Cousin Comfort I’m here in the SM sa Cabanatuan kung saan iniintay ko si Tasha dahil wala ito klase ngayong hapon dahil di daw pumasok yung last subject nila. Siya lang daw ang pupunta dahil nakiusap na rin siya kay Mellisa dahil gusto niya ako makausap ng masinsinan at sabihin sa kanya ang totoong dahilan ng pag-uwi ko ng Nueva Ecija. Di ko masabi sa kanya agad kapag nasa bahay siya dahil ayokong malaman ni Mama ang totoo dahil ayokong magalit siya sa pamilyang Wattson dahil yung anak niya lang ang dahilan kaya ako nasasaktan. Tikom ang bibig ko pagdating sa mga kaibigan ko kapag sumasama ako sa mga gala nila. Nalaman ko kay Kim na di na ako nababanggit nila kapag kumakain sila. Hanggang ngayon daw kasi ay di pa rin pinapansin ng bata ang daddy niya kaya gumagawa na lang ng paraan si K

