Chapter 67: Revelation about the Veracruz family “TULOG na ang anak mo. Puwede ka nang umalis at magpahinga,” ani ko para iwan na niya kami rito. Hindi pa rin ako comfortable sa presence niya. After kasi ng lunch namin at nakapagpalit ng damit si Mayeese ay pinatulog ko na ulit. Kinukulit pa niya ako na parang ayaw niyang matulog dahil kay Mergus. “Bukas na ba kayo pupunta sa address na ibinigay ng Daddy mo?” tanong niya sa akin. “Ano naman sa iyo. Ano ang pakialam mo sa bagay na iyon?” pambabara ko. “Sige, lalabas na ako. Tawagin mo lang ako kung may kailangan kayo---” “Wala. Wala kaming kailangan,” supladang sabi ko at sumampa ako sa bed para humiga sa tabi ng baby ko. Naramdaman ko pa ang pagtitig niya sa akin nang ilang segundo at narinig ko pa ang buntong-hininga niya. Ngayon..

