Chapter 62: Visited Miko “HINDI ka pa ba matutulog, Yeye?” tanong ko kay Mayeese at napangiti siya nang marinig ang nickname niya na bihira ko lang itawag sa kanya. Ang Ninang Ruthy niya lang kasi ang tumatawag no’n sa kanya. Nakikigaya lamang ang Mommy niya. Humilig siya sa akin at yumakap ang braso niya sa baywang ko. Hinalikan ko ang sentido niya. Naglalambing na naman siya. Natutulog talaga siya kahit umaga pa lang dahil nakasanayan na niya iyon. Mahilig siyang maglaro buong araw kaya mabilis din siyang antukin. “Mommy... Who is he?” “Sino?” tanong ko naman sa kanya pabalik. “That man po,” sagot niya at tumingala pa sa akin para hintayin ang isasagot ko sa kanya. “Bakit mo ako tinatanong niyan, Mayeese?” “I like him, Mommy.” I shook my head dahil hindi ako makapaniwala na mari

