Chapter 70: Miko “LET’S GO back to the Philippines. Umuwi na lang tayo,” ani ko at napaayos siya nang upo. Halata sa kanya ang pagkagulat. Kasi namimilog pa ang mga mata niya. “I-Is that true, Miss? Sasama na talaga kayong umuwi sa akin pabalik?” hindi pa rin makapaniwalang tanong niya. I made a facepalm. Hindi ba kapanipaniwala ang sinabi ko kanina? “Mukha ba akong nagbibiro lamang?” I fired back. Sa sobrang tuwa nga niya ay napayakap pa siya sa akin. Hinalikan pa niya ang pisngi ko. “Ano ba, Mergus? Sinabi ko lang sa iyo na sasama kami uuwi pero hindi pa kita binibigyan ng second chance! May pa-kiss ka pa!” reklamo ko at pinunasan ko pa ang pisngi kong hinalikan niya pero ngumiti lang siya sa akin. “Mommy, your voice,” marahan na suway pa sa akin ang anak ko. Mariin ko na lamang nai

