CHAPTER 22

256 Words
Chapter 22: The team “DUDE, malabo ba ang mga mata mo at hindi mo na natitingnan nang maayos ang dinadaanan mo?” malamig na tanong ni Mergus sa lalaking nabangga ko. Kinuha niya sa akin ang cup at itinapon niya iyon malapit sa trash bin. Pinunasan ng puting handkerchief niya ang kamay ko. “S-Sorry po, Engineer Mergus,” nauutal na sabi ng lalaki at natigilan pa si Mergus dahil kilala naman pala siya nito. “Sorry?” “Tara na. Umalis na lang tayo, Mergus,” pag-aaya ko sa kanya at hinila ko na rin ang braso niya. Hindi ko siya magawang hilahin dahil masama pa rin ang tingin niya rito at ang bigat niya masyado. “Let’s go...” Hinawakan pa niya ang kuwelyo nito. My lips parted in shock. Ang bilis mag-init ng ulo niya. Eh, sa akin lang naman nakabangga ang lalaki at hindi sa kanya, eh. “Next time, mag-iingat ka na, okay?” paalala pa niya at siya na ang kusang humawak sa kamay ko saka kami naglakad palabas. Dumaan muna kami sa isang boutique at tinamad akong bumaba kaya siya na lang ang bumili ng extra clothes ko but... “I don’t need this. Ang damit ko lang na pang-itaas ang nabasa ng coffee. Hindi ko kailangan ang pants,” sabi ko at itinapon ko sa backseat ang isang paper bag. “Lumabas ka na, magpapalit muna ako,” pagtataboy ko sa kanya at itinulak ko rin ang dibdib niya para maisara ko ang pintuan ng car niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD