tasha
"Pero alam mo ba bagay sa kanya yung palangiti saka palatawa saka di ko alam na may kapilyuhan din tinatago si Sir Levis lalo nung napagusapan namin tungkol dun sa....."
"Saan?"
"Sa napkin" napapikit na lamang ako dahil alam ko aasarin niya ako.
"Jusme! nalaman nang boss mo na bumili ka ng napkin" napatango ako. Di ko pala naikwento sa kanya ang kakahiyan na ginawa ko kanina basta pagkatawag ko sa kanya ay bigla ako nagtitili at kinuwento ko sa kanya na di na naging masungit si Sir Levis.
"Tapos, nagulat ako nung nagsabi siya na "bakit sino po bang matanda na kasama natin" ginaya ko ang sinabi ni Sir Levis.
"Sinabi niya yun?" tumango ako.
"Pati nga bata eh curious dun sa napkin na binili ko eh"
"Dapat sinabi mo dun sa bata na ginagamit ito kapag mood days yung babae para manatiling inosente"
"Eh yung tatay ang nagpaliwanag eh" katwiran ko
"Eh anong sinabi nung tatay?"
"Red flag daw" bigla siyang nasamid
"Tch! tingnan natin pinsan kapag lumaki na yan at nagkaroon ng girlfriend na may mood wings tas bibili sa tindahan sasabihin nun "pabili po na napkin yung lumilipad po" tumawa ako ng malakas nang dahil sa biro nito nang ikagulat ko na biglang may kumatok.
"Zoey matulog ka na!"
"Opo Manang!"
"Jusmeyo ka! kalakas ng tawa mo" biglang sermon ni Tasha
"Bakit kasi di ako matatawa eh yung biro mo kasi eh" pinipigilan ko ang pagtawa ko baka pagalitan na naman ako ni Manang.
"Matulog ka na nga berat ka"
"Opo Nay" biro ko.
"Oh siya sweet dreams" pinatay na niya ang tawag.
'Mukhang maaga pasok nito bukas ah' nabanggit ito na malapit na ang submission ng mga activities nila dahil magend of semester na sa last week ng Novemeber.
'40 days na lang pasko na'
Napatingala ako sa kisame at di ko namalayan na nakatulog na ako kakaisip tungkol sa pasko.
"Good morning po Manang" biglang bati ko at ngumiti naman sa akin si Manang.
"Mukhang malungkot si Baby Levin ah" umupo ako sa tabi niya. Mukhang maaga nagising
"Because dad left earlier" napakunot ang aking noo dahil sa sinabi niya.
"Maaga akong gumising kanina upang maasikaso siya dahil maaga ang alis niya. Malayo ang lugar na pagkukuhanan nila ng scene" paliwanag niya.
"Mga anong oras po?"
"Mga 3 siguro ng madaling araw"
"Bakit di niyo po ako ginising agad?" bigla kong tanong.
"Gigisingin sana kita kaya lang si Levis na ang nagsabi na huwag na kitang gisingin dahil alam niya na nasa kasarapan ka ng tulog kaya hinayaan na lang kita at ako na ang nagasikaso sa kanya" palihim ako kinilig
'Kyahh! OMG! concerned siya sa akin!'
'Wag kang assumera!' epal ng utak ko.
"Saan daw po yung taping nila?"
"Sa Zambales daw" tumango naman ako
"Mimi, I'm hungry" tumayo ako at pumunta sa kusina. Di ko namalayan sumunod na pala si Manang.
"Alam mo ba pagkagising niyang bungad na hinahanap agad yung daddy niya" tumingin ako kay Manang.
"Gusto man umiyak pero pinipigilan lang"
"Di po ba siya nakapagpaalam sa kanya" ang tinutukoy ko ay si Sir Levis.
"Hindi eh" napabuntong na lang ako ng hininga.
"Baby, eto na yung snack mo" binigay ko ang orange juice at egg sandwich.
Itong egg sandwich ay nilaga ko muna yung itlog at dinurog ko ng konti tas nilagay ko ng mayonaise. Yung unang gawa ko nito dahil diet ako ito ang naging tanghalian ko ay humingi ito sa akin.
"Mimi, can I have some?" Tumingin ako sa ibaba nang may nanghila ng damit ko walang iba kung di si Levin.
"Baby, baka kasi sumakit yung tiyan mo eh" pero ang bulinggit ay nag-beautiful eyes sa akin.
"Please mimi, I want to taste it" wala na akong nagawa kung di bigyan ang batang humihingi.
Buti na lang ay di sumakit ang tiyan numg kinagabihan kaya every morning snack ko ito ginagawa para sa kanya.
"Baka Levin di ka na kumain niyan" umiling naman ang bata
"Kakain po ako mamaya" ginulo ko na lang ang buhok niya at patuloy itong kumakain.
"Ipadala mo na lang sa akin yung grade 11 kong card, yung grade 12 na card, yung good moral saka yung PSA ko ah" ipinaalala ko kay Tasha ang mga documents na kakailanganin ko sa pag-apply ko ng college admission.
"Ok nalista ko na bayaran mo na lang yung fee sa LBC alam mo naman tipid ako ngayon dahil sa dami naming bayarin ngayon"
"Di ba end of 1st semester niyo na sa November" tumango siya
"Yup kaya after ng event dito sa school paspasan na ng paggawa ng activity kaya lang insan papatayin kami sa kakareview dahil may CFE kami"
"Anong CFE?"
"Common Final Examination means lahat ng natackle na lesson ay kasama sa exam"
"Sus! Kaya mo yan ikaw pa"
"Oo na salamat sa pagcheer anyway" tinaasan ko ito ng kilay dahil alam ko makikichismis na naman ito.
"Tss! Wala akong ikukwento sayo wala yung boss ko bumalik na sa taping"
"Ay! Sayang"
"Oo nga pala mamaya na ako tatawag sayo pupunta muna kami kay Sir Luigi hihingi kami ng reviewer" akmang may itatanong sana ako pinatayan na ako ng tawag.
'tatanungin ko pa naman sana siya tungkol kay Mellisa'
"Mukhang nakatulog ang bata ah" tumango ako.
"Iniintay po yung tawag ng ama eh"
"Hayaan mo tatawag din yung masyado lang busy sa taping malay mo biglang tumawag sayo" napakunot noo ako dahil sa pahiwatig ni Manang.
"Wag kang mag-alala iha safe sa akin ang sekreto mo"
"P-paano niyo po nalaman?"
"Narinig kitang kausap mo yung pinsan mo parehas kayong may gusto sa isang artista pero paalala lang iha wag masyadong lalagpas dahil baka sa huli kayo ang masaktan" tinapik ni Manang ang balikat ko at tiningnan ko ito hanggang sa bumaba ito ng hagdan.
'Hanggang crush lang naman ah'
"Tao po! sa LBC po ito" Tumayo ako sa pagkakaupo dahil naghihiwa ako ngayon ng rekado para magluto ng adobong baboy. Naalala niyo ba yung pork chop na binili ko sa mall na ubod ng mahal ay ito ang iluluto ko ngayon.
"Para po kay Ms. Zoey Gaile Lacoste po"
"Ako po yun"
"Pakipirma na lang po ito" pinirma ko ito at kinuha yung box
"Salamat kuya" sinarado ko na ang gate at pumasok na sa loob.
"Ano yan iha?" Bungad ni Manang sa akin
"Eh mga documents ko po ito kasi po next month magapply na rin po ako para sa college" sumilay ang ngiti ni Manang.
"Maigi yan iha sayang din kung hihinto ka oo nga pala napagisipan mo na ba yung kurso mo?"
"Ipagpapatuloy ko na lang po yung Civil Engineering po"
"Bakit?"
"Eh Manang may bayad din po kasi yung sa NEUST sa amin"
"Di ba sabi mo libre" tumango ako.
"Manang yung laboratory po kasi is 18k mas mura po yung laboratory sa Araullo kaya po kahit mahirap ipagpapatuloy ko na rin po saka manang kailangan ko pong patunayan na di ako kailanman hihingi ng tulong sinoman kaya nga po ako nagtatrabaho di po ba?" Paliwanag ko. Tinutukoy ko yung Nursing course. Biruin niyo 18k na yung laboratory kaya itutuloy ko na ito. Sabi naman ni Tasha ay kung nahihirapan ako ay pwede ako magchange ng course.
"O siya di na kita mapipigilan basta kung nahihirapan ka pwede kang magpatulong sa iba."
"Saka nga pala alam ba ni Levis ang tungkol dito?" Umiling ako.
"Di po sinabi ni Mam Lessandra kay Sir ang alam niya lang po ay 5 years contract po ako"
"Mahirap yan alam mo naman si Levis ayaw niya sa taong mapagsikreto pero kung ang desisyon ni Lessandra ang kailangang sundin ay wag na lang natin siyang pangunahan. Sige na puntahan mo na yung bata ako na ang magpatuloy nito."
Paakyat na ako ng kwarto nang may narinig akong nag-uusap
"Daddy, kailan po kayo uuwi?" Binuksan ko na ng tuluyan ang pintuan.
"Levin sino ang kausap mo?" Bungad kong tanong.
"It's daddy sinabi ko po kay Daddy na nasa baba po kayo at pinuntahan niyo po yung tumatawag" inosenteng sagot niya.
"Baby next time ah kapag may tumawag tawagin mo ako ah baka kung sino yung tumawag sa akin at tanungin ka ng kung ano-ano alam mo naman iniiwasan lang kita sa masyadong mausisang tao" sermon ko napayuko na lamang siya
"Your Mimi is right baby, we need to protect you okay" namula ako bigla dahil sa paggaya ng tawag sa akin ng bata.
"Give the phone to her" binigay niya ang cellphone ko at niyakap siya ng mahigpit.
"Sorry po Mimi" hinaplos ko ang buhok niya.
"Anyway Zoey may darating dyan na mag-aayos ng Christmas Tree and please don't ever to bring Levin closer in the Christmas Tree baka mahigh blood yung gumagawa dahil sa kakulitan niya." Napatingin ako kay Levin at nakasimangot ito sa daddy at bigla akong natawa.
"I hate you Daddy!"
"Kapag ba pinapunta kita dito di mo na ako hate?" Biglang lumiwanag ang mukha nito dahil sa sinabi ng ama
"Really Daddy!"
"Yes baby"
"But Daddy can Mimi come with me?" Nanlaki ang mata ko at nilingo bigla si Levin.
'Jusko Levin foul na yan!'
"Sure baby" sumilay ang ngiti nito.
"And Zoey pakiayos na rin yung gamit ni Levin pati na rin sayo"
"Ilang araw po kami nandun Sir?"
"2 days lang sasabay na rin kasi ako papuntang Manila dahil may biglaang endorser na kailangan kong imeet-up"
"Sige po Sir" pinatay na niya ang tawag.
"Baby makakapunta na rin ako sa Zambales" sigaw ko.
"Really! It's your first time to come there?" Tumango ako.
"Alam mo ba baby nung high school pa lang kasi ako di ako sumasama sa mga tour namin kasi di ako pinapayagan ng papa ko pero ngayon.... Kyahh!"
"Jusko anong ingay yan?"
"Manang aalis po kami bukas"
"At bakit?"
"Pupunta po kami sa Zambales" tili kong sabi.
"Akala ko kung ano na eh" napakamot na lang ako sa buhok.
"O siya sige ayusin mo na yung gamit ni Levin pati na rin sayo" pumunta na ako sa closet niya at kinuha yung mga damit para sa dalawang araw namin sa Zambales.
"Mimi do you have swimwear?" Namula ako bigla dahil sa tanong nito.
"Ano ka ba baby di tayo magswimming dun mamasyal lang tayo" tumango na lang ito.
'Jusko! Ipapahamak ata ako ng batang ito ah'
Kinabukasan ay samut saring paalala with matching sermon ang binigay sa akin ni Manang. Pumunta muna sa talyer si Kuya June, ang driver ni Sir Levis.
"Handa na ba yung gamit niyo?" Tumango ako. Ngayon gabi kami aalis para di hassle ang traffic sa EDSA.
"Nasan ba si Sir?" Bigla kong tinanong
"Andun sa hotel nagpapahinga saka nakahanda na yung kwarto mo kasi si Levin tatabi kay Sir Levis" tumango ako.
"Ano ready ka na baby?" Excited itong tumango.
"Let's go na po" hinila na ako ng bata at napatawa na lang si Kuya June sa kanya.
Halos 8 oras kami bumyahe at parehas kami nakatulog sa byahe ni Levin pero nagstop over muna kami upang kumain ng agahan.
"Baby, anong gusto mo?" Napangalumbaba ito tila nag-iisip
"I want lugaw with chicken and egg" masayang sagot niya.
"Ikaw po Kuya June?"
"Ganun na lang din"
"Ate tatlong lugaw with egg and chicken po saka may mainit po ba kayong tubig?" Biglang tanong ko.
"Anong gagawin mo sa tubig na maiinit?" nagtataka si Kuya June dahil sa dala kong baso at paghingi ng maiinit na tubig.
"Magtitimpla po ako ng gatas kuya para kay Levin" hinanda ko na ang gatas at pagkabigay sa akin ng mainit na tubig ay tinimpla ko na ito.
"Oh baby ito na yung milk mo" nilagay ko muna ito sa lamesa at bigla na dumating yung order namin
"Kuya ilang oras pa bago nating marating yung Subic?"
"Mga 40 minuto depende kung di traffic sa Olongapo" napabuntong hininga ako.
"Why so tagal" maktol ng bulinggit
"Baby malayo talaga yung Zambales" paliwanag ko
"Why did you go there?" muntik na maibuga ang iniinom kong tubig
"Hehehe first time pa lang baby syempre nagtitingin din ako sa internet" 'Salamat google'
"Inumin mo na yung milk mo" ininom na niya ang gatas niya
"Tara na baka tanghaliin tayo dito" sumakay na kami sa kotse at umalis na papuntang Subic. Sa inaasahan ay naabutan kami ng traffic sa Olongapo buti na lang nag-shortcut si Kuya June dahil naiinip na ang kasama namin bata.
"Levin! Teka lang! Jusko naman batang 'to" dali dali akong bumaba at tumakbo. Mapapatay ako nito kay Sir kapag may galos ito.
"Ano ka ba Levin mapapatay ako nito sa daddy mo eh" sermon ko.
"I'm sorry Mimi, I'm so excited to see Daddy" yumuko ito.
"Baby next time ah wag agad mauna unang baba kasi kapag nadapa ka at may galos papagalitan ako ng daddy mo. Gusto mo bang pagalitan ni Daddy si Mimi?" Umiling ito.
"Ay! Kuya June ako na po" kinuha ko ang bag ko sa kanya.
"Sige na ako na magdadala nito pumunta na kayo kay Sir Levis doon sa hotel room niya" naglakad na kami papuntang loob at huminto kami sa elevator mukhang pababa pa lamang ito.
"Hello" bumungad sa akin ang isang magandang babae
"Hello po" bati ko naman
"Anak mo?" namula naman ako sa prangkang tanong nito.
'Hanep! Anong isasagot ko? Alangan namang anak po ito ni Sir Levis Wattson edi magiging trending siya'
"Ahh oo" wala na akong maisagot kung di um-oo.
'Naks! Kaka-18 pa lang may anak na.'
"Ahh sige mauna na ako baka hinihintay na kasi kami ng boyfriend ko" pumasok na kami sa elevator at napapikit na lang ako dahil sa sinabi ko.
'Lord palamon mo na lang ako sa sahig' walang lupa eh kaya sahig na lang.
"Mimi who is she and why you claming me as your son and daddy as your boyfriend?" Napatakip na lang ako sa mukha dahil sa diretsong tanong nito.
"Baby, di ba you need to hide in public kasi ayaw kang mapahamak o pagpyestahan kapag nalaman ng lahat na ikaw ang anak niya" paliwanag ko. Napatango na lang siya
Tumunog na ang elevator at pumunta kami sa hotel room ni Sir Levis.
"Baby, press the doorbell" pinindot naman niya ang doorbell at unting unti bumukas ang pintuan.
"Daddy!" Dumamba ito sa ama nito at yumakap ng mahigpit na parang ayaw nang kumawala sa daddy niya.
"How's your trip papunta rito?"
"Traffic" maikling sagot nito tumawa na lang kami
"Traffic po kasi sa Olongapo eh nakahanap ng shortcut si Kuya June para di matraffic papuntang Subic" paliwanag ko.
"And then daddy, Mimi meet a girl and she ask Mimi about me" nanlaki ang mata ko sa kadaldalan ng batang ito.
"Ahhh.. teka Levin---"
"And she said anak niya po ako and also Mimi claiming you as her boyfriend" napatakip na lang ako mukha dahil sa kahihiyan.
'Gusto ko nang magpalamon sa sahig'
'Baby, bakit mo naman sinabi?' napaiyak na lang ako sa hiyang inabot ko. Alam ko tumatawa yung daddy nito kaya di ko na lang pinansin.
Gumising ako ng maaga upang ihanda na ang mga susuutin ni Levin at diretso na ako maliligo. Dito pinalagay ni Sir Levis ang mga gamit ng bata baka magtaka ang isa sa mga staff ng hotel kung bakit may gamit ng bata rito. Yung hotel na pinapasukan namin ay walang CCTV dahil na rin sa hiling ni Sir Levis sa may-ari ng hotel na walang CCTV para malayang makapunta ang bata sa kanya.
"Mimi where's my clothes po" bumungad sa akin si Levin
"Oh eto na yung susuotin mo" binigay ko ang damit nito.
"Ok po I gotta go na" lumabas na ang bata at napasandal ako sa pader.
'Paano ako haharap nito kay Sir?'
'Hayss! Bahala na!'
"Wow!" Napatingin ako sa labas at mukhang maganda nga dito. Bago kami umalis ay kumain muna kami ng agahan siyempre need namin sa tagong lugar para di pagpyestahan ng mga fans ni Sir Levis.
"Were here" hininto niya ang sasakyan at bumaba na siya para buksan ang pintuan.
"Wow daddy nasaan po tayo?"
"Ocean Adventure baby" ngumiti naman si Sir Levis.
"Jusko bakit naman napakahigpit naman nito" di ko matanggal ang seatbelt mukhang sinagad ko ng todo ang pagkakabit nito.
"What happened?" Napatingala ako.
"Sir ayaw matanggal yung seatbelt mukhang napasagad ata pagkakalock nito"
"Ako na" pumunta sa akin si Sir at naamoy ko ang paboritong amoy ko sa kanya.
'Jusko! Lord sana araw araw na lang ganito'
"There" lumayo na si Sir Levis at kinuha ko na ang bag ko. Dahil clingy ako ay napatisod ako at nasalo ako ni Sir Levis.
"Careful" tumango ako. Napabitaw ako at pumunta na sa bata.
"Tara na baby" hinawakan ko ang kamay niya.
"Hi Sir good morning po" bumungad sa amin ang isa sa mga staff ng ocean adventure.
"Mr. Callano is there?"
"Levis Wattson" tumingin kami sa likod dahil narinig ko na tinatawag si Sir Levis.
"Mr. Callano" bungad na tawag niya.
"Jaica please accompany Levis to the area" tumango naman ang staff.
"This way Sir" sumunod naman kami at bumungad sa amin ang napakagandang view sa loob.
"Sir asan po tayo?"
"Sa aquarium ng Ocean Adventure ipasyal muna natin si Levin dito" tumango naman ako.
"Baby look oh" tiningnan namin ang mga bawat fishes.
"Wow it's so beautiful can we buy them?" Bigla akong nasamid hinahanap ko si Sir Levis pero nakita ko ito na may kausap sa cellphone.
"Yeah..... okay..... I hang up now" pagkababa ng cellphone ni Sir ay pumunta siya sa gawi namin.
"Daddy, can we buy them?" Inulit niya ang tanong sa ama.
"Baby this fishes is not for sale"
"Tama si Daddy, baby kasi pagmamay-ari sila ng Ocean Adventure saka di basta basta bumili niyan kailangan mo pang magpaalam sa department of fisheries and aquatic resources para payagan kang mag-alaga ng mga ganyan" paliwanag ko. Sinabi ko lang naman para di na magkukulit sa ama kapag nagkakataon ay alam kong susundin nito ang kagustuhan ng anak. Syempre sabi ni Mam Lessandra lahat ng pagkakataon ay kailangan ko rin kumontra para di lumaking spoiled brat ang bata.
Eh eto naman ang ama ay todo bigay naku kung di ko lang siya crush binigwasan ko na siya.
'Syempre kailangan kong magbehave para di na siya nagsusungit sa akin'
"Your Mimi is right, baby"
"But---" pinutol ko ang sasabihin ng bata.
"Baby tara na may palabas sila roon" inaya ko na ang bata at sumunod naman ang ama sa amin.
"Wow! It's so nice" pinapanood namin ngayon ang mga sea lion kung tawagin sa tagalog ay dugong na nagperform kasama ang mga trainor nito. Nang nakalipas ng sandali ay may lumapit sa amin na isang staff ng Ocean Adventure.
"Baby, tinatawag ka oh" tumayo naman ang bata at sumunod kami ni Sir Levis. Syempre dala dala ko yung tablet ni Levin.
"Baby, hahalikan ka ni sea lion oh" tukso ko sa bata.
"Daddy!" Sinamaan ako ng tingin ni Sir.
"Hehehehe sorry po" nagpiece sign na lang ako.
"Touch it baby" nilapit ni Sir Levis ang kamay ng bata sa sea lion.
"Daddy why is so malagkit yung skin niya" conyong sabi ni Levin.
'ngayon ko lang nalaman na may pagka-conyo pala ito'
"Baby its normal" paliwanag ng ama.
"Ikaw naman po Mam" napatingin ako kay Sir pati na rin kay kuya. Napahawak ako sa dibdib.
"Kuya seryoso ka?" Tumango naman ito.
'Jusko lord wag naman po sana kiss baka di na si Sir Levis yung first kiss ko sa lips'
"Hello!" Bati ko pero nagulat ako ng tumayo ito at napayakap sa akin.
"Sir tulong mabigat po siya" napatawa na lang siya.
'sige sir tumawa pa kayo'
"Huhuhu! Kuya please ang bigat niya duper" naiiyak kong sabi. Pero di inaasahan ay hinalikan ako ng dugong sa......... pisngi.
"Sir!!" Naiiyak kong sigaw. Tumawa pa ito ng malakas
"Ok na po Mam" niyakap na ni kuya ang dugong at dali dali akong umalis sa pwesto na yun. Sinamaan ko ng tingin ang taong naglagay sa aking pwesto.
"You look nice in the pic huh" nanlaki ang mata ko at kinuha yung tablet ni Levin nang nakita ko ang pic ay parang gusto kong sumabog sa inis at hiya.
"Let's go baby we are going to watch dolphin show" kinuha na ni Sir Levis ang tablet ng bata.
"Sir Levis!!" Inis kong sigaw at padabog akong sumunod sa kanya.
Nandito pa rin kami sa dolphin show kung saan nagpapakita ng tricks ang mga dolphin sa mismong dagat.
"Wow! daddy it's cool" namangha ang batang bulinggit.
"It so cute daddy" may lumapit sa amin na isang staff kasama ang isang dolphin.
"Baby gusto mo bang pakainin ng isda yung dolphin?" Tanong ko. Tumango naman ito di na namin nagawa sa dugong dahil sa bwisit ko sa amo ko.
"Oh there baby" binigay ni Sir Levin ang isda sa bata.
"Careful baby" dahan-dahan inabot ang isda sa dolphin.
"Wow she's like it" tuwang tuwa na sabi nito. Babae ang dolphin sinabi ni Kuya na isa sa mga trainor ng dolphin bukod pa sa staff na nandito. Pero may bigla akong naalala.
"Sir kayo naman po magpahalik sa dolphin" diretso kong sabi.
"What? No way!"
"Baby ayaw ni daddy oh" paawa effect ko kay Levin.
'it's revenge time!'
"Daddy please!" Nagpuppy eyes ang bata sa ama.
"Fine" wala nang magawa si Sir kung di sumunod sa gusto namin ng anak niya.
"Wag po kayong mag-alala Sir di naman po nangangagat ito" pagpapagaan ng loob ni Kuya. Yumuko na si Sir Levis at isang smack kiss sa pisngi lang ang nangyari.
"Ok good now" nagthumbs up na lang kami. Pero di niya alam ay palihim ko itong kinuhanan ng picture sa cellphone ko.
"Daddy where going home now?" Ang tinutukoy ng bata sa hotel.
"Yes baby may dinner meeting kasi ang buong cast kaya magpapadala na lang ako ng food. Doon ka muna kay Zoey ah" paliwanag naman ng ama at tumango naman ang bata
"Zoey papuntahin ko si Kuya June para maihatid yung bibilhin kong pagkain galing restaurant" tumango na lang ako.
"Are you mad at me?" Umiling ako.
'dahil nakaganti na ako sa inyo hehehehe'
"Sige po Sir pasok na po kami baka may makakita pa po sa atin dito" binuksan ko na ang pintuan.
"Bye po daddy see you later po" tumango naman ang ama at tuluyan na kaming pumasok.
"Baby change clothes muna tayo" kinuha ko ang toot bag niya at kinuha yung mga damit nitong pambahay.
"Nasan kaya remote dito" hinahanap ko ang remote ng flat screen para makapanood kami ng TV.
"We're watching TV mimi?" Tumango ako.
"Nakakainip kasi baby eh di ko alam password ng wifi ng hotel dito at isa pa nakalimutan ko rin magpaload ng pang-internet saka sabi naman ng daddy mo pwede naman tayo manood ng TV eh" paliwanag ko.
Umupo na kami sa sofa at nanonood kami ng adventure time sa cartoon network pero di na kaya ng talukap ng mata ko kaya nakatulog na ako sa tabi ni Levin.