The Truth
Nandito ako sa library nila Mam Lessandra at sinabi ko na ang pagbalik ko ng Nueva Ecija sa 2nd week ng June. Nalaman na rin ng mama ko ang pagpasa ko sa dalawang university na inaapply ko. Sinabi ko rin kay Mama na pinili ko yung CLSU na siyang papasukan ko ngayon taon.
“Gusto mo bang sabihin ko na kay Levis yung totoo” di ako agad nakaimik pero tumingin ako kay Mam Lessandra.
“Natatakot po kasi ako baka magalit siya sa akin lalo na yung bata. Alam ko naman po kung bakit di niyo sinabi kay Sir Levis ang totoo dahil baka po tuluyan na silang kulungin sa kalungkutan lalo na si Sir Levis” paliwanag ko.
“Give me a time para mapaghandaan ito. I need to find a timing to tell Levis. Ipapatindi ko sa kanya kung bakit kailangan mo nang umalis para na rin sa pag-alis mo wala na kayong samaan ng loob” tumango ako kay Mam at ngumiti sa kanya.
‘Sana nga ay maitindihan ako ni Sir Levis’
Dito muna kami sa bahay nila dahil wala sina Mam Lexie and Sir Logan dahil may mga pasok na ito sa school. Kasulukuyang ako nasa kusina at tumutulong kina Manang Indang at kay Ate Mindy na nagluluto ng pananghalian. Wala yung alaga ko at nagpakabusy na naman ito sa pagbabasa ng libro buti nga di na nga iPad niya yung hawak niya eh pero may time din na hawak niya ito kapag tapos na yung binabasa niya or naboboring sa pinapanood niya sa TV.
“Oy! Hunyo anong ginagawa mo rito sa bahay?” biglang bwelta ni Ate Odette.
“Bakit masama bang umuwi rito?” sagot pa ni Kuya June.
“Di mo ba kasama si Sir Levis?”
“Pinauwi muna niya ako para kumuha ng damit ko dahil wala na ako maiisuot dun. Di pa nga ako naglalaba eh kaya ipapasuyo ko na lang muna sayo na labhan yung mga damit ko Odessa” tumawa ako dahil di pa rin niya tinatanggal yung pagtawag sa kanya na Odessa.
“Heh! Ano ka sinuswerte? Saka pwede ba wag mo akong tawagin na Odessa, Odette ang pangalan ko” tumawa na lang kami nina Ate Mindy na naghuhugas ng pinaggamitan sa pagluluto.
“Pakikisuyo lang eh” maktol niya.
“Sus! Tigil-tigilan mo ako Hunyo kapag pinalaba mo sa akin yan baka pati brief mo ipapalaba mo din sa akin yan” galit na sabi ni Ate Odette.
“Pwede ba?” ngising tanong ni Kuya June pero si Ate Odette ay biglang uminit ang ulo at kumuha ng basahan at hinagis niya ito sa kanya.
“Kadiri kang unggoy ka kapag ako dumilim ang paningin ko sayo kutsilyo na yung ibabato ko sayo” tumalikod na si Kuya June at diretso nang lumabas sa kusina para pumunta sa maid's room.
“Hay naku, nagumpisa na naman kayo ni June, Odette” sumabat na si Manang Indang.
“Pasensya na po manang kumukulo talaga ang dugo ko sa lalaking yun eh” napatingin na lang ako kay Ate Mindy at mahina kaming tumawa.
“Oo nga po pala manang nasan po si Karen?” takang tanong ko. Pagkagising ko kasi ay wala ito sa kama niya tanging si Keith lang ang nandun.
“Pumunta na sa Los Baños para makapag-enroll na siya” nagulat ako kay Manang dahil di ko alam na
nakapag-apply na pala ito doon.
“Bakit parang walang nabanggit sa akin si Karen, Manang?” takang tanong ko.
“Ayaw na niya ipagsabi sayo dahil alam niya na namomoblema ka kung paano mo sasabihin sa mag-ama ang tungkol sa pag-alis mo sa june” tumango na lang ako at ipinapatuloy ang ginagawa ko.
“Si Keith po ba di na po siya babalik sa pag-aaral niya” umiling ito.
“Siya na lang kasi ang inaasahan ng pamilya niya. Iniwan na kasi sila ng nanay niya at yung papa niya ay sumakabilang buhay na nung last year pa. Wala ka pa noon dito.” Tumango na lang ako.
“Sayang po dapat graduating na po siya sa college” tinapik ni Ate Mindy ang balikat ko.
“Ganun talaga ang buhay Zoey kailangan mong magsakripisyo para sa pamilya mo” tumango na lang ako at ngumiti sa kanila.
***
Nakahiga na kami dahil katabi ko ngayon si Karen sa kama at sina Ate Mindy at Keith naman ay magkatabi. Sina Ate Odette at Manang ang magkatabi ngayon sa kama dahil di na daw nakayanan ni Manang ang lakas ng hilik ni Ate Lolita kaya nandun siya sa kabilang kama. Tatakpan na lang daw nila yung bibig ni Ate Lolita kapag naghilik na naman ito ulit.
“Buti naisipan mo na akong makatabi ate” tumingin ako kina Ate Mindy at Keith na nagkukwentuhan.
“Di ko na kaya si Lolita eh laki na ng eyebags ko sa kakahilik niya. Sana nga makayanan ni Odette si Lolita” tumawa na lang kami. Nandito kasi si Kuya June kaya yung isang kwarto ay ginagamit niya sina Ate Odette at Ate Mindy ay magkatabi dati pero ngayon dahil nagrequest si Manang ay tumabi na si Ate Odette sa kanya para raw busalan ang bibig ni Ate Lolita kapag nagstart ito sa paghihilik niya.
“Well di naman magtatagal si Kuya June dito dahil kailangan niyang pumunta sa Maynila para kay Sir eh kaya back to normal ang lahat pero siyempre nasa kabilang room na si Ate Lolita para matahimik na ang ating pagtulog” tumawa na lang kami sa banat ni Keith.
“Ikaw kamusta yung enrollment mo?” tanong ko.
“Ayos lang” saad niya.
“Ano kinuha mong course?” tanong ko.
“Hospitality Management ang kinuha ko dahil dream ko na makapagtayo ako ng restaurant eh” ngumiti ako.
“Ikaw kamusta kailan mo ba sasabihin kay Sir Levis yung totoo?” bumuntong ako ng hininga.
“Si Mam Lessandra na daw ang bahala iniintay lang daw niyang walang schedule siya” saad ko.
“Sana nga maintidihan ka niya di naman kasi habang buhay nasa kanila yung mundo mo eh” ngumiti na lang ako.
“Sige na matulog ka na marami ka pa naman ginawa ngayon” pumikit na lang ako.
‘Sana nga maayos ko na ang problema ko bago ako umalis’
***
Lumipas ang isang linggo ay isang linggo na lang din ang pagstay ko sa bahay at sa buhay ng mga Wattson. Nalaman na din nila ang pag-alis ko at nagtatanong kung bakit maaga raw.
"Kailangan mo na ba talaga umuwi ng Nueva Ecija sa susunod na linggo?" Di na ako nagulat sa tanong ni Ate Lolita dahil nabanggit na naman ni Mam Lessandra sa kanila ito.
"Ate napag-usapan naman po namin ni Mam Lessandra tungkol rito kaya kahit mahirap po ay kinailangan ko na po bumalik saka po yung po kasi ang usapan namin ni Papa na papayagan niya po akong magtrabaho dito basta babalik po ako kapag malapit na yung next school year saka po nakapasa na po ako sa entrance exam di lang po sa NEUST kung di sa CLSU sa Muñoz po" mahabang paliwanag ko naging malungkot ang mga mukha nila
"Eh papaano si Levin?" Umupo ako at nagiisip kung paano mapapaliwanag ang lahat.
"Di ko po alam ate?" Yumuko na lang ako dahil sa sobrang gulo ng isip ko.
"Ang tanong nasabi mo na ba kay Sir Levis tungkol dito" umiling ako.
"Ate gustuhin ko man pong sabihin noon pa kaya lang pinigilan po ako ni Mam Lessandra sabi niya po siya na daw ang bahala" paliwanag ko.
"Zoey, kailangan na talagang malaman ni Sir Levis ang lahat dahil alam mo naman na ayaw niya sa mga taong sinungaling palagi naman sinasabi ni Manang sayo di ba?" tumango ako.
"Ate Odette ang hirap po kasing sabihin sa kanya dahil unting-unti nawawala yung kalungkutan nila lalo na kay Sir Levis. Gusto ko po na aalis ako na masaya sila paano ko naman gagawin yun kung malalaman niya yung totoo baka tuluyan siyang magalit sa akin” gusto kong umiyak pero nakakahiya baka marinig ako ni Sir Levis at tanungin kung bakit ako umiiyak.
"Anong gusto mong sabihin Zoey?" bigla akong nanigas dahil nasa likod namin si Sir Levis at nakasandal sa pader ng kusina. Pati ang mga kasama ko sa kusina ay nagulat din at di nila napansin ang papunta niya sa kusina. Kakabalik lang niya galing mall show kaya magpapahinga muna ito.
"Zoey" napalunok ako at napatingin ako sa kanil. Pero sa di inaasahan ay pumunta si Mam Lessandra at bigla itong nagsalita.
"This is time to know the truth Levis" natahimik na lang ako.
"Anong totoo Mom?" bigla akong kinabahan.
"Follow me Levis" tumalikod na si Mam Lessandra at sumunod na si Sir Levis.
"Sundan mo na Zoey, kami na ang bahala kay Levin" tumango ako at sinundan sila.
Pagkarating ko sa library at akmang kakatok ko ang pintuan ng library ay may narinig akong pagtatalo. Binuksan ko ng konti ang pintuan
"Why didn't tell me about this from the start Mom?" galit niyang sabi. Sabi ko nga ba eh.
"Dahil......" di na rin alam ang sasabihin ni Mam Lessandra.
"Dahil ano?"
"Dahil ayokong isipin niyo na panandalian niyo lang siya makakasama"
"But Mom sa tingin mo ba di kami mahihirapan 'pag umalis na siya lalo na't napapalapit na sa amin si Zoey" yumuko na lang ako.
"I know son I know kaya nga nakiusap ako kay Zoey na wag na munang sabihin sayo kahit gusto na niyang sabihin sayo" napahilamos na lang siya sa mukha.
“Kaya please suportahan na lang natin si Zoey sa pangarap niya. Hindi habang buhay ay umiikot ang buhay niya sa inyo. May sarili siyang pangarap na gusto niyang abutin” pakiusap ni Mam Lessandra.
“Mom I can support her kung gusto niyang bumalik sa pag-aaral” pilit pa niya.
“Hindi pwede Levis may usapan kami ng mama niya na kailangan niyang bumalik bago pa magpasukan. Kailangan na niyang magenroll” napahilamos siya sa mukha. Pero bigla itong sumeryoso ang mukha niya
"And Levis"
"What?"
"Tell me the truth, why are you being like this?" bigla akong nagulat sa tanong ni Mam Lessandra.
"Like this what?"
"A jealous man, sa tingin mo ba di ko napapansin ang sama ng titig mo kay Hance tuwing kausap siya ni Zoey” nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.
Naalala ko last time pumunta dito si Hance sa bahay para kulitin si Karen pero dahil kasama namin si Sir Levis ay naabutan nila kami na nag-uusap. Nakikiusap lang naman si Hance na kung pwede ay kausapin ko si Karen para mapapayag ito sa offer niya pero ako ang umayaw dahil ayokong magalit sa akin si Karen pero dahil nga dun ay sumama ang tingin nito kay Hance at itong isa naman ay inaasar siya pero nagulat ako dun dahil nanonood na pala si Mam Lessandra sa amin at pinagsabihan yung dalawa.
“You always said na iwasan niya si Hance and I know the reason kung bakit kayo nag-away last new year dahil sa kanya. Dahil nalaman mo na magkakilala sila” dugtong pa niya. Kumunot ang noo niya.
“Manang Sally tells about what happened in your house especially inamin mo na si Zoey ang kasama mo nung nasa trending picture na kahit gumawa ka ng dahilan kung bakit kayo nagkasama at magkahawak ng kamay” sermon pa ni Mam Lessandra.
“And nagtataka pa nga ako eh dapat magalit ka sa nangyayari dahil ayaw mo sa lahat ay nagtrending pero parang wala lang sayo” umiwas ng tingin si Sir Levis.
“Tell me Levis, do you like Zoey?" nanlaki ang mga mata ko dahil sa diretsong tanong ni Mam Lessandra. Pero di ko inaasahan ang sagot niya na ikinasaktan ko.
"No, I don't like her Mom" nangingilid na ang mga luha ko.
"You don't like her pero kung kumilos ka na parang aagawan ka ni Hance.”
"Because of……." Putol niya.
“Because of what?” kinakabahan ako sa sinabi niya.
“Dahil yaya lang siya ng anak ko at dapat ay sa kanya lang ang atensyon niya di kay Hance at mas lalong di sa akin”
seryoso niyang sabi. Tuluyan akong umiyak at sa di sinasadya ay napalakas ang pagsara ko ng pinto at alam ko ay nagulat sila kaya mabilis na ako tumalikod at lumabas.
"Zoey, anong nangyari?" bungad ni Karen pero di ko siya sinagot at tuluy-tuloy akong naglakad at umalis sa bahay ng mga Wattson. Di ko na rin alam ang gagawin ko. Ramdam ko na tinatawag nila ako pero di ko na pinansin. Sumakay ako ng taxi buti na lang ay may dumaan dun saka ako sumakay.
'Bakit ang tanga-tanga ko? Bakit umasa na naman ako? Bakit binigyan ko ng meaning yung pagiging sweet niya sa akin?' maraming bakit ang nasa isip ko. Napaluha na lang ako. Pauli-ulit tumatatak sa akin ang mga sinabi niya.
‘Dahil yaya lang siya ng anak ko at dapat ay sa kanya lang ang atensyon niya di kay Hance at mas lalong di sa akin’ lumakas ang hagulgol ko.
‘Gusto ko nang umuwi sa amin’
***
Di ko namalayan ay nasa Calamba na ako at pinuntahan ko si Kim sa bahay niya.
"Oh Zoey anong ginagawa mo rito?" nagulat siya na nandito ako.
"Ahmm.... pasensya na pwede bang makisuyo ako sayo?" bulong ko. Baka kasi masermonan ako ni Manong Driver na wala akong dalang pamasahe.
"Wala kang pamasahe noh" tumango ako at napakamot ako sa ulo.
"Ate Wendy pakiabot po yung bag ko sa room ko." sigaw niya.
"Eto na po Mam" kinuha ni Kim ang wallet niya at kinuha yung isang libo.
"Naku pasensya na po manong ah" napangiwi na lang ako.
"Ok lang po Mam mukhang may pinagdadaanan yung kaibigan niyo po eh" ngumiti na lang siya.
"Tara pumasok na tayo" pumasok na kami sa loob.
"Ano ba kasing nangyari?" napaiwas na lang ako ng tingin sabay inom ng tubig na nilapag niya kanina.
"Ayan na naman tayo eh umiiwas ka sa tanong ko eh" wala akong choice kung di ikwento sa kanya ang nangyari.
"Aba! Tarantado pala siya eh grabe kung makainsulto sayo ah” napayuko na lang ako.
"Naku! kung ako sayo Zoey umuwi ka na sa inyo" angil pa niya
"Paano si Levin?" bigla kong tanong.
" Baka pinaliwanag na ni Tita Les at nung demonyitong ama niya" parang gusto ko siya busalan ng tinipay dahil sa masamang lumalabas sa bibig niya. Biglang tumunog ang cellphone ko.
"Buti may dala kang cellphone" kinuha ko ito sa bulsa ko at tiningnan kung sino ang caller.
"Si Karen" sinagot ko ang tawag.
"Hello"
"Zoey, nasan ka na?" napatingin ako kay Kim.
"Ako na kakausap" binigay ko ang cellphone.
"Karen, don't worry about Zoey okay lang siya sa akin. Gusto lang niya muna mapag-isa ihahatid ko na lang siya bukas ng umaga bago ako bumalik sa trabaho." sabi niya. Kinausap pa niya ulit ito. Pero sumeryoso ang mukha nito
"Yeah sige makakarating" binaba na niya ang tawag.
"Anong sabi?"
"Kinakausap na ni Tita Les si Levin. Iyak daw ng iyak nung nalaman na aalis ka na next week pati ngayon ay umiyak kasi wala ka raw ngayon sa tabi niya at hanggang sa nakatulog na siya." paliwanag niya.
“You have to stay in my house tomorrow dahil pupunta si Tita Les kasama si Levin”
“Bakit daw?” takang tanong ko.
“Dahil you need to go back in your home Zoey dahil ayaw ka na niya nakitang nasasaktan dahil sa kanya” napayuko ako.
“Gusto lang ng bata na magspent ng time sayo bago ka umalis” pero kumunot ang noo ko.
“Paano si Sir Levis baka magalit siya at di pumayag” bumuntong siya ng hininga.
“Si Tita Les na ang bahala dun sa lalaking yun” uminom siya ng juice at kumagat ng sandwich.
"By the way kinausap rin ako ni Tita Les" bigla akong nagtaka.
"Bakit?" Takang tanong ko.
"Nagwala raw si Levis tapos nung pumunta sa bahay si Hance ay bigla na lang sinugod niya si Hance na akala niya ay pumunta ka sa bahay nila kaya ayun nagrambulan yung dalawa sa bahay buti na lang ay nasa kwarto si Levin kasama si Karen" napasapo ako sa noo at sumandal sa sofa niyang upuan.
“Pero ang reason naman niya kaya siya nandun ay makibalita sa desisyon ni Karen” napatawa na lang ako.
“Naku isa pa ito ayaw tigilan si Karen” pero tumingin siya sa akin.
“Umalis daw si Levis mukhang pumunta sa bahay ni Darrien sa Cavite” tumango na lang ako. Di ko na lang sinabi na tinanong ko ba dahil masama pa rin ang loob ko sa kanya.
“You want beer?” Nanlaki ang mga mata ko sa tanong niya.
“Joke lang” tumayo na siya at pumunta sa kusina. Inirapan ko lang siya. Pumikit ang mga mata ko.
‘Sobrang nasaktan ako sa mga sinabi mo Levis pero masasabi ko lang sayo ay….’
‘Sana ay makalimutan na kita sa pag-alis ko at mawala na ang nararamdaman ko sayo’