Chapter 60: The first meeting UMAASA ako na sana ay hindi niya ako makikilala pa. Dahil sa short hair ko na naghalo-halo ang kulay ng blonde at itim nito. Iniba ko lang kasi ang looks ko dahil kahit nasa UK pa rin ako ay itinuloy ko pa rin naman ang pangarap ko na maging isang pianist. Natupad ko rin naman iyon pero dahil hindi ko na ginagamit pa ang pangalan kong Yam Vallejos ay hindi matunog ang pangalan na gamit ko ngayon. Kaya inihinto ko na lamang iyon para na rin maalagaan ko nang mas maayos ang baby ko. “What, Kuya? Bakit ako pa ang tatawagan mo? May appointment ako ngayon,” narinig kong sabi niya at mas yumuko pa ako para hindi niya mapansin. Narinig ko ang sunod-sunod na footsteps niya at nang sulyapan ko siya ay nakalabas na siya ng resto. I felt relief. Napahaplos pa ako s

