Chapter 18

2514 Words
Trending Picture Bumuntong ako ng hininga habang nakaupo sa sofa. Di ko alam kung paano ko mapapaliwanag ang lahat lalo na sa trending picture. Tumatawag ang mga kaibigan ko sa gc namin kagabi at minemention nila ako. Kahit madilim makikilala pa rin ako dahil sa bracelet ko. Buti na lang hinubad ko ito at tinago sa may maleta ko. Nasa library ang pamilyang Wattson kasama ang manager ni Sir Levis at nag-uusap kung paano ito maayos at kung ano sasabihin sa mga tao lalo na sa mga fans nila ng kalove team na si Mikylla Santos. "Teh, trending kayo ni Sir Levis sa twitter" tumawag si Karen at kasama nito si Keith. "Oo nga pero inaalam pa nila kung sino kasama ni Sir Levis alangan naman umamin ako na ako yung kasama at kahawak kamay niya sa picture." Paliwanag ko. "Nakita kasi namin maigi yung picture na may nakasuot sayong bracelet. Nasan yun?" Tanong ni Karen. "Nasa maleta ko at ayokong ilabas yun malalaman nila na ako yung nasa picture syempre pagdududahan siya ng family niya especially si Mam Lessandra" paliwanag ko. "Eh paano nila malulusutan yun?" Kumibit balikat ako na sinasabi ko na di ko alam. "Antayin na lang natin kung ano napag-usapan nila. Di muna sila uuwi dito bukas baka raw pumunta yung mga media dito at magpumilit na hingin yung pahayag ni Sir Levis" paliwanag ni Karen. 'Parang gusto ko ng umuwi sa Nueva Ecija at mamuhay ng normal.' *** Paglipas ng isang linggo ay di pa rin ayos ang lahat. Di pa rin matapos-tapos ang issue ng trending picture sa twitter. Kinausap ako ni Manang na pag-usapan namin ni Sir Levis kung paano gagawin pero di ko siya sinunod dahil iniiwasan ko si Sir Levis. Sinabi ko kay Manang na gusto ko na umuwi sa amin pero kailangan ko muna kausapin si Mam Lessandra tungkol dito at kailangan na rin malaman ng mag-ama tungkol sa contract at pag-uwi ko sa Nueva Ecija. Nakiusap rin ako kay Tasha na wag munang banggitin kay Mama ang nangyayari rito at deny nito tungkol sa bracelet at sabihin na kahawig ko lamang ito para di ako mapagchismisan lalo na sa kamag-anak at kapitbahay namin. May time kasi ang mga bunganga nun ay umaabot hanggang buong barangay. "Hanggang kailan mo ba iiwasan si Levis?" napatingin ako kay Manang na naghihiwa ng mga rekados sa lulutuin nitong chicken curry. "Di ko po alam" pinagpatuloy ko ang paghuhugas ng mga plato. "Alam ko nahihirapan kang ilihim ang nangyayari pero kailangan niyo talagang mag-usap para matapos na ito. Natatakot ako na baka pati bata ay maapektuhan sa nangyayari" biglang akong nanghina sa huling sinabi ni Manang. 'Ayokong madamay si Levin sa mga nangyayari rito sa bahay' "Manang" nanigas ako sa baritonong boses ni Sir at feeling ko mukhang seryoso ito. "Oh iho bakit?" Di ako lumingon at pinagpatuloy lang ang pagpupunas ko sa tiles ng lababo. "Iwan niyo muna kami ni Zoey pakipuntahan muna si Levin sa sofa. He's watching television right now and don't let him come here." Lumingon na ako at nakita ko si Manang na binaba nito ang kutsilyo saka lumabas ng kusina. Lumunok ako na papalapit na si Sir Levis sa harap ko. Napahawak ako bigla sa may lababo ng nasa harap ko na siya. 'Lord bigyan mo ako ng lakas at tapang para makausap ko siya nang hindi nanghihina' "Sir" tawag ko. "Are you avoiding me?" Umiling ako bigla. "Sir busy lang po ako" palusot ko. Naalala ko ganyan din sinabi ko tapos ganito din yung sinabi kong palusot mukhang di na siya maniniwala na busy ako. "Busy or sadya mo talaga akong iniiwasan. Tell me is this about the trending picture?" Di ako agad nakapagsalita. "Tell me!" "Oo! dahil nahihiya ako wala akong magawa kung paano maaayos ang lahat. Di ko alam kung paano ko mapapaliwanag ang lahat. Alam ko po na nagtataka yung family niyo kung sino kasama niyo" di ko na napigilan ang sarili ko sa sobrang frustration sa nangyari. "Sinabi ko sa kanila na ikaw ang kasama ko nung gabi na yun" nanlaki ang mata ko. "Sir Levis naman bakit niyo naman sinabi sa kanila yun" mangiyak-iyak kong sabi. "Dahil pipilitin nila ako na sabihin kung sino kasama ko nung gabing iyon kaya I have no choice to spill it" tumalikod ako at bumuntong ng hininga. "Ano pong reaction ng pamilya niyo?" kaba kong tanong. "I explain na nagkataon na nakita ng camera man na nakahawak ang kamay ko sayo dahil nilalamig ka kaya sakto na kinuhan nila tayo ng picture" explain niya. Napahinga na ako ng maluwag. "You don't have to worry may naisip na silang paraan" bigla ko naalala yung bracelet "Paano po yung bracelet? Nakita nila yung bracelet na suot ko nung nasa Palawan tayo" nag-alala kong tanong. "Magkaparehas kayo ni Lexie ng bracelet" biglang kumunot ang noo ko. "Kasama ko siya for interview at paniniwalaan namin na si Lexie ang kasama ko nung gabi na magkasama tayo sa El Nido susuutin niya rin yung bracelet para di manghinala ang mga media lalo yung mga tao" paliwanag pa niya. "Eh paano kung tanungin ako ng pamilya mo?" "Wag ka ngang mag-alala naipaliwanag ko naman sa kanila eh" sabi pa niya. Siningkitan ko ito ng mata. "You know kapag ganyan yung facial reaction mo nagmumukha kang chinese" biro pa niya. Nasa seryosong usapan na nga kami nagawa pa niyang magbiro. "Kailan niyo po isasagawa yung press conference?" Tanong ko. "Saturday" sabi niya. "You don't have to worry di naman nila alam kung saan talaga ako nakatira at isa pa di ko muna kayo papuntahin sa bahay lalo na't alam ng mga media ang bahay namin dahil na rin sa mga vlogs na lumalabas sa socia media" dugtong pa niya. Mukhang nabasa niya ata yung isip ko na baka pumunta yung mga taga-media dito naalala ko nga pala di pala nila alam yung talagang bahay ni Sir Levis. Masyado na ata ako stress sa nangyayari kaya medyo lugaw na yung utak ko. *** "Anong balita?" Biglang tumawag si Tasha sa akin at hiniram ko muna yung laptop ni Levin dahil ginagamit nito ang IPad nito. Gustong maglaro daw ng online games na nakikita niya sa youtube pero pinagbawalan ko ito dahil parehas kami malalagot sa daddy niya. Mainit pa naman yung ulo nun kahapon pa dahil na rin sa chismis na ikinukumpara na naman siya sa pinsan niya na si Hance. "Ayun kaya ako nandito sa kwarto ni Manang dahil panonoorin namin yung interview ni Sir Levis kasama yung kapatid niya" sabi ko. "Naguumpisa na ba iha?" Umiling ako. "Sige tawagin mo na lamang ako kapag nag-umpisa na pupuntahan ko muna yung alaga mo baka kung ano na gawin nun" tumango ako at itinuon ang atensyon ko sa laptop. "Mamaya na lang ako tatawag sayo panonoorin ko muna yung press conference ni Levis." Sabi niya. "Wala ka bang klase?" Tanong ko. "Wala na pauwi na rin ako sa Cabiao bukas" sabi pa niya. "Eh yung friend mo?" bigla kong tanong. "Nasa Llanera na kakauwi lang kanina sinundo kasi ng Tito niya eh aalis daw sila uuwi ata ng Cagayan De Oro. Doon daw muna siya para may makasama yung lola niya" sagot niya. "Pero nagkuwento yun sa akin nung umuwi na siya. Nakita daw niya si Timothy buti na lang di siya nakita dahil nasa mall show si Timothy at siya naman ay papunta sa clothing store para bumili ng damit niya" kwento pa niya. "Buti naman akala ko magiging marupok na yung friend mo eh" sabi ko. "Naku may time nga pinagsasabihan namin yan na wag niya ipakita kay Timothy yung emosyon mo yung may awra na eto yung sinayang at iniwan mo sa ere" banat niya. Tumawa na lang ako. "Oh eto na nandito na si Levis mamaya na lang ako tatawag ulit sayo" pinatay na ang tawag ni Tasha at nakatuon na ang atensyon ko sa panonood. "Good afternoon sa inyo lahat lalo na sa mga fans dyan ni Levis Wattson" nagsihiyawan ang lahat ng fans ni Sir Levis. "Good afternoon din Levis" tumango lamang siya. "Maraming nagtatanong at agam-agam kung sino nga ba ang kasama ni Levis Wattson sa nagtrend na picture mula sa kuha ng isang anonymous user sa twitter at ngayon hapon ay sasagutin na ni Levis Wattson ang lahat ng mga katanungan ng netizen" inihanda ko na ang tenga ko sa sasabihin niya. "Good afternoon everyone" bati nito. Kahit kailan napakaseryoso niya pa rin sa ganitong pangyayari pero bigla akong nagtaka. Bakit di siya nagalit nung nagtrend yung picture sa twitter. Bakit ayos lang sa kanya yun at di ba hate niya nagkakaroon siya ng issue. 'Matanong na lang si Karen mamaya' "First of all I'm sorry for all of this happening. I didn't expect na magviral ang simpleng paghawak ko ng kamay sa kapatid ko. Yes, si Lexie iyon kahit bata pa kami ay lagi ko na siya hinahawakan yung kamay niya kaya wala dapat ikabahala. I know maraming gustong manira sa akin pero masasabi ko lang ay tigilan niyo na pati personal life ng ibang artista ay ginagawan niyo ng kwento yun lang" tumayo na siya at umalis na at dinumog na siya ng mga taga media. Tama naman siya halos ungkatin na nilang lahat ang mga personal life ng mga artista katulad nung kay Timothy na ex nung friend ni Tasha na si Mellisa. Nagtrending siya dahil sa nalaman na nagkaroon ng non-showbiz girlfriend si Timothy at itinuturo si Mellisa na third party sa relasyon nila ng model na si Grace. Buti na lang ay di nila kilala si Mellisa at kilala nila ito as a normal person. "Grabe galit na galit yung labdilabs mo" tumawag muli siya at this time ay nasa kwarto na ako. Mamaya ko na lang tatawagan si Karen tungkol sa naisip ko. "Oo nga tama nga naman yung sinabi niya masyado nang mahilig mangialam yung mga tao sa personal na buhay ng mga artista" paliwanag ko. "Sabagay, masyado na kasi silang toxic kaya maraming naghihiwalay ng mga couples dahil sa mga pinagagawa nila" opinyon ni Tasha. "Meron din iba na yung artista rin ang may kasalanan kaya sila naghihiwalay" paliwanag ko. "Ay nagwarning na" itinutok ko na lang ang cellphone sa tenga ko. "Tatawag na lang ako mamayang gabi nalowbat na yung cellphone ko eh" sabi ko. "Ok sige mag-aayos na rin ako rito" ibinaba ko na ang cellphone ko at pinatay ko na yung tawag. Lumabas na ako ng kwarto at pumunta sa sala naabutan ko si Levin na nanonood ng cartoons sa tv. "Baby ano yung pinapanood mo?" Tanong ko. "Phineas and Ferb po" nakita ko ay yun nga dahil nagcomercial break kasi eh. "What time darating si Daddy, Mimi?" Biglaang tanong ni Levin. "Di ko alam eh" sabi ko. Itinuon na lang niya ang atensyon niya sa tv. Pero may biglang bumakas ang pintuan. "Daddy!" Bumaba si Levin sa sofa at sinalubong ang ama nito. "Iho" lumabas si Manang mula sa kusina. "Di mo kasama si Lexie?" Takang tanong niya. "Di po Manang dumiretso na siya sa condominium niya at magreview pa raw siya sa exam" paliwanag niya. "Anong nangyari sa interview di ko na kasi napanood eh pinapatulog ko muna yung bata" napalunok ako bigla. "Bakit ikaw ang nagpatulog kay Levin?" Kinakabahan ako sa reaksyon ni Sir Levis. "Eh si Zoey na ang pinaplay ko nang live interview mo di ko naman alam na ilang minuto lang umalis ka na" napahinga ako ng maluwag. "Manang kahit di niyo na po panoorin dahil alam niyo naman po na ayoko po talaga nagtrending sa mga social media." Sabi ni Sir. "Pero ayos na ba?" Tumango si Sir. "Sina Mom na ang bahala doon kapag di pa rin titigil yung mga taga-media at mga netizen sa social media" tumayo muna ako at nagpaalam sa kanila. "Kukuha lang ako ng maiinom sa kusina" pumunta na ako sa kusina at bigla akong naalala ay nakalimutan kong icharge ang cellphone ko dahil tatawagan ko si Karen mamaya tungkol sa naisip ko. Pumunta muna ako sa kwarto ko at sinaksak ko ang charger saka ko ito isinaksak sa cellphone ko. Lumabas na ako ng kwarto at kinuha ko na ang garapon ng juice. Mango juice naman ito at request ni Levin yun dahil nanawa daw siya sa orange juice kahit favorite na juice niya yun. "Eto na po yung juice at yung tinapay" ibinaba ko na ang mango juice at egg sandwich na ginawa ko. Umupo ako sa tabi ni Levin at itinuon ko ang atensyon ko sa panonood ng cartoons at mukhang napansin ni Sir Levis ang pagiging tahimik ko. "Are you okay?" Lumingon ako kay Sir Levis at ningitian siya. "Okay lang po ako Sir" dahilan ko. Muli kong itinuon ang atensyon sa TV. *** Kinagabihan, ay nasa kwarto na ako at kakatapos ko lang mag-half bath. Si Sir Levis na ang nagpaligo at nagpatulog sa anak niya dahil matagal na rin na di niya ito ginagawa dahil na rin sa sobrang busy nito sa trabaho. Umupo ako sa kama at kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan ko si Karen tru video call para na rin tanungin ang nasa isip ko kanina pa. "Oh napatawag ka?" bumuntong ako ng hininga at tumingin kay Karen. "Karen di ka ba nagtataka?" "Na ano?" "di siya nagalit sa akin nung nagtrending siya sa twitter and sa lahat ng social media di ba ayaw niya na nagkakaroon siya ng issue?" sinabi ko na ang mga nasa isip ko simula nung sa conference ni Sir Levis. "Oo ayaw niya talaga na naissue siya pero tama ka girl di siya nagalit sayo at gumawa pa siya mismo ng paraan at inamin niya sa pamilya at manager niyana ikaw ang kasama niya dun sa nagviral ng litrato na magkasama kayo with holding hands pa" sabi ni Karen. "Pero Zoey ayaw kitang bigyan ng pag-asa na magkagusto sayo si Sir Levis aalahanin mo ilang buwan ka na lang dyan sa bahay at buhay nila babalik ka na sa normal life mo as college student" sermon ni Karen. "Alam ko naman yun" sabi ko. "Kaya nga wag mo munang bigyan ng kahulugan ang mga ipinapakita sayo ni Sir Levis para na rin sa kaligtasan ng puso mo" dugtong pa niya. "Sige na magpapahinga muna ako napagod kasi ako sa paglilinis sa likod kanina eh" tumango na lang ako at pinatay na ang tawag. Humiga na ako sa higaan ko at nakatulog na. Kinabukasan, ay maaga akong nagising para ipagluto ng pagkain ang mag-ama pero mukhang naunang nagising si Sir Levis dahil nagjogging ito at nagising ng 6:00 ng umaga. "Good morning po Sir" bati ko. "Morning" pumunta siya sa ref at kumuha ng tubig. "Anyway where going to Calamba pagkagising ni Levin" bigla akong lumingon kay Sir Levis. "Kasama po ako?" turo ko sa sarili ko. Tumango ito "Ano gagawin po natin sa Calamba?" Tanong ko. "Where going to visit his ninang" napatango ako. "Artista rin po?" Tumango ito. "But mas preferred niya ang ballet dancing" sagot niya. Lumabas na ito sa kusina at nakatulala pa rin ako. 'Hmm... mabait kaya yun?'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD