Chapter 17

3027 Words
Passed Weeks have passed ay kanyang-kanya na kaming balik sa mga trabaho at ganun pa rin naman ang eksena sa bahay. Di pa naman nagbabago si Sir Levis sa pakikitungo niya sa akin na minsan na napansin ni Mam Lessandra pero kumubit balikat na lang ako dahi di ko alam kung ano ang isasagot ko. "Insan, lumabas na daw yung result nung mga nagentrance exam last month" bungad na sabi ni Tasha. "Wala pa yung course ko doon" sabi ko. "Di ka pa ba nagexam sa NEUST?" umiling ako. "Di ko alam kung kailan magemail sa akin yung registrar ng NEUST " sagot ko. "Basta wait mo na lang yung list ng nakapasa sa CLSU" tumango na lang ako. "Sige tumawag lang ako at papunta na dito yung prof namin" tumango ako. Pinatay na ni Tasha ang tawag at ipinagpatuloy ko na ang paglilinis ko sa kusina. Wala ngayon si Sir Levis dahil mayroon silang tour abroad kasama ang ibang artista syempre kasama doon ang kalove team niya na si Mikylla Santos. "Mimi, di pa ba tumatawag si daddy?" Umiling ako. "Baka tulog pa yun daddy mo eh" sabi ko. Pagkakaalam ko kasi ay magkaiba ang oras dito sa Pilipinas at sa ibang bansa. "Okay po" ngumiti ako at umupo sa harap niya. "Tatawag din ang daddy mo mamaya" ngumiti naman siya. "Manang, doon muna kami sa kwarto ni Levin hihiramin ko lang po yung laptop niya" tumango naman ito. "May titingnan lang kasi po ako" banggit ko. "Sige, tatawagin na lang kita kapag kakain na" tumango ako. Pumunta na ako sa room ni Levin. "Mimi why are you borrowing my laptop?" ngumiti lang ako. "May titingnan lang" dahilan ko. Binuhay ko na ito at pumunta ako sa email ko at binuksan pero bumungad sa akin ay isang email mula sa CLSU at NEUST pero una ko munang binuhay ang email ng NEUST. 'Greetings, we informed you that your schedule in the exam is April 29 20xx and please be alert because once we email the link and enter this exam you cannot back it because the exam has timer to answer the question properly. Reminder: No cheating' Yan ang lumabas sa email ko from NEUST. Kailangan ko nga pala pakiusapan si Manang para makapagexam ako kasi may oras pala ito at need ko itong sundin. I open the email from CLSU. 'We want you to congratulations for passing the entrance exam of CLSU and please wait for the announcement in your enrollment. Thank you and welcome in CLSU.' gusto kong sumigaw sa tuwa pero baka makita ako ng bata at tanungin ako kung bakit nagsisigaw ako. "Mimi, why are you happy?" napalingon ako kay Levin. "Eh kasi nandito na yung kpop group na seventeen kaya lang wala naman akong time pumunta at mahal yung tickets" palusot ko. Tumango na lang ito. "Okay na" inoff ko na yung laptop at binaling ko na lang ang paningin ko sa panonood ng cartoons. 'Soon baby malalaman mo rin kung bakit ako masaya ngayon' *** "Talaga ba" tumango ako kinuwento ko kay Manang ang pagkakapasa ko sa CLSU entrance exam. "Aba buti naman nakapasa ka na" tumango ako. "Thank you po" masaya kong tugon. "Sasabihin mo na ba kay Lessandra ito" bigla akong natahimik. "Baka po next week na lang po" sabi ko. "Oh sige di kita pangungunahan pero paalala lang iha hangga't maayos pa ang pakikitungo ni Levis sayo ay sabihin mo na ang totoo para di sila mahirapan mag-adjust kapag wala ka na sa tabi nila" paalala niya. Di ako makaimik dahil di ko rin alam kung paano sasabihin sa kanila. *** "You passed?" Tumango ako kausap ko ngayon si Mam Lessandra. Bumisita ito sa bahay at namimiss niya si Levin. "Mam" "Hmm" tumingin siya sa akin. "Kailan niyo po ba balak ipaalam sa mag-ama ang tungkol sa pag-alis ko po?" Bigla siyang nanahimik. "Nahihirapan akong humanap ng tyempo iha di ko alam kung paano sasabihin sa kanila ito at busy pa si Levis" huminga na lang ako ng malalim. "Sorry po Mam kung medyo kinukulit ko po kayo nakokosensya po ako eh lalo na sa bata" sabi ko. "It's okay iha ako naman ang may kagustuhan na huwag munang sabihin sa mag-ama eh" ngumiti na lang ako ng matipid. "Lola, daddy is calling po" kinuha ni Mam Lessandra ang cellphone niya mula kay Levin. "Hello Levis" bungad na sagot ni Mam Lessandra. "Okay sasabihan ko na lang si June para masundo ka. Okay take care" binaba na ang cellphone at pinatay na ang tawag. "Daddy is going home now Lola" masayang sabi ni Levin. "Sa April 30 pa baby" ngumiti si Levin at ang cute niya dahil lumalabas ang dimple nito sa pisngi. "Sakto po magluluto po ako ng pochero" "Mukhang mapapalaban na naman sa pagkain ang mag-ama" sumulpot bigla si Manang Sally sa likod namin. "Why Manang? Malakas ba kumain yung mag-ama kapag si Zoey ang nagluluto ng mga ulam" tumango naman si Manang at ako ay biglang nahiya. "Kaya tingnan mo si Levin medyo tumaba tapos si Levis naman kahit malakas kumain ay di naman tumataba." Napatawa na lang si Mam sa sinabi ni Manang. "Naku kung nandito si Levis baka magmaktol iyon sa pang-aasar niyo po" tumawa kami. "Kumain na tayo at luto na yung tanghalian" tumayo na kami at sumunod na kay Manang. *** "Nakapag-exam ka na?" tumango ako. "Oo kanina lang nakiusap kasi ako kay Mam Lessandra na ngayon kasi yung exam at may oras yun kaya siya muna ang nagbantay sa bata." Sabi ko. "Ayy!! Girl napanood mo ba yung interview nina Levis at Mikylla?" tumango ako. "Anong reaction mo?" Tinaasan ko ito ng kilay. "Ano naman ireact ko?" Tanong ko. "Hurt?" Inirapan ko siya. "Expect ko naman na yun eh" sagot ko. "Kamusta yung friend mo?" Iniba ko ang topic dahil mahirap mahot seat sa isang chismosang pinsan ko. "Eto, excuse muna dahil namatay yung lolo niya sa side ng mother niya. Umuwi muna ng Cagayan De Oro sa lunes pa balik niya." Kwento ni Tasha. Si Mellisa ang tinutukoy ko. "Wait, di ba malapit na yung vacation mo?" Tanong ko. "Oo after ng exam at asikasuhin ko muna yung scholarship ko baka mayari ako ni Mama kapag nawala yun" napatawa na lang ako. "Di na ba nangungulit si Timothy sa kanya?" Umiling ito. "Simula kasi nung napagsabihan ni Sir Luigi si Timothy ay di na kinukulit si Mellisa" kwento niya. "Mabuti naman kung ganun" napalumbaba ako. "Kailan daw yung labas ng results ng exam?" kumibit balikat ako na di ko alam. "Baka raw June ganun" tipid kong sagot. "Eh ano bang pipiliin mong school?" Tanong niya. "CLSU kasi maganda yung quality of education nila kaya nga lang mayroon silang standard na hinahanap. Base lang dun sa sinabi ng pinagtatanungan ko" Paliwanag ko. "Hmm pwede rin, ang pagkakaalam ko mayroon silang mga organization dun kaya pwede kang sumali at saka feeling ko mapipili ka nila dahil na rin sa mga background mo kung makikita nila yung mga requirements mo" sabi niya. "Kaya lang magugulat yung iba na yung dating SSG President ng junior at senior high ay nasa public school nag-aaral" dugtong pa niya. "At least may quality education sila noh" angil ko. "Tama ka naman" bigla itong tumayo. "Mamaya na lang ako tatawag, tumatawag si Sam eh" tumango na lang ako at pinatay ko na ang tawag. Pumunta ako sa may bintana at binuksan ko ito. Tumingala ako sa kalangitan at nakita ko ang kumikinang ng mga bituin, pumikit ako at huminga ng malalim. 'Sana ay maayos ko na ang problema ko' Kinaumagahan, ay naghahanda na ako sa lulutuin kong pochero. Ngayong umaga raw ang dating ni Sir Levis at pagod na pagod ito pagkadating niya galing abroad. "Daddy!!" Sumilip ako saglit at mukhang dumating na si Sir Levis at sina Kuya June at Manang ang nagpasok ng mga gamit ni Sir sa loob. "How's Italy iho?" Umupo si Sir sa sofa at lumapit ang anak niya sa kanya. "So exhausting Mom" tumingala ito at pumikit. "You should rest na iho para may lakas ka kapag magbonding kayo ni Levin" pero di ito tumayo at tila may inaamoy. "Ay! Yung niluluto ko nga pala" dali-dali akong pumunta sa kusina at hinahalo ang pochero. Tinikman ko muna ito baka umalat ito at sinalang ko na ang mga gulay. "Hmm... Nakakagutom" lumingon ako sa likod ko at si Sir Levis ito. "Patapos na po ito sinalang ko lang po yung mga gulay" sabi ko. "How's your day here?" Napakunok ako ng maigi. "Ahmm naglalaro lang po kami ni Levin yun lang po" sagot ko. "Okay, just call us kapag tapos ka nang magluto" tumango ako. Napahawak ako sa dibdib ko at uminom ng tubig. 'Grabe naman kasi si Sir Levis balak niya ata ako atakihin sa puso eh' *** "Hmm. Yummy Mimi" ngumiti ako at ginulo ang buhok niya. "Namiss ko ang luto mo iha" ngumiti rin ako. Pero bigla itong tumingin kay Sir Levis "Iho, pangdalawa mo na yan ah" biglang napatigil si Sir Levis sa pagsubo. "Tell me, kumakain ka ba ng maayos dun?" Tanong ni Mam Lessandra. "Yes mom" sagot niya. "Eh bakit tumatakaw ka ngayon?" Tumaas ang kilay ni Mam at ako ay napakagat na lang sa daliri. "Di ba kinuwento ko sayo ay kapag si Zoey ang nagluluto yung isang kaserola ng rice cooker ay ubos dun sa mag-ama. Buti nga di sila tabain eh bumibigat nga lang" kwento ni Manang. Napatingin sa akin si Mam Lessandra. "Ikaw rin kaya Mom, pangatlo mo nang kuha ng kanin" tumawa na lang kami ng mahina ni Manang Sally. "Tss!! Namiss ko lang magluto si Zoey kaya naparami ako ng kanin" dahilan ni Mam Lessandra. "Pinagtimpla ko po kayo ng pineapple juice para po iwas high blood at bumaba po yung kinain niyo" saad ko. "How do you know about this?" Napakamot ako sa ulo. "May pinsan po ako na nag-aaral ng nursing nirecommend lang po sa akin yan" tumawag muli si Tasha kagabi at pinapatanong raw na kung nakapag-apply na raw ba ako for first year college at siya daw ang sumagot dahil siya ang pinatanong ko kung open na sila for admission. Nakuwento ko rin na balak kong magluto ng pochero at sinabi niya na magtimpla ako ng pineapple juice para bumaba ang kanilang kinain at iwas na rin sa highblood. "Ganun ba by the way thank you iha" ngumiti ako. "Welcome po mam" *** "Ano sinunod mo ba yung sinabi ko sayo?" Tumango ako. Wala yung mag-ama at si Mam Lessandra pumunta sila sa SM Calamba kaya andito ako sa bahay. Pinilit nga ako ng mag-ama na sumama pero sinabi ko na tutulungan ko pa si Manang na mag-ayos ng higaan nila kaya di na nila ako pinilit. "Kamusta naman yung luto mo? Nasarapan ba sila?" tinaasan ko ito ng kilay. Kavideo call ko ngayon ang pinsan ko at himala ay free ito at nakahilata lang sa higaan. "Well, nagustuhan nila tapos nakailan hapit sila ng kanin. Halos maubos na nga yung laman ng rice cooker namin eh." Pagmamayabang ko. "Edi ikaw na ang magaling magluto" sumimangot ito. Medyo matabang magluto si Tasha di katulad ko. May balak sana ako kumuha ng 2 years course na HTM kaya lang baka di ako tanggapin sa trabaho at saka nasa Pilipinas pa si Papa ng mga panahon na yun. Wala na sana akong balak na pumasok sa senior high pero sabi ni Tasha ay di daw ako makakapasok agad sa kolehiyo kahit magexam daw ako kapag di daw ako senior high completer. "Magpraktis ka kayang magluto ng mga simple lang tapos manood ka sa youtube" sabi ko. "Couz sanay ako magluto kaya lang sa pagtimpla lang ang hindi" defend pa niya. "Edi panoorin mo din kung paano makukuha yung tamang timpla ng pagkain ganun" paliwanag ko. "Oo na kapag bakasyon na namin" sagot niya. "Couz" "Oh" "Sa tingin mo ba may gusto na sayo si Levis?" Nanlaki ang mga mata ko sa tanong ni Tasha. "Bakit ganyan yung tanong mo?" Tanong ko pa. "Eh madalas ka na kasi nagkukwento tungkol sa kanya. Yung bawat kinikilos at pinapakita niya sayo. Sa tingin ko kasi ganun eh lalo na kapag kinakausap mo si Hance kulang na lang ay sumabog siya na parang bulkan sa galit." Paliwanag niya. "Di ko alam kung paano ko maexplain basta ako maayos yung pakikitungo niya sa akin na kahit minsan ang weird na niya" paliwanag ko. "Kung ako sayo Zoey try to avoiding him para di ka umasa at masaktan" napabuntong hininga ako. "Alam mo nagtataka ako sayo kung bakit ngayon mo lang natanong at nasabi sa akin yan eh matagal ko na sinasabi yung nangyayari dito sa bahay noh" "Teh, kaya di ko natanong at nasabi sayo yan is I need to observe malay mo ganun lang talaga ang pakikitungo ng mga Wattson sa mga kasambahay nila pero napansin ko parang hindi na" paliwanag niya. "Iha, andito na sina Lessandra at Levis hinahanap ka na nila" tawag ni Manang mula sa pinto ng kwarto ko. "Sige po" "Tasha sa gabi na lang tayo ulit mag-uusap" tumango ito at pinatay ang tawag. Tumayo na ako at lumabas ng kwarto. "Mimi!" Tumakbo si Levin papunta sa akin. "Daddy bought something for you" inabot siya sa akin ang isang paper bag at kinuha ko ito. Nanlaki ang mata ko na nakita ko ang isang floral dress na gustong-gusto kong bilhin nung gumala kami ni Levin sa SM last year. "Para sa akin 'to?" Tanong ko. "Yes, inaya kasi ako ni Levin sa apparel clothes and he said na may nagustuhan kang dress dun buti na lang andun pa kaya binili ko na" bigla akongg ngumiti. "Pero Sir mahal po ito?" Sabi ko. "It's just my advance gift for you Zoey" ngumiti na lang ako. "Salamat po Sir" inangat ko yung paper bag at tumango na lang siya. "Manang wag na po kayong magluto ng ulam nagtake out kami kanina for dinner" biglang nagsalita si Mam Lessandra. "Sige kukunin ko muna ito para maihanda ko na" kinuha na ni Manang ang mga dala nilang pagkain at pumunta na sa kusina. Sumunod na rin ako para tulungan si Manang. "Tulungan ko na po kayo" kinuha ko ang isang plastik at sinalin yun sa lalagyan. "Buti na lang naalala ni Levin yung damit na nakita mo sa Apparel Clothing nakaraang taon" ngumiti ako at tiningnan yung paper bag. "Di ko naman po ineexpect na bibilhin ni Sir iyon saka po ang mahal po nun di ko afford" natawa na lang si Manang. "Anong gagawin mo sa damit na binili nila?" Tanong ni Manang. "Itatago ko po muna Manang" sagot ko. *** Kinaumagahan, ay naglilinis ako ng pool nila at ang mag-ama ay nasa kwarto at si Mam Lessandra ay umuwi na dahil pinauuwi na siya ni Sir Valerio at namimiss na raw siya ni Sir. "Iha, tumatawag yung pinsan mo" pumunta si Manang sa swimming pool at pinunas ko ang mga kamay ko saka ko sinagot ang tawag. "Bakit?" Bungad na tanong ko. "Lumabas na yung resulta ng entrance exam, pumasa ka Zoey" nanlaki ang mga mata ko. "Totoo!" masaya kong sabi. "Oo! Sa wakas nakapasa ka na rin sa exam kahit di mo sila pinili na mag-aaral sa school nila" pumunta ako kay Manang na nasa kusina. "Manang" huminto sa ginagawa si Manang. "Bakit iha" bigla akong umiyak. "Nakapasa po ako sa entrance exam" sumilay ang ngiti ni Manang at niyakap niya ako ng mahigpit. "Natutuwa ako na nakapasa ka iha" tumango ako. Biglang may tumawag sa cellphone ko at si Karen yun. "Karen" "Congratulations Zoey!" Napaluha ako. "Thank you!!" pasasalamat ko. "Sayang wala ka rito balak ka namin ipaghanda para sa pagpasa mo sa dalawang university" ngumiti ako. "Sana all nakapasa" inggit na sabi ni Karen. "Tanggapin mo na kasi yung alok ni Sir Hance" singit ni Keith. "Hmm! Ikaw na lang kaya ko pag-aralin ang sarili ko noh" tumawa ang mga kasama nila sa kabilang linya. "Naku tumigil nga kayong dalawa" pag-awat ni Manang Indang. Tumawa na lang kami ni Manang. "Karen mamaya na lang ah baka kasi pumunta bigla yung mag-ama eh maglilinis pa ako ng pool. "Sige bye congratulations ulit" binaba ko na ang cellphone ko at pinatong muna sa loob ng cabinet at lumabas muli para ipagpatuloy ang ginagawa ko. Naghahanda kami ni Manang nang may nagdoor bell. "Manang may tao po ata?" Sabi ko. "Sige titingnan ko muna kung sino" lumabas si Manang at nakita ko na bumaba ang mag-ama. "May bisita ba?" Kumibit balikat ako na sinasabi ko na di ko alam. "Levis, si Lexie nandito" nakita namin si Mam Lexie na seryoso ang mukha. "Kuya you are trending in social media" nagulat ako pati na rin si Manang. "What? Are you serious?" may pinakita si Mam Lexie sa cellphone nito. Naging seryoso ang mukha nito di ko alam kung ano ang nangyayari at bigla na lang may tumawag sa cellphone ko. "Wait lang po ah sasagutin ko lang po yung tawag" pumunta muna ako sa likod at lumabas papuntang pool. "Tasha bakit ka ba tumawag kumakain na sila." "Zoey ikaw ba yung nasa litrato?" Kumunot ang noo ko. "Anong litrato?" Takang tanong ko. "Isesend ko sayo" biglang nagpop-up ang messenger ko at binuksan ang chat ni Tasha. Nanlaki ang mata ko na litrato ito yung nasa El Nido, Palawan kami at eto yung time na hinawakan niya yung kamay ko pabalik ng hotel. "Zoey!" Napitlag ako sa sigaw niya sa kabilang linya. "Tell me ikaw ba yung nasa litrato?" Napapikit ako at bumuntong hininga. "Oo ako yung nasa litrato pero kami lang ang tao doon" paliwanag ko. "Paano yan?" Tumingin ako sa kanila at tila namomoblema rin. 'Panigurado, susugod sila Mam Lessandra lalo na yung manager niya bukas' "Di ko alam kung paano ko mapapaliwanag ito" sabi ko. "At sana nga ay di nila malaman na ikaw ang kasama at kahawak kamay ni Levis" gusto ko na lang umiyak pero may bigla ako naalala. "Sa tingin ko may nakakita sa amin" sabi ko. "Huh? Anong ibig mong sabihin?" Takang tanong nito "May narinig akong nagclick ng camera nung gabing pabalik na kami sa hotel" paliwanag ko. "Paktay!" Napahilamos ako ng mukha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD