Chapter 69: Drowning & Cure TUMAGAL pa kami ng two weeks sa mansion nina Mama at Uncle Glin. Tinatawagan ko naman si Daddy for update para hindi siya mag-worry tapos isa o dalawang beses naman na pumupunta si Mergus dito para lang makita kami. Araw-araw rin siyang nagpapadala ng bulaklak sa akin pero hindi ko naman tinatanggap. Si Mayeese lang ang kumukuha no’n at isinusumbong niya sa Daddy niya na ibinibigay ko raw sa kanya ang bigay na bulaklak nito. Ang bata-bata pa niya pero marunong na talaga siyang magsumbong, tsk. “Daddy, look, oh! Ang Mommy ko po ay hindi na naman tinatanggap ang flowers mo!” Napahilot ako sa sentido ko dahil sa narinig kong sinabi ng anak ko. Honestly speaking ay hindi ko nga kakampi si Mayeese dahil ang daddy niya ngayon ang kinakampihan niya. “Ang ingay,” k

