CHAPTER 21

367 Words
Chapter 21: Vallejos Real Estate Company (2nd branch) “BUT how did you know that?” I asked him. Dahil curious nga ako kung paano niya iyon nalaman. “I told you na observant akong tao and I’m not just a Psychiatrist doctor. Anyway, huwag na nating pag-usapan iyon dahil alam ko naman na hindi ka komportable. Ano na pala ang nangyari kagabi?” tanong niya. “That you want a lap dance?” sagot ko sa kanya. Napakamot siya sa batok niya. “Sorry about that, Miss. I just want to play with Gus. Pero mukhang...wala lang para sa kanya ang lahat ng iyon,” he said. I just shrugged my shoulder. “Let him be. Makukuha ko rin naman ang loob niya,” sabi ko at lumapad ang ngiti niya. “Ganyan nga. Dapat positive ka lang palagi and don’t worry tutulungan naman kita. Ang sarap din naman kasi na asarin ang isang iyon, eh,” he said. Bakit ang bait naman niya? Sana ang ugali ni Mergus ay katulad na lamang ni Zerohian. “Saan napupulot ang mga katulad mo, Dr. Zerohian?” tanong ko. Naibaba niya in no time ang cup of coffee niya at napatutop pa siya sa kanyang dibdib. “W-What? G-Ginulat mo naman ako, Miss...” “At ano ang dahilan?” Levia suddenly approached us. “Ang sakit ng ulo ko, shet.” “You want coffee, Levia?” Zerohian asked her instead na sagutin niya ito. “Yes, please. Thanks, Zero. May nangyari ba kagabi, May Ann?” tanong nito sa akin nang makaupo siya sa tabi ni Zerohian pero hindi naman nagtimpla ng kape niya ang doctor. Dahil nakahawak lang siya sa dibdib niya at bakit lumalalim na naman yata ang pag-iisip nito? “Yes.” Hindi ako ang sumagot no’n dahil sa biglaan na pagpasok ni Mergus at nakasunod na sa kanya si Reixen na mukhang inaantok pa. “Wow, really?” namamanghang tanong pa ni Levia. “We finished the game, but hindi namin nagawa ang isa.” Halos magdikit na ang kilay ko sa mga narinig kong sinasambit ng engineer na ito. Ikukuwento ba talaga niya ang nangyari sa amin kagabi? Seryoso ba siya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD