College Start Nandito na ako sa dorm dito sa Muñoz kung saan malapit lang ang papasukan kong pinakamalaking university sa buong Nueva Ecija. Nag-aayos na rin ako ng mga gamit para bukas kakarating ko lang din kanina dahil medyo natraffic sa Talavera. “Patulog ka na?” umiling ako kay Tasha. “Baka 10 pm pa ako matutulog at saka di pa ako kumakain noh” sagot ko. “Ano naman ang uulamin mo ngayon?” tanong niya muli. “May kadorm ako na mabait bago daw kasi siya pumunta rito ay pinabaon siya ng nanay niya ng adobo manok. Di niya daw kayang ubusin iyon kaya bibigyan niya na lang daw ako kaysa magluto pa raw ako” kwento ko. “Anong course niya?” “Same lang kami ng course and magkaklase kami” sagot ko. “Uy swerte ka may kakilala ka na agad sa magiging kaklase mo ah” ngumiti lang ako sa kanya

