Chapter 57: Ultrasound picture I REMOVED my engagement rings. Yes, hinubad ko talaga ang dalawang ito. Hindi ko na rin kaya na mag-stay pa ako rito. Ang dami nang nangyari at gusto ko na lang pumunta sa tahimik na lugar. Hindi rin naman nakabubuti sa akin ito, eh. Inilapag ko lamang sa bedside table and dalawang singsing at ang phone na ibinigay niya sa akin, makikita pa rin ito ni Mergus. Ayokong...pagbalik niya ay pipilitin na naman niya ako na maging donor ng kapatid ko. Ayokong ulitin pa niya iyon dahil mas nasasaktan lang ako para sa baby ko. Wala na akong pakialam pa kung hindi ko siya makakasama habang pinagbubuntis ko ang anak namin. Mas pinili naman niya ang iba kaysa sa akin. Kaya bakit ko siya... Bakit ko siya pipilitin pa? “Mas matimbang pa rin ang taong una kong nakilala a

