Chapter 68: Begging & Leaving NAGPAKUHA si Mama ng meryenda for us. Katabi kong nakaupo ang Mama ko habang hawak niya ang mga kamay ko. Kaya rin naman niyang tumayo at maglakad nang mag-isa pero overprotective lang daw sa kanya ang asawa niya. I’m happy for my mother, dahil nakahanap pa rin siya ng lalaking mamahalin siya at aalagaan. Kahit hindi ko pa nakikita ang asawa niya ay alam kong mabuting tao ito at mabait din dahil nagawa nitong alagaan ang Mama ko. Nakaupo na naman sa lap ni Mergus si Mayeese. Ayaw rin talagang umupo nito sa sofa, eh. Napaka-clingy niya talagang baby at ang gusto niya ay palagi siyang nasa tabi nito. “Mama, may anak po ba kayo sa asawa ninyo?” tanong ko sa kanya at napangiti siya. “Are you expecting to have a sibling from me, baby?” she asked me and I nodde

