Chapter 61: Meeting his Daughter “KUNG talagang may anak ka nga sa akin, sige hanapin mo. Kilalanin mo siya ng wala kang hinihinging tulong mula sa akin. Just don’t call her by her name. If she is your daughter ay sa unang tingin mo pa lang ay makikilala mo na siya kahit hindi ko ituturo sa iyo si Mayeese,” sabi ko. Kahit labag sa loob ko ang ginagawa kong ito ay no choice na lamang ako. Nakuha niya ako sa pagmamakaawa niya dahil nararamdaman ko na desperado siyang makilala si Mayeese. May pasuntok-suntok pa siya sa pader. Gigil na gigil pa nga siya dahil wala man lang akong sinasabi sa kanya tungkol kay Mayeese. Kaya dahil sa sobrang inis niya ay napasuntok na lamang siya sa pader. Wala siyang pakialam kung dumugo man ang kamao niya. Kaya noong lumabas na kami ay natulala na naman si

