#BOOKISHHAVEN THE PIANIST'S UNWANTED EXISTENCE LYN HADJIRI Chapter 66: Lunch time NAKARATING din kami agad sa Italy at may tauhan na si Mergus na naghihintay sa amin. I didn’t ask na lang if bakit nagpasundo pa siya. Sa halip na tanungin nga siya ay tinawagan ko na lamang si Dad. “Kadarating lang po namin, Dad,” I answered from the other line. “Kasama ninyo si Mergus, right? Alam niya ang pupuntahan ninyo, anak.” Napasulyap ako kay Mergus na kanina pa nakatitig sa akin. Nasa bisig pa rin niya si Mayeese dahil nakatulog na naman ito. Hinubad pa niya ang coat niya para rito. “Paanong alam niya po, Daddy? Hindi ko pa po naibibigay sa kanya ang address at saka wala po akong balak na isama siya,” ani ko. Nang marinig mismo iyon ni Mergus ay kitang-kita ko ang pagtulis ng bibig niya.

