Chapter 19

3521 Words
Meet Kimberly Bigla akong namangha dahil maganda ang bahay. "In fairness Sir maganda yung design ng bahay at saka mukhang nakita ko na ito dun sa mga bahay sa ibang bansa like sa London at US" sabi ko. "Hmm.. para ka na rin isang engineer" namula ako pero iniwas ko baka kasi mahalata niya. “Paano niyo naman po nasabi sir?” Tanong ko. “Sa pagtingin pa lang ng bahay medyo may alam ka na” ngumiti lang ako sir. ‘Kung alam niyo lang sir na yun ang kinukuha ko ngayong first year "Levin press the doorbell" binuhat niya si Levin at sinunod naman ni Levin ang daddy niya. Hinintay namin na may dumating na magbubukas. "Good morning po Sir" tumango si Sir Levis. "Is Kim there?" tumango ang kasambahay nung ninang ni Levin. "Pasok muna po kayo tatawagin ko lang po muna si Mam Kim" tumango si Sir at pumasok na kami. Pinaupo kami sa sofa nila at nilibot ko ang paligid na napakaganda talaga ng bahay at feeling ko mamahalin yung mga gamit dito dahil parang kumikinang ang mga gamit dito. "Levis" lumingon ako at nakita ko ang isang magandang babae na feeling ko ay ito ang ninang ni Levin. "Kim" humalik sa pisngi si Sir Levis dun sa ninang ni Levin. "Tita ninang!" Niyakap ni Levin ang ninang niya. "My baby Levin, how are you?" pangangamusta nito kay Levin. "I'm fine po Ninang" ngumiti ito at bumaling sa akin. "Oh new girlfriend" namula ako bigla dahil sa napagkamalan akong girlfriend ni Sir Levis. "No, she's the nanny of Levin" biglang kumurot ang puso ko sa sinabi niya. 'Stop being assuming Zoey' ngumiti na lang ako. "Oww... Parang di halata na nanny ka ni Levin" napakamot ako sa ulo ko. "Hehehe" napatawa na lang ako. "Ilang taon ka nga pala?" Biglang tanong niya. "Turning 19 po sa July 22 po" sagot ko. "Malapit na pala yung birthday mo ah" tumango ako. 'di ko rin alam kung makakapagcelebrate pa ako ng birthday kasama sila' “Oo nga po eh” yun na lang ang sinabi ko. “Ate Wendy paki-prepare yung meryenda” utos ni Mam Kim dun sa kasambahay nila. “How’s everything, Levis?” seryosong tanong ni Mam Kim. “Zoey, dalhin mo muna si Levin sa kitchen para makapag-usap kami ni Levis” tumango ako at sinunod ang utos ni Mam Kim. “Baby, dito muna tayo para makapag-usap sila ng tita ninang at daddy mo” tumango si Levin. Inabot sa amin ni Ate Wendy ang meryenda namin ni Levin. “Dadalhin ko muna ito sa kanila sabihin mo na lang kung may gusto pang kainin si Levin” ngumiti ako. “May gusto ka pa bang kainin bukod rito?” turo ko sa meryendang nakahain sa amin. Umiling naman ang bata. “O siya hatid ko muna ito” tumango na lang ako at lumakad na si Ate Wendy. “Madalas ka ba kayo pumupunta rito?” tanong ko. “Sometimes, but si Tita ninang yung bumibisita sa bahay” paliwanag naman ni Levin.Tumango na lang ako at kumagat ako ng tinapay. *** “I want to spend time kay Levin eh pero biglaan kang emergency baka next time na lang” malungkot na sabi ni Mam Kim. “Don’t worry papuntahin ko na lang sila next week kapag maayos na yung schedule mo” sambit ni Sir. “Yeah, meron pa pala akong performance sa isang ballet event” napabuntong na lang siya ng hininga. Bigla niya akong tiningnan. “Hmmm.. baka sa susunod niyong pagpunta ay makachika ko naman si Zoey” napaismid na lang si Sir. “Baka hawaan mo pa siya ng pagiging chismosa mo, Kim” umirap lang si Mam Kim sa pang-aasar ni Sir Levis. “Sus, ayaw mo lang ikaw ang pag-usapan namin” biglang tingin si Mam Kim sa akin at ngumiti. “Tss! Ano naman ang pag-uusapan niyo tungkol sa akin?” tanong ni Sir. “Secret, no clue” ngisi niya. “Let’s go Zoey” pumasok na sa sasakyan si Sir Levis at mukhang di na nakayanan ang pang-aalaskador ng kumare niya sa kanya. “Naku! nagsimula na naman ang pagiging masungit niya, basta next time na pumunta kayo rito ni Levin kwentuhan mo naman ako kung ano ang trato niya sayo ah” bigla akong namula dahil di ko alam kung paano ko sasabihin ang trato ni Sir Levin sa akin. “Sige po Mam Kim” sabi ko. “Just call me Kim” ngumiti siya sa akin. “Sige Kim mauuna ako” tumango naman siya. “Yeah baka biglang maging dragon yung amo mo” tumawa na lang ako sa kanya. “I hear you Kim” tumawa na lang si Mam Kim sa kanya. “Whatever” kumaway ako sa kanya at sumakay sa kotse ni Sir. Di ko mapigilan ngumiti hanggang sa lumingon sa akin si Sir ay nawala na ang ngiti ko at sumeryoso ang mukha. “Sir, aalis po kayo paghatid niyo sa amin?” tanong ko. “Yes, nagkaroon ng biglaang meeting kasama sina Direk Santi” kinabit ko ang seatbelt ko at nilingon ko si Levin na busy sa pagbabasa pero kumunot ang noo ko. “Baby, saan galing yung libro na binabasa mo?” umangat ang tingin ni Levin sa akin. Sa pagkakaalam ko kasi ay wala kaming dalang libro kanina nung pumunta kami sa bahay ni Mam Kim eh. “Tita Ninang gave to me” napakunot ang noo ko dahil di ko naman nakita na binigay yun sa kanya. “Binigay sa akin ni Kim yung libro and then binigay ko kay Levin nung nag-uusap kayo ni Kim” tumango ako. Di ko namalayan ay tumatakbo na ang sasakyan namin. *** Tiningnan ko ng maigi ang binabasa ni Levin pumunta naman sa gawi ko si Manang Sally. “Mukhang binigyan na naman siya ni Kim ng libro ah” napalingon ako kay Manang. “Di ko po alam na mahilig pala siyang magbasa ng libro” sabi ko. “Mahilig siyang magbasa ng libro kaya di mo napapansin na nagbabasa siya ay natapos na niyang basahin yung libro na binibigay at binibili sa kanya. Madaling magsawa si Levin sa mga binabasa niya kapag paulit-ulit” kwento ni Manang. “Pero yung pagkakahilig niya sa mga libro ay nakuha niya sa mommy niya” nawala ang ngiti ko at may biglang kumurot sa dibdib ko. “Okay ka lang iha?’ tumango ako. “Kukuha lang po ako ng tubig” nagpaalam ako kay Manang at pumunta ako sa kusina para kumuha ng tubig. Hawak-hawak ko ang baso at nakatulala lang sa kawalan. ‘Ba’t nga ba nakalimutan ko na may mommy siya at alam ko naman kahit wala na siya ay si Mam Hannah pa rin ang mahal nila’ Makalipas ng isang linggo ay di pa rin umuuwi si Sir Levis dahil na rin sa pagiging busy nito sa taping ng teleserye nila na malapit na magtapos. Madalang ko na lang panoorin ang teleserye nila dahil masasaktan lang ako kahit magkatrabaho lang sila. Pilit man ako ayain ni Manang Sally pero sinasabi ko lang na inaantok na ako. “Siya nga pala, bakit di mo pa sinasabi sa Mama mo tungkol sa pag-aaral mo sa CLSU?” nagulat ako sa tanong ni Tasha. “Next time na lang siguro” sabi ko. “Hay naku malalaman na lang nina Tita kapag nakaalis ka na paalala lang ilang weeks na lang malapit na yung enrollment kailangan mo nang isubmit yan, sa pagkakaalam ko first week ng July yung pasukan ng CLSU eh anong petsa na?” napabuntong ako ng hininga. “Sige, kakausapin ko na si Mama pero kailangan ko munang sabihin kay Mam Lessandra yung desisyon kong umuwi na 2nd week ng june” sabi ko. “Oo para malaman na rin ni Levis ang totoo” ngumiti ako kay Tasha. “Kahit papaano ay naging masaya ako nung nakasama ko sila kahit panandalian lang” sabi ko. “At kapag iniwan mo sila magiging masaya sila at suportado sila sa mga pangarap mo pero ang tanong di kaya masasaktan si Levis kapag umalis ka na sa buhay nila?” bigla akong tahimik sa tanong niya. “Syempre hindi baka nga galit yun sa akin dahil di ko sinabi yung totoo” sabi ko. “Pero kung sinabi mo yung totoo magiging close kaya kayo nung mag-ama? Di ba hindi baka nga wala ka pang ilang buwan dyan umuwi ka na sa Nueva Ecija eh” sambit pa niya. Napayuko na lang ako. “Alam ko mahirap na iwanan sila dahil napamahal na sila sayo pero isipin mo naman yung future mo di naman pwedeng habang buhay ka na lang magiging nanny ni Levin” napilit akong ngumiti. Nagulat ako nang biglang may nagpop-up sa cellphone ko. “Teka lang may nagmessage eh” binuksan ko ang messenger ko at bumungad sa akin ang pag-chat ni Mam Kim sa akin. Kim Clarkson Hi! I’m sorry to disturb you, kinausap ko ng personally si Levis to come here in my house with Levin and then pumayag siya. See yah! Napangiti ako. Zoey Gaile Castro Lacoste Sige po Mam Kim Pero nagreact ito na umiiyak. Kim Clarkson Di ba sabi ko sayo wag mo na akong tawagin Mam di mo naman ako boss eh Zoey Gaile Castro Lacoste Sige Kim goodnight Nagreact na lang ito ng sleeping emoji. “Sino yun?” takang tanong niya. “Wala, gc lang namin dati” dahilan ko. Ayoko munang sabihin kay Tasha ang tungkol kay Kim saka na. “Zoey may tumatawag sa isang phone mo” kinuha ko ito at napatingin ako kay Tasha. “Si Sir Levis” sinagot ko ito. “Sir good evening po” bati ko. “Pumunta kayo sa bahay ni Kim bukas. Ipapahatid ko kayo kay Mang June” tumingin ako kay Tasha at sumenyas na huwag maingay. “Sige po sir” binaba ko na ang tawag at mukhang pinatay na ito. Muli kong ibinalik ang atensyon ko kay Tasha. “Bakit?” tanong ko. “Bakit wala akong narinig na goodnight?” naningkit ang mga mata ko sa uri ng tanong ni Tasha. “Bakit naman ako magsasabi ng good night sa kanya? Boyfriend ko ba siya?” mataray kong tanong. “Bakit porket ganun boyfriend na agad?” balik niyang tanong sa akin. “Ewan ko sayo binabalik mo sa akin yung tanong eh” tawang-tawa naman ang bugak. Sa bwisit ko ay inend call ko na ang video call at natulog na ako. *** Kinabukasan ay maaga akong nagising para tulungan si Manang sa paglilinis ng bahay at di siya mahirapan at pagkatapos ay naligo na ako. “Anong oras kayo pupunta kay Ms. Kim?” lumingon ako kay Manang. “Mga around 9 po” sabi ko. “Susunduin ba kayo ni June?” tumango ako. “Diretso na rin daw po kasi siya sa Manila” sabi ko. “Pupuntahan ko lang po muna si Levin” nagpaalam na ako at lumabas na sa kusina para umakyat sa kwarto ni Levin. “Levin” binuksan ko ang pintuan ng room niya at pumunta ako sa gawi ng kama niya. “Levin, gising na” paggising ko pero tulog pa rin siya. May naisip akong ikakagising niya. “Alam mo ba tumawag sa akin ang daddy mo kagabi tapos sinabi niya na pinapupunta niya tayo sa Tita Ninang mo pero kung gusto mo pang matulog tatawagan ko na lang yung daddy mo para sabihin na susunod na lang” akmang kukunin ko ang cellphone ko ay bigla na itong bumangon at hinila na niya ako sa banyo. “I want to shower na Mimi” tumawa na lang ako. ‘Sabi na nga ba eh’ “Sige kukunin ko lang yung towel mo” lumabas ako sa banyo niya at pumunta sa closet niya para kumuha ng bagong towel. “Ligo ka na” tuluyan na akong pumasok sa banyo para paliguan na siya. *** “Excited si Levin ah” ngumiti ako at inayos ang buhok niya. “Nagbaon ka ba ng damit niya?” Tumango ako. “Nung pagkatapos ko po siyang liguan hinanda ko na po yung mga damit niya po” sabi ko. “Oh siya andyan na si June sa labas” tumayo na ako. “Papasukin niyo po muna si Mang June, Manang para po makakain siya ng agahan” tumango si Manang at lumabas siya para papasukin si Mang June pumunta na kami sa lamesa para makakain na kami bago kami umalis. *** “Hay naku buti na lang napilit ko si Levis na pumasyal kayo rito syempre gumawa ako ng dahilan para lang payagan kayo” umupo ako sa sofa. Pagkadating namin ay nakita na namin si Kim na inaabang na kami sa gate. “Anong dahilan ang sinabi niyo po?” tanong ko. “Well sabi ko na I want to play with him and then sabi ko na andito yung pamangkin ko kaya napapayag ko siya. Di ko sinabi na magchikahan na lang tayo rito pero nandito na tayo kwentuhan mo na ako.” Excited niyang sabi pero naisip ko si Levin baka kung ano na ginagawa nito. “Kung iniisip mo si Levin kasama niya si Ate Wendy at yung pamangkin ko O” mahabang sabi niya. “Ano na? Dali kwentuhan mo na ako” bumuntong na lang ako ng hininga at nagsimula na akong magkuwento. “Ayun, di pa niya alam ang balak kong pag-alis sa second week ng june” kwento ko. “Mukhang kailangan mo na talagang sabihin yung totoo, iba yung kapag nagalit at isa pa baka sumama yung loob ng bata kung iiwan mo siya ng basta basta at di napaliwanag sa kanya” payo niya. “Pero yung sabi mo about kay Hance ay wala na akong sasabihin kung di nagseselos si Levis sa kanya kasi naging malapit kayo ni Hance na alam natin ay magkakaaway ang dalawang yan dahil sa mommy ni Levin and sabi mo ba na nagbibigay na siya ng mixed signal sayo pero paalala lang nakakatakot masaktan kapag ang taong gusto mo ay di ka gusto and nagpapakita lang sayo ng kabaitan” payo niya ngumiti lang ako sa kanya. “Alam ko mahihirapan ka sa sitwasyon na ito pero malalagpasan mo rin yan basta isipin mo lang ay yung pinapakita sayo ni Levis ay isang mabuting amo lang siya or friend ganun” dugtong pa niya. “Kaya nga nagtaka ako masyado ka pa palang bata para maging yaya ni Levin pero sa nalaman ko ay mukhang nag-iipon ka lang dahil ayaw mong umasa sa pamilya mo. I’m so proud of it na you are independent person” ngumiti lang ako. “Pero in fairness di nagalit sayo si Levis nung nagtrending siya sa lintik na twitter na walang magawa kung di manira ng tao kaya yung mga ibang artista ay kinikitil yung buhay nila dahil sa kanila eh tapos yung mga celebrity couple ay naghihiwalay nang dahil din sa kanila” mahabang lintaya niya. “Mam” pumunta sa gawi namin si Ate Wendy. “How are they?” Tanong ni Kim. “Nanonood po sila ng cartoons po sa guest room” sagot ni Ate Wendy. “Kunin mo na lang yung biscuit dun sa cabinet and then magtimpla ka ng juice dalhin mo muna rito after para makapagmeryenda si Zoey” tumango naman si Ate Wendy at nagpaalam na ito sa akin. “Anyway, nagkwento na ba sayo tungkol sa mommy ni Levin?” Tumango ako. “Si Mam Lessandra po yung nagsabi sa akin” sabi ko. “I have question to you” nilagay na ni Ate Wendy ang juice at biscuit sa lamesita niya. “Ano yun?” Tanong ko. Uminom muna ako ng juice dahil kanina pa nanunuyo ang lalamunan ko dahil sa pag-uusap namin. “Do you like Levis?” muntik na akong nasamid sa biglang tanong ni Kim. ‘Grabe straight to the point si anteh’ “Are you okay?” pag-alala niyang tanong at ako naman ay ubo ng ubo dahil sa pagkakasamid ko. “Okay lang ako sorry ah” huminga naman ito ng maluwag. “Naku kailangan kitang ibalik ng buhay baka di na ako magkakalove life niyan kapag nalaman nang amo mo na nasamid ka” tumawa ako ng mahina. “Pero seryoso may gusto ka ba kay Levis?” binaba ko ang juice ko at hinarap siya. “Inaamin ko may gusto ako sa kanya di bilang isang taga-hanga niya kung di isang babaeng nagmamahal sa kanya. Alam mo from the start na di pa ako nagtatrabaho as nanny ni Levin may crush na ako sa kanya dahil gwapo siya, magaling umakting at na sa kanya na ang lahat pero nung nakasama ko siya di na yung simple crush lang nararamdaman ko na love na yun” paliwanag ko. “Malay mo maging imposible yun na magustuhan ka rin niya” umiling ako. “Hindi mangyayari yun dahil kapag nalaman niya yung totoo alam ko na magagalit siya at di na niya ako kayang patawarin pa” paliwanag ko. Ngumiti na lang ako sa kanya at ganun din siya sa akin. *** “Taya” sabi ni Kim kaya napatakbo kami ni Levin dahil si Carry na ang taya. Pamangkin siya ni Kim at anak ito ng kapatid niya. Iniwan lang daw dito dahil nasa site ang nanay nito di nga daw nakilala ang tatay ni Carry basta raw pagkauwi ng ate niya ay buntis na ito. “Time first muna” napaupo kami sa damuhan syempre nilagyan namin ng bimpo ang inuupuan nila dahil pare-parehas kaming malalagot sa mga magulang nito. “May tanong lang ako” lumingon si Kim sa akin habang pinupunasan ng pawis si Carry ganun din ako kay Levin. “Di na ba talaga nagpakita yung tatay niya?” tanong ko. Bumuntong lang ito ng hininga. “Sa totoo lang ayaw magkwento ni Ate tungkol sa ama ni Carry lagi niyang iniiwasan kapag binubuksan namin yung topic na yun kaya nung ipinanganak na niya si Carry, di na rin kami sinubukan tanungin siya or buksan yung topic na yun na possibleng sasagutin pa niya.” Kwento niya. “Mam, andito na po si Sir Levis at isa pa po tumawag po si Mam Cariena na di niya po muna masusundo si Carry dahil po may importanteng meeting daw po siya kailangan iattend” tumango na lang si Kim. “I call her later” tumango na ito at pumunta na sa labas para papasukin si Sir Levis. “Mukhang andito na yung sundo niyo ah” sumimangot ang batang makulit. “Next time na lang baby” pero mas lalo itong sumimangot. “Mukhang nabitin ah” kumibit balikat na lang ako. “Pero wag kang mag-alala my inaanak akong bahala malakas kaya ako sa daddy mo” tumawa na lang ako. “Hey” pumunta sa gawi namin si Sir Levis kasama si Ate Wendy. “Hi po Ninong” nagulat ako sa tawag nito. “Inaanak niya din si Carry kinuha ko siya ninong eh” tumawa ako imbes na yung nanay ang kumuha ng mga ninong at ninang ay yung kapatid pa talaga. “Let’s go” pero di lumapit si Levin sa ama at mas lalo itong kumapit sa damit ni Kim. “Daddy, I want to play pa” simangot niyang sabi. “Baby, walang kasama si Manang Sally sa bahay” sabi niya. “But I’m happy here po eh” malungkot na sabi niya. “Ang kj mo naman tingnan mo nagenjoy pa yung mga bata tapos eksena ka na susuduin sila” pasmadong sabi nito at sinamaan siya ni Sir Levis ng tingin si Kim. “Saka po ngayon lang po na nagenjoy si Levin at minsan lang po maging bata kaya dapat na lang po natin sulitin kasi baka po sa susunod di na siya makakapunta dito” dugtong na sabi ko. Bumuntong siya ng hininga niya. “Okay fine” pagsuko niya tuwang tuwa naman ang mga bata at ang katabi ko naman ay ngumisi sa akin. Hinila nila si Sir Levis at nakipaghabulan ito sa dalawang bata. “Mukhang napapayag mo siya ah” inirapan ko lang ito. Parehas sila ni Tasha mahilig mangtukso. “Eh sayang naman ngayon ko lang nakitang masaya si Levin” sabi ko. “Pati rin ang daddy niya nakikisaya din” tumawa na lang kami. “Sana nga palagi na lang sila maging masaya kapag wala na ako sa tabi nila” sabi ko. “Di natin alam Zoey dahil di natin hawak ang mga emosyon nila maaari silang masaktan pero mainitindihan din nila kung bakit mo kailangan gawin yun dahil na rin sa sarili mo at opportunity na naghihintay sayo in the future” ngumiti ako sa kanya. ‘Susulitin ko na makasama sila dahil alam ko ay di ko na sila makakasama at makikitang masaya kapag wala na ako sa tabi nila’
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD