Chapter 8: Meeting the other brothers
“SUMAMA ka sa auction at sinugal mo ang 1.8M mo para lang sa bracelet ng kapatid mo?” tanong niya sa akin nang pareho na kaming lulan ng eroplano. Nasa tabi siya ng bintana na ipinagpasalamat ko `yon dahil hindi ako ang nakakuha ng upuan na iyon.
For God’s sake ayokong makakita ng dagat dahil sa phobia ko. Hindi lang ako mapapakali sa biyahe namin and mostly na ginagawa ko ay ang matulog ng dire-diretso.
“Why? It’s a big deal? At hindi ko gusto ang ginamit mong terms about that. Sinugal talaga?” may inis na tanong ko sa kanya.
“I just thought na...hindi mahalaga sa `yo ang kapatid mo, but I was wrong. Barya lang pala sa `yo ang 1.8M. Whoa, I just remembered my twin brother,” he said and I looked at him.
“Do you have a twin brother?” I asked him and he nodded. “I wonder kung may pagkakaiba ba sa pag-uugali niyo ng kakambal mo,” ani ko at tumikhim pa siya. Hindi niya yata nagustuhan ang sinabi kong iyon.
“None of your business,” he just said. What a snobber he is.
“Walang modo,” sambit ko na kahit mahina lang iyon ay narinig pa rin niya.
“I heard that,” he uttered. “Can I ask you something?” tanong niya makalipas ang ilang minutong pananahimik namin sa isa’t isa.
Hindi rin naman kasi ako madaldal, eh. Tamang pagsasalita lang talaga. “Dude, you already asked me,” I said factly and he cleared his throat.
“Hindi ko naitanong sa parents mo kung nakapunta ka na ba sa Philippines. So, that’s my question,” he said.
“What about that? I’m 25 years old when I went to the Philippines. I just stay there in two weeks. I’m not that familiar pero madali rin naman sa akin ang makaalala sa mga lugar na napupuntahan ko. Hindi ako madaling maligaw,” paliwanag ko. Isa iyon sa katangian ko, napa-pamilyar ko ang lahat ng bagay.
“No need to explain me that. Tinanong lang kita kung hindi mo ito first time. Ang dami mo na agad na sinabi,” aniya at nagsalubong ang aking kilay.
“Seriously? Wala ka talagang manners,” sabi ko at nang mapatingin siya sa akin ay inirapan ko siya. I hate him already. Umiling na lamang ako at sumandal sa headrest. But I opened my eyes when I felt his hand on mine. “What are you doing?” curious kong tanong dahil may inilagay siyang isang... “A cellphone?”
“Take it. Magagamit mo `yan pagdating natin. Nasa...speed dial niyan ang number ko but I don’t want you to disturb me. So, huwag mo akong tatawagan. Busy akong tao at mahal ang oras ko. Message will do,” he said at kinuha ko na lang ang phone. Hindi na ako nakipag-argument pa sa kanya.
“Old phone ba `to?” kunot-noong tanong ko dahil nakita ko ang picture niya sa wallpaper. Hindi naman mukhang old, dahil bagong-bago siya.
“No, bumili lang ako ng new phone at nagkataon na dalawa sila kaya kinuha ko na,” aniya na hindi ko masyadong naintindihan. Tama ba naman ang bumili ka ng dalawang cellphone? Eh, ikaw lang naman ang gagamit?
“Do I need to say a thank you to you?” I asked him.
“No need. Hindi ako mabait baka ma-disappoint ka lang sa akin,” sagot niya sa akin at napatitig ako sa kanya. Nagsuot na siya ng shades at matutulog na rin yata.
“Wala ka pa ngang ginagawa ay disappointed na ako sa `yo,” mahinang saad ko at narinig naman niya iyon ngunit hindi na lang siya nagsalita pa.
Kaya kong matulog sa umaga na hindi ako mahihirapan. Hindi katulad kung pagabi na, dahil sinusumpong ako ng insomnia ko. Healthy pa naman ako kasi may monthly check-up ako. Parang nababawi ko na rin kasi kapag natutulog ako sa umaga na aabot ng afternoon.
I just woke up when I felt something tapped my cheek. My eyes widened in shock when I realized our position. Nakasandal ako sa balikat ni Mergus at kaya naman pala mahimbing ang tulog ko. Tapos hinahawakan ko pa ang braso niya.
“S-Sorry,” nahihiyang sambit ko pa sa kanya at umayos ako na sa pagkakaupo ko. Inayos ko muna ang nagulo kong buhok at huminga nang malalim.
“Let’s go,” sabi niya at kumislot pa ang puso ko dahil walang emosyon ang boses niya.
I roamed my eyes around the area, kami na lang yata ang nasa loob ng eroplano at mukhang kanina pa kami dumating sa bansa, ng hindi ko man lang namamalayan. Hindi niya kasi ako ginising. Nakatulog pa ako sa balikat niya.
Ibinaba na rin niya ang lahat ng bagahe namin at kukunin ko na sana ang isang maleta ko na kanina ko rin naman dala-dala pero mabilis na inunahan niya ako.
“Akin na lang `to,” sabi ko.
“Bumaba ka na lang ng hindi ka na nahihirapan pa sa mga bagahe mo,” malamig na sabi niya. Parang ang bipolar niya lang. Kanina ay maingay siya but now. Tahimik nga siya pero malamig na naman ang trato niya sa akin.
Isinawalang bahala ko na lamang iyon dahil ang mahalaga sa akin ay makauwi na nga kami. Nakapapagod pa rin talaga ang magbiyahe.
Maingay sa NAIA, expected ko na ito and super dami pa ng tao sa paligid. Diretso lang ang paglalakad ni Mergus kaya sumunod na lamang ako sa kanya ng hindi na nagtatanong pa. Parang mainit ang isang ito kahit wala naman na akong ginagawa sa kanya para magkaganito siya, ah.
“Wait up, Mergus,” saad ko dahil ang bilis niyang maglakad kahit na may bitbit pa siyang dalawang maleta ko. What a long legs at kahit matangkad pa ako ay hindi ko siya kayang sabayan.
Paglabas namin ay ang mainit na paligid agad ang sumalubong sa akin at parang mapapaso ako sa sobrang init niya. Pahapon pa naman yata, eh.
May isang puting kotse ang pumarada sa tapat namin at mabilis na bumaba roon ang isang lalaki. Lumapit siya sa amin para kunin mula kay Mergus ang maleta ko.
Engineer Mergus approached the car and he opened the door. “Come on, hop in. We’re going somewhere,” he said. I took a deep breath and sumunod na rin ako sa kanya. Ang seryoso niya kasi masyado.
“Where are you going, by the way?” I asked him nang sumakay na rin siya at tumabi sa akin sa backseat.
“Fastened your seatbelt. Kina Reixen po tayo, ngayon ang funeral ng Mom niya, right?” Funeral?
“Opo, Sir,” sagot ng driver niya at pinausad na nito ang kotse.
“Makakaabot pa ba tayo?”
“Opo.”
Sino kaya si Reixen? Kaibigan niya kaya at ang mommy nga nito ang...namatay?
Kaya naman pala iba ang mood ngayon ni Mergus dahil namatayan ang kaibigan niya, isang mahalagang tao pa.
Alam ko ang pakiramdam na iyon. Naranasan ko na ang pakiramdam na mawalan ng isang ina. Na sobra mong mahal at ang kakampi mo sa lahat ng oras. I feel sorry for his friend.
***
When we reached our destination, I thought iiwan na lamang niya ako sa kotse kasama ang driver niya dahil wala siyang imik nang bumaba na siya. But I was wrong, umikot siya sa kabilang side at pinagbuksan pa ako ng pinto.
Bago kami pumunta dito ay dumaan pa kami sa isang flower shop para bumili ng bulaklak na ngayon ay dala-dala na niya.
“Can you remove your coat?” he asked me at hinawakan pa niya ang collar ng suot kong coat. I was wearing my tank top, okay pa naman ang ayos ko. Naka-black ako at ang loose pants ko lang ang white and my coat.
“Okay,” I answered at tinanggal ko muna ang seatbelt ko after that I removed my coat. Inilagay ko na lamang iyon sa seat ko. Hindi ko na rin dinala pa ang leather shoulder bag ko.
Naglahad pa siya ng kamay sa akin para alalayan akong bumaba. He’s mabait na naman ngayon. I accepted his hand.
“Mauna na po kayong umuwi. Magta-taxi na lang kami pauwi.”
“Sige po, Sir.”
Sumenyas sa akin si Mergus na maglakad na and I followed him. Naramdaman ko naman siya sa likuran ko hanggang sa may braso na ang nakapulupot sa baywang ko.
Aligaga na agad ang sarili ko sa kabang nararamdaman ko. Bakit ba kasi ang lakas ng impact niya sa akin? Bakit nagkakaganito agad ang sistema ko when he’s around? Especially kung hinahawakan na niya ako.
I can’t protest naman kahit gusto ko pa. Dahil nakatingin na sa amin agad ang mga tao. Sanay naman ako sa maraming tao, pero ibang usapan na kung nasa akin lahat ang kanilang mga atensyon. Nakababalisa iyon.
Pero nawala rin ang pakiramdam na iyon nang tumaas ang kamay ni Mergus sa balikat ko at tuluyan na kaming nakalapit sa kanila.
Dumapo agad ang tingin ko sa white coffin. Napapaligiran na iyon ng mga bulaklak at kandila, may mga kalalakihan ang nakatayo sa gilid nito.
May malaking tent at maraming tao sa paligid ang nakikiramay sa pamilyang iyon. Ang iba naman ay nakaupo lang din.
Nilapitan namin ang relative siguro ng namatay at nakipagkamay si Mergus sa isang matangkad na lalaki. May hitsura naman siya at kakaiba rin ang dating niya.
“Condolence, Reixen. Kung nalaman ko lang ng mas maaga ay sana nagpa-book na ako agad ng flight pauwi,” Mergus said.
“Ayos lang `yon, Mergus. Hindi rin naman kita nabalitaan agad dahil naging busy kami,” ani naman ng lalaki at lumipat ang tingin nito sa akin. Nagtataka siguro kung sino ang kasama ng kapatid niya.
Tipid akong ngumiti at para iabot ko naman ang pakikiramay ko. “Condolence,” I said. Hindi ko naman siya kilala pero that’s a sign of respect naman na isa pa, lamay ito, eh.
“Maraming salamat, Miss.” Ibinaling naman niya ang mukha niya sa kasama ko na wala ring balak na ipakilala ako.
“Hindi ito ang tamang oras na ipakilala kita sa kanya, Reixen,” sabat niya at tumango lang din ang lalaki.
“Nandiyan pala ang Mommy mo, Mergus. Kasama niya ang mga kapatid mong sina Kuya Markus, Markin, Miko at Mikael. Si Michael lang ang wala.” Malamang nasa Canada pa siya at naiwan doon.
“That’s good, ihahatid ko muna siya kina Mom,” paalam niya at inakay naman niya ako.
For the last time I glanced at him, na sa akin na rin pala siya nakatingin sa akin. Alam kong makakaya pa rin niyang tanggapin ito, mahirap man dahil hahanap-hanapin niya ang presensiya ng Mommy niya at ilang araw nilang mami-miss ito pero paunti-unti ay masasanay rin sila.
Ang akala ko ay lalapitan na namin ang Mommy ni Mergus pero huminto kami sa isang banda dahil nagsimula na nga ang funeral.
Magkatabi kaming nakatayo ni Mergus hanggang sa makarinig ako ng sitsit. Sa una ay hindi ko iyon masyadong pinansin dahil baka kung sino lang din ang sumisitsit pero masyado siyang makulit kaya ibinaling ko sa kaliwang banda ang tingin ko. Nasa right side ko naman si Mergus.
“Psst!”
Kumunot ang noo ko dahil ang kamukha ni Mergus ang nakita ko. Nginitian ako nito ng sobrang lapad at nagawa pa niyang mag-wave ng kanyang kamay.
“Tarantadong Miko,” narinig kong bulong ni Mergus sa aking tabi at mas hinila niya ako palapit sa kanya. Pinatingin niya rin ako sa harap pero dakilang makulit yata ang lalaking kanina pang sumisitsit.
Narinig ko ang pangalan na Miko na binanggit ng Reixen kanina kaya malamang isa iyon sa mga kapatid ni Mergus. Dahan-dahan ulit ako tumingin at matamis pa rin ang kanyang ngiti. Ang light lang tapos super maaliwalas ang bukas ng mukha niya.
He’s guwapo at maganda ang smile niya na wala yatang tao ang hindi mahahawa but for heaven’s sake. Nasa funeral nga kami at ganyan siya kung makangiti na parang ang saya niya lang din. Hindi ko na napigilan pa ang gumanti sa kanya ng ngiti at may sumiko naman sa tabi niya.
Ngumiwi siya at marahan na hinimas-himas ang kanyang tagiliran. Aw, he’s cute. I chuckled softly.
“Sa harap,” he said.
Umabot pa yata ng isang oras bago natapos ang lahat at sumabay na rin kami sa iba na naglalakad pa palabas ng cemetery.
Nasa parking space na kami nang sinalubong kami ng lalaki kanina na hindi ko naman kilala pero nakipagngitian pa ako.
“Kuya Mergus!” sigaw niya.
“Miko, katatapos lang ng funeral ng Tita Sab mo,” suway ng isang ginang at napakahinhin pa ng boses nito.
“Mauuna na po kami, Mom,” paalam naman ng isa at kahawig din nito ang tinawag ng ginang na Miko.
“No. Saglit lang, son. Kasama ng kapatid mo ang fiancé niya,” sabi nito at sinalubong ko na ang tingin niya.
Kaya naman pala ang guguwapo ng dalawang engineer na una kong nakilala dahil maganda ang Mommy nila, tapos si Tito M ay ganoon din, guwapo. Maganda nga ang lahi nila.
“Tumigil ka, Miko. Kanina ka pa, eh,” suway ng isang...
Halos umawang ang labi ko nang makita ko na ang mukha ng isa. Siya na siguro ang twin brother ni Mergus. Talaga namang magkamukha sila, kahit ang hairstyle nila ay ganoon din.
Kung pagtatabihin sila ay hindi mo makikilala kung sino sa kanila si Mergus. Sa paraan ng pananamit ay wala silang pinagkaiba. Ngunit...
Bakit kaya mas madilim ang aura ni Mergus? Mas mabigat ang presensya niya at nandoon ako sa point na kakabahan sa kanya kahit ang tingnan lang din ako.
Hindi katulad ng isa... Ang gaan niyang tingnan kahit mukha rin itong tahimik at snobber.
“Mom.”
“I’m sorry kung hindi kayo nasundo sa airport, son at pagod kayo pareho pero sa cemetery agad kayo nagpunta. Hija.” It seems she’s kind naman.
“It’s okay po,” I said at nilapitan ako para halikan sa pisngi and after that ay niyakap naman niya ako.
“May Ann Vallejos, right?”
“Yes po.”
“Just call me Tita, May Ann, at ito ang mga kapatid ng fiancé mo. Ang Kuya Markus niyo ang panganay, sunod ay si Markin, your fiancé’s twin brother, si Michael bago si Miko and our youngest son, Mikael.” Lahat sila ay kinamayan ko pero tumagal ang paghawak ko sa bunso nilang kapatid.
Pinagmasdan ko ang mukha niya at kahit walang emosyon iyon ay may nababasa ako ng kung ano roon. Bumigat ang dibdib ko habang pinagmamasdan ko ang mga mata niyang walang buhay at sobrang lamig.
Napatitig ako sa kamay niya. Compared sa mga kamay ng kuya niya ay sa kanya ang pinakamaliit at parang....
“Nice meeting you, Mikael,” I told him.
“Same here,” he said at bumaba pa ang tingin ko sa leeg niya. Hindi ko makita ro’n ang...
“Alam mo ba sa lahat kayong magkakapatid?” tanong ko na ikinatigil niya at nanahimik naman ang iba. “Ikaw ang pinakaguwapo sa lahat,” dagdag na sabi ko pa at matamis na ngumiti sa kanya.
Parang gusto ko agad siya, walang kahulugan iyon. I just like him, just a friend I guess.
“Kuya, alam mo ba? Lahat ng mga babae niyo nina Kuya Markus at Kuya Markin ay nagagawa kong pangitiin ng walang kahirap-hirap. Aba,” aniya na tila nagmamalaki pa siya.
“Mga babae?” nasabi ko na lamang sa kanya.
“Girlfriend. Mas maganda ka pala sa personal.”
“Personal?” curious kong tanong.
“Ah, wala iyon. Sige na, umuwi na tayo, Mom. Saan pala tutuloy ngayon si May Ann, Kuya?” tanong niya sa kuya niya. Oo nga pala, saan naman kaya ako tutuloy?
“You should call her Ate, Miko,” pagtatama sa kanya ng kanyang ina.
“Sa mansi---”
“Sa condo mo raw, Mergus. Tumawag ang Grandpa mo. Sa condo mo pansamantalang manunuluyan ang fiancé mo,” his mother said.
“What? Mom, hindi po---”
“Bakante po ang isang condo ko, Mom. Doon na lang po siya sa akin,” sabat ni Miko and siniko na naman siya ng kapatid niya. Iyong twin brother ni Mergus.
“Tumigil ka nga, Miko. Kung ano-ano ang sinasabi mo. Baka mamaya ay isipin ni Ms. May Ann ay rápist ka,” ani ng nagngangalang Markin.
“What?! Hindi ako ganoon, Kuya! Nakatatakot ka naman at grabe ka sa akin. Tara na, Mik. Mauna na tayong umuwi,” pag-aaya niya sa bunso nilang kapatid at nakita ko pa ang pag-akbay niya rito. “Mauna na kami, Ms. May Ann. Nice meeting you again!” paalam pa niya sa akin.
They are so close to each other. Makikita iyon sa bawat galaw nila and he’s comfortable, si Mikael ang tinutukoy ko. He seems aloof.
“Let’s go home,” Mergus uttered and he pulled me again.
“Sa mansion muna tayo, Mergus, May Ann.” I nodded. Kahit saan pa iyan basta makapagpahinga na ako.