Meet Hance
"Miss are you okay?" Nakatulala ako sa kanya.
"I know pogi ako pero stop daydream of me nakakahiya sa mga tao dahil nakaharang tayo" lumingon ako sa likod nito na may mga tao pala doon.
'Shemss! Nakakahiya!'
"Sorry po kuya" tumawa na lang ito gumilid muna ako.
"So, are you okay?" biglang tanong niya.
"Ako nga po magtatanong niyan eh kasi po nabunggo ko po kayo" pagsimangot ko.
"I'm okay masyado lang ata mabigat yan laman ng cart mo" napa-hehehe na lang ako.
"Oh, by the way saan section ka pupunta?" biglaang tanong niya.
"Eh sa mga gulay at prutas po" sagot ko. Tumango naman siya.
"Eh kayo po saan po punta niyo?" biglaang tanong ko.
"Hmm... in the meat section" tumango ako
'Kaya pala kamuntikan ko na siyang mabangga dito pala punta niya'
"Sige po mauuna po ako" nagpaalam na ako at pumunta na sa fruits and vegetable section.
Pagkatapos kong kuhanin ang lahat ng nasa listahan ay pumunta na ako sa counter upang magbayad na.
"Ay oo nga pala wala na pala ako napkin" pumunta muna ako sa diaper section kung saan nakalagay ang mga diaper at sanitary napkin.
"Ay! maliit lang?" hinanap ko ang staff ng grocery.
"Miss, wala po kayong Charmee yung malaki po?" tanong ko. Hinanap naman ni Ate ang pinahahanap ko.
"Ay! Mam out of stock na po bali next week pa po dating ng mga ibang napkin" Tumango na lang ako.
"Eh wala po bang available na all night na napkin?' tanong ko.
"Meron po"
"Meron po kaming Kotex napkin at Modes po na pag-all night po" napatango na lang ako.
"Okay po miss salamat po" umalis na yung staff at tiningnan ko ang mga presyo ng mga napkin.
"Grabe! saan kaya gawa ito? napakamahal!" reklamo ko dahil sa presyo ng Kotex na napkin. Tiningnan ko yung Modes na napkin.
"Pshh! Kahit sister all night na lang sana" kinuha ko na yung Modes na napkin kahit napipilitan ako dahil sa presyo. Meron naman ditong all night na whisper pero sa tuwing nakikita ko ito ay napapangiwi na lang ako dahil sa itsura nitong mala-maggots.
Meron naman na carefree dito kaya lang masyadong madikit. Maganda nga ito dahil mapakat at di basta basta natatanggal pero malikot ako matulog kung gagamitin ko ito ay madidikit yung pubic hair ko at kapag tinanggal ko ito ay mapapaphiyaw ako sa sakit dahil masasama ang pubic hair ko.
Pinailalim ko ang kinuha kong Modes na napkin para di makita ng mga tao.
'Dati-dati lantaran kong pinapakita yung mga napkin kasi paninda namin'
"Magbabayad ka na?" napakunot noo ako dahil familiar ang boses nito lumingon ako.
'Kyahhh! Si Mr. Pogi!'
"Hehehe opo anong oras na po kasi eh magluluto pa po ako sa bahay" paliwanag ko.
"Oh your next' umabante na ako at nagsimula na ilagay ang mga pinamili ko. Tinulungan ako ni Ate sa paglagay ng mga pinamili ko para maipunch.
"Miss, kasama ba yung Modes dito" bigla akong namula dahil sa diretsong sabi nung nasa counter.
"A-ah..... E-eh yes po" tumango tango na lang ako
'Putagres! nakakahiya!'
"You have a period?" namula ako sa biglaang tanong nito.
'Ba't tinanong pa kase eh!!'
"Oww! sorry dapat di ko pala tinanong yan lalo na in public" napakamot siya sa ulo at ako naman ay hiyang hiya pa rin ngayon
"Ay hindi, ready lang nakakahiya kasi kung magpapabili pa ako if ever may red flag ako" nagsabi na lang ako ng maganda says sa regla para di akward sa paligid.
"Okay"
"15,727 po Mam" nanlaki ang mata ko dahil sa total ng pinamili ko.
'Shemms! ano yung pinamili ko ginto sa mahal ng bilihin!'
"Oww.... di na ako magugulat sa mahal ba ng meat dito" biglang nagsalita ang kasunod ko. Tiningnan ko ang mga presyo ng karne.
'Kaya naman pala, 870 ang kilo ng pork chop, 950 yung liempo edi bali tig-3 kilo ito, tapos yung manok naman 650 yung isang buo, kung puro dibdib at hita kukunin ko nasa 800 ito kada isang kilo aabutin talaga ng libo itong pinamili ko plus gamit pa sa pagluluto at meryenda'
'Hayss! sa palengke na sana ako bumili ng karne mura-mura pa'
"Hehehehe eto na po bayad"
"I received 16,000 po and this is your change po" kinuha ko ang 373 na sukli.
"Are you okay?" tumango ako
"Sa buong buhay ko ngayon lang ako naenkwentrong ganitong kalaki yung babayaran sa grocery." tumawa na lang siya.
"Yeah.. kaya nga sina Manang sa palengke sila namimili ng mga ibang karne" paliwanag niya.
"Kung sa palengke namimili sila eh bakit pumunta ka sa meat section?' takang tanong ko.
"Well I bought this beef meat" tiningnan ko ang dala niya. May karne sa tingin ko ito ang sinasabi niya, tapos nestle cream.
"Magluluto ka ng beef steak noh?"
"Yes, how did you know?" tinuro ko ang nestle cream
"Ahh okay"
"Mam ito na po yung mga pinamili niyo. Thank you for choosing us" tumango na lang ako.
"Asan ba yung napkin ko?" hinahanap ko yung napkin ko na Modes at ilalagay ko sa bag ko nakakahiya kasi kapag nakita ito ni Manang kapag nagligpit ito ng mga pinamili ko.
"May hinahanap ka?" lumingon ako at mukhang napunch na yung pinamili niya.
"E-eh oo hinahanp ko yung binili kong napkin" may binuklat siya at kinuha niya ito.
"Ito ba?" nanlaki ang mata ko na nakita niya ito sa ibabaw lang ng paper bag. Bigla ko itong kinuha at nilagay na sa bag ko.
"Sorry ah akward kasi eh" bigla ko na lang sabi.
"Oo nga pala, ilang beses na tayo nakakasalubong di ko pa rin alam ang pangalan mo"
"Oo nga noh, I'm Zoey Gaile Lacoste just call me Zoey" pakilala ko.
"Can I call you Gaile it's okay with you?" tumango ako.
"I'm Hance Joseph Wattson Andrews" pakilala niya sa akin
'Wattson?'
"Well Levis is my cousin in side of my mother" mukhang nabasa niya ang isip ko.
"So you are working under him" tumango ako iniintay ko si Mang Berting dahil nagpakarga muna ito ng diesel sa sasakyan.
"Halos dalawang buwan na rin ako nagtatrabaho sa kanya"
"How's your life there?" 'parang balak ata ako paduguin yung ilong ko ah'
"Okay naman naninibago sa umpisa kasi maikli kasi pasensya ko sa bata eh pero nung pinanganak ni Mama yung bunso namin medyo bumawas-bawas yung paging masungit ko pagdating sa bata kaya lang di mawala-wala yung pagiging mainitin ang ulo ko" medyo napatawa pa ako sa paliwanag ko.
"So, nung nag-start ka na magtrabaho sa kanya humaba ang pasensya mo?" tumango ako.
"Kaya lang po si Sir Levis naman po nagsusungit" reklamo ko. Tumawa siya
"Yeah... simula nung namatay si Hannah naging ganyan na siya bihira lang siya ngumiti kapag nasa camera pero kapag off cam ni ngiti ay di mo makikita sa kanya."
"Mahal na mahal niya po si Mam Hannah noh?"
"Oo sobra......." tiningnan ko siya na parang namumuo ang mga luha niya sa kanyang mata.
"Zoey"
"Mang Berting medyo natagalan po ata pagpapagasolina ninyo ah"
"Pasensya na iha ang dami kasing tao eh mukhang may pa-christmas promo yung gasolina" paghingi nito ng paumanhin.
'Wala pang december may pa-christmas promo na agad'
"Eto na po yung pinamili ko" tinuro ko yung limang cart buti na lang nakayanan ko pang bitbitin ang mga ito at sa tulong din naman ni Kuya Hance. Syempre kuya dahil malaki ang agwat niya sa akin at may respeto pa rin ako sa nakakatanda sa akin pwera lang kay Levis dahil labdilabs ko iyon eh.
"I can help you" tinulungan niya ako ilagay ang mga paper bag sa likod ng sasakyan.
"Salamat Kuya Hance" napawi ang ngiti nito dahil sa tawag ko sa kanya..
"Drop "kuya" you can call me Hance" tumango na lang ako pinaandar na ni Mang Berting ang sasakyan.
"Sige babye" inangat na ni Mang Berting ang salamin ng bintana ng kotse.
"Iha mukhang nagkakilala kayo ni Hance ah?" napatingin ako kay Mang Berting
"Opo eh sa di ko po inaasahan ay nabangga ko po siya papuntang fruits and vegetable section po"
"Ganun ba alam mo ba na magpinsan sila ni Sir Levis?' tumango ako
"Nagpakilala po siya sa akin eh" di na lang nagsalita si Mang Berting at tinuon na ang tingin nito sa labas.
"Manang grabe naman yung total amount ng pinamili ko halos one year na stock na yun" reklamo ko.
"Ganun talaga kung mamili si Levis"
"Eh manang pwede po ba sa susunod sa palengke na lang tayo mamili ng karne, ang mamahal po kasi eh biruin niyo po baboy at manok pa lang nasa 650-950 ang presyo tapos tatlong kilo pa" reklamo ko pa.
"Iha alam mo naman yan si Levis ayaw na ayaw magkasakit yan si Levin" paliwanag pa niya.
"Di po dapat masyado sanayin ang isang bata di po sa nakikialam ako mahirap po kasi kapag halos sobra na yung alaga sa isang bata nagiging suwail paglaki or spoiled" paliwanag ko. Ganito kasi ang nangyari sa kapatid ko na sumunod sa akin.
"May time din napapagsabihan din namin si Levis pero di na lang siya umiimik" napatahimik pa ako.
"Buti na lang po si Hance di mapili pagdating sa mga pagkain kahit yung iba ay binili lang sa palengke"
"Magkakilala kayo ni Hance?" tumnago ako
"Nabangga ko po siya sa may supermarket po eh" paliwanag ko
"Ay! Gulo ito" napakunot noo ako sa sinabi ni Manang.
"Gulo?"
"Ay naku, tulungan mo na lang ako ayusin yung mga pinamili mo" bigla punta ni Manang sa kusina.
***
"Couz pogi ba?"
"Oo nakalaglag panti nga eh" nagvideo call kami ni Tasha at kinuwento ko sa kanya ang nangyari kanina.
"Tangina! di ka pa bumili nang isang sakong napkin pangtapal dyan sa p********e mo!" napangiwi ako sa sinabi nito.
"Gaga! baka marinig ka ni Tita dyan" napatakip na lamang siya ng bibig.
"Ikaw naman kasi bakit mo pa magawang isingit yan napkin mo sa pinamili mo eh paano yan kapag nakita pa ni Manang or ng boss mo" bigla akong namula sa huli sinabi nito.
'magpapakain na lang ako sa lupa kung sakaling makita niya yun'
"Pshh! Malay mo hindi makikita dun sa resibo. Ibawas na lang niya sa sahod ko total naman di aabot sa 1k yung napkin" paliwanag ko
"Uy! Alam mo ba nung kinausap ko siya tungkol dun sa Mommy ni Levin parang biglang lungkot yung mata niya" bigla kong naalala yung nangyari kanina sa labas ng supermarket.
"Talaga, di kaya...." nanlaki ang mga mata namin dahil sa naisip namin.
"May gusto si Hance kay Ms. Hannah" sabay naming sabi.
"Pero insan may sinabi si Manang eh?" biglang tanong ko.
"Ano yun?"
"Binanggit ko sa kanya tungkol dun sa bungguan encounter namin ni Hance alam mo ba kung ano yung sinabi niya?"
"Anong sabi?"
"Gulo daw?"
"Insan hindi kaya may hidwaan yung dalawa?" napaisip ako sa tanong niya.
"Feeling ko lang ah"
"Natasha! may bumibili!" tumayo na si Tasha.
"Mag-usap na lang tayo next time at kwentuhan mo ako about sa nangyayari dyan even Hance bye" pinatay na niya ang tawag. Nakatulala pa rin ako dahil di nag-sink in ang sinabi ni Tasha.
Hinahanap ko ang number ni Karen pero bigla ko pala naalala na di ito nagsasalita patungkol sa mga Wattson.
'Hmm! hindi naman ata mauulit yung encounter namin eh'
"Manang, where's the receipt and magkano yung natira" biglaang tanong ni Sir Levis.
'Nanghihingi pa rin pala ng sukli yung mga mayayaman'
Kagabi lamang sila dumating, pagdating kasi nila ay nakatulog na ang mag-ama sa sobrang pagod. Tuwang tuwa naman ang bata pagkagising dahil marami daw siyang napanalunan nung birthday ng pinsan nito. Kinuwentuhan pa ako tungkol sa nangyari sa birthday party.
"And then Tito Hance came ate Lizelle's birthday" nandito kami sa sala habang sina Manang at Sir Levis ay nasa kusina.
"Talaga" tumango naman siya
"Anong nangyari?"
Akmang sasabat na si Levin nang lumapit sa akin si Manang.
"Iha, ikaw ba yung bumili nito?" pinakita sa akin ni Manang yung resibo bigla akong namula nang makita ko ito.
'Shemayy!!'
"Zoey okay ka lang?" tumango ako.
"M-manang.... e-eh s-sorry po baka po kasi biglang dumating yung red flag mahirap na po malayo po yung store dito tapos di ko naman po pwedeng iwanan yung bata" kinakabahan kong paliwanag.
"So.... you're the one who buy this" pinakita ni Sir Levis ang isang pack ng Modes na napkin.
'Tangina! bakit di ko agad pinasok kagabi' tinanggal ko muna ito sa bag ko upang ibigay kay Manang yung sukli kaya lang di ko na ilagay sa bag ko.
"Eh sorry po Sir di ko po kasi expect na ubos na yung napkin ko" paliwanag ko.
"Saka Sir wag po kayong mag-alala babayaran ko na lang po or kaltasan niyo na lang sa sahod ko"
"No, you don't need pay this I forgot na may kasama pala tayong dinadatnan ng dalaw" bigla akong namula sa sinabi nito.
'Di ba siya na-akward sa sinabi niya?'
"Eh kaya po nakalimutan niyo kasi may menopause po tayong kasama" biglang tumawa si Sir.
'Shet! ang pogi niyang tumawa' napahawa na rin ako sa pagtawa niya.
"Ako ba yung pinag-uusapan niyo?" bigla po kaming napatahimik.
"Bakit po may kasama po ba tayong matanda dito?" napaawang ang labi ko dahil sa prangkang tanong ni Sir Levis.
"Ikaw talagang bata ka!" napatakbo na lang si Sir Levis papunta sa gawi namin.
"Sir yung napkin ko baka malamog wala na po ako mapapakinabang dyan!"
"Mimi what's napkin po?" nanlaki ang mata ko sa biglang tanong ng bata.
"Pati bata nadadamay sa kalokohan mo" napangiti lang ako ng palihim. Tumawa na lang siya pero ang bata walang tigil kakatanong sa daddy nito.
"Baby, every red flag nila ginagamit nila yun" napatango na lang ang bata.
"Jusko! paano napunta sa akin ang usapan" napahilamos na lang si Manang. Mukhang na-high blood kay Sir Levis.
'Sana lagi kong nakikita ang mga ngiti at tawa mo dahil doon lalo akong nahuhulog sayo'