Chapter 56: Sacrifice WARNING: Committed súicide “NASA fight week pa ang baby mo, Mommy. Kaya hindi pa natin malalaman kung ano ang gender niya but healthy naman siya and kailangan din ay healthy ka para sureness tayo sa kaligtasang ninyong mag-ina. Iwasan mo lang ang ma-stress at gumawa ng mabibigat na bagay,” paalala sa akin ng doctora at nakikita ko ang itinuturo niyang baby ko. Naluluhang pinagmamasdan ko lamang iyon at parang ayaw ko na ring kumurap sa sobrang saya ng nararamdaman ko ngayon. Sinamahan ako ni Ruthy sa hospital para magpa-check-up at makita na rin ang kalusugan ng baby ko. Kaya nakikita ko siya ultrasound. Ang liit-liit pa niya. “Mukhang hindi naman po niya ako pinapahirapan, doctora. Hindi po siya agad nagparamdam sa akin, eh. Kaya nagulat po ang mga doctor nang m

