CHAPTER 7

2108 Words
Chapter 7: Family portrait “ANG lakas mong maka-judge sa isang tao na hindi mo pa lubos na kilala,” I told him. “You know... Sapat na rin ang mga nakikita ko,” he fired back. Iyon nga ba ang paniniwalaan niya? Ang nakikita niya lang din? Napakababaw pa rin pala niya, eh. “Yeah right. Alam mo rin na madali na nga iyon para sa mga katulad mo na husgahan kami,” saad ko pa at umigting na naman ang panga niya saka niya ako hinila para lang igilid. Nagpumiglas ako, kung makahila siya ay akala mo naman isang laruan lang ako. “Ang dami mo talagang sinasabi, tss,” iritadong saad niya at basta na lamang niya kinuha ang family portrait namin. Hindi siya nag-ingat kaya biglang dumulas sa kamay niya iyon. Gumawa nang ingay ang pagkabasag ng portrait at parang ang puso ko lang din ang nabasag. Iningatan ko iyon tapos... “S-Shet...” he cursed. Akmang kukunin pa sana niya iyon pero mabilis ko siyang pinigilan. “Are you stupid? May balak ka pa talagang pulutin `yan, eh may bubog na?!” sigaw ko sa kanya at nabigla pa siya. He immediately avoid his gaze. “Hindi naman ako bingi para sigawan mo, ah,” mahinang saad niya. Padabog na binitawan ko ang braso niya. “This is the reason why... Ayokong may ibang tao ang tumutulong sa akin dahil mas lalo lang lumalala ang situation. Just look what have you done, Engineer. Sa halip na makatulong ka nga sa akin ay nagkaroon ka pa ng kapalpakan,” malamig na sabi ko sa kanya. Hindi ko naman siya sinsisisi sa ginawa niya. Ang para lang sa akin ay sana mag-ingat siya next time. Tss. “Fvck that. I’m sorry...” Tiningnan ko pa ang mukha niya kung sincere ba siya sa pagso-sorry niya. But it seems right... Ibang-iba na naman siya ngayon. “Ano pa ba ang magagawa ng sorry mo kung binasag mo na ang family portrait namin, ha? Kaya bang ibalik iyon sa isang sorry mo?” masungit na tanong ko sa kanya at lumuhod para makuha nang ang portrait. Siya naman ang pumigil sa akin at hinawakan ang kamay ko. I made a facepalm at nag-angat nang tingin sa kanya. “What are you doing?” I asked him. “Sino ba sa atin ang stupid? Ako ba o ikaw? Bakit mo hahawakan `yan kung alam mong may bubog na?” salubong ang kilay na tanong niya sa akin. I slapped his hand. “Alam ko ang ginagawa ko. Don’t stope me, mas lalo lang nag-iinit ang ulo ko sa `yo,” sabi ko at kinuha ko lang ang portrait nang hindi nasusugatan ang kamay ko. “Did you know that we have a family belief?” I asked him. Lahat naman ng pamilya ay may ganoon, may isang bagay kayong pinapaniwalaan. “Akala mo ba kayo lang ang may ganoon? We have a family belief too,” he said. Gusto pa kayang makipag- sa akin, ah. “Once the portrait of your family broke...it means, may mawawala na isang miyembro ng family mo. Hindi lang basta mawawala dahil puwede ring sa susunod na family portrait ay wala na ang isang tao roon. Just like on a tree and a branch will fall, and it will slowly lose its balance,” I stated. Simple lang naman ang mga sinabi ko pero maraming kahulugan iyon. “That’s was an accident, I’m sorry,” he said. “That’s it. An accident, pero kahit na. Kahit na hindi mo nga sinasadya ang lahat ay kailangan mo pa ring mag-ingat,” sabi ko pa sa kanya. “Now get out of my room.” Nagtaas lang siya ng kamay at dumiretso na sa pinto. Napatitig ako sa binasag niyang portrait namin. Napakahalaga nito sa akin, dahil sa kabila ng ibang pagtrato sa akin ng parents ko ay isa rin ito sa nagpapagaan sa mabigat na dibdib ko sa tuwing napagmamasdan ko ito. Na kahit na anak lang ako ng ibang babae ni Dad ay sinasabi rin ng puso ko na pamilya ko pa rin sila. Na may sarili rin akong pamilya kahit na hindi sila masaya sa existence ko sa mundong ito. “You know what. Puwede rin na magkatotoo ang sinabi mo na sa apat na taong nasa portrait na `yan ay may mawawala riyan na isa pa,” pahabol na sabi niya at hindi pa siya tuluyang lumalabas. May panahon pa talaga siyang magsalita ng ganoon sa akin. “Mabuti at naintindihan mo,” ani ko. “Puwedeng ikaw ang mawawala riyan sa susunod,” aniya na dahilan mariin na kumirot ang dibdib ko. Sinasabi ba niya na hindi ko deserve makasama ang mga taong ito? Ang mga taong mahalaga sa buhay ko. “Puwede sa susunod ay ako na ang kasama mo sa family portrait,” he added and I looked at him. Ngunit ang nakasarang pintuan ng room ko na lang ang nakita ko. Sa huling sinabi niya ay bumilis ang t***k ng puso ko at hindi na normal ang heartbeat ko. Sobrang bilis niya na parang may makakarinig pa nito. Ang lalaking iyon...hindi ko na siya maintindihan. Ayaw niya sa engagement namin pero heto siya, kung ano-ano ang lumalabas sa bastos niyang bibig. “And he’s super careless talaga,” I uttered. “Engineer ba talaga `yon? Tss.” The next day ay naghanda na nga ako para sa flight namin mamayang 9PM I wore my black tank top, a pair of white coat, and a loose white pants. Black ankle boots din ang sinuot kong panyapak. Sinukbit ko sa balikat ko ang leather Gucci bag ko. “Ate!” my sister called my name. She immediately approached me at pumulupot din agad ang isa niyang kamay sa braso ko. “Excited na rin po akong umuwi sa Philippines, Ate. Hindi naman kami magtatagal pa rito nina Dad at susunod din kami,” kuwento niya, she mostly like this. “I don’t think so,” sabi ko lang. “Alam mo, Ate. Mabait naman si Engineer Mergus, super. Kaya alam ko rin hindi ka magagawang saktan no’n,” aniya at napatingin ako sa kanya. Naglalakad na kami pababa ng hagdanan at magtutungo na dining area. Hinayaan ko siyang sumabay sa akin kahit alam niyang pinakaayaw ko sa isang tao ang clingy. “Gaano mo kakilala ang engineer na `yon, Arveliah? Do you know a lot about him and you were able to bond with him in a beach resort?” I asked her. Naramdaman ko pa na tila natigilan din siya sa tanong ko at naglumikot ang mga mata niya. “Arveliah... He told me about that. Don’t deny it,” I warned her. “We’re friends po, Ate,” sagot niya na pinagdududahan ko pa. Hindi ko makita sa kanila na ganoon lang ba talaga ang relationship nila. “Just a friend? Really, Arveliah? Paniniwalaan ba kita gayong iba ang tingin sa `yo ng lalaking`yon?” usal ko. “Ate... Promise po na walang namamagitan sa amin ni Mergus. Friend ko lang po talaga siya,” sabi niya tunog na nakikiusap pa. Kilala ko naman ang kapatid ko. Hindi siya marunong magsinungaling dahil kung ginagawa niya iyon ay napaghahalataan siya na may ginagawa siyang hindi maganda. “Alright,” I simple said. We reached the door of our living room but Arveliah stopped me. “What? There’s something wrong?” I asked her. “Thank you for this, Ate! I really appreciated! Ito na ang magiging favorite bracelet ko ever!” masayang sabi niya. Walang halong pagpapanggap ang kasiyahan na nababasa ko sa mukha niya, especially sa eyes niya. Napaka-pure no’n. A bracelet with a daisy pendant ang gift ko for her. Kahit na death anniversary pa ng Mama ko ay bumibili pa rin ako ng mareregalo ko sa kanya. Hindi `yon mawawala. She’s my only sister at alam ng puso ko kung gaano siya kahalaga sa akin. “Cheap lang ang price niyan, no big deal,” sabi ko pero hindi nagbago ang expression ng face niya. “I don’t care about that, Ate. The important is gift mo `to sa akin,” sabi niya at hinila na naman niya ako papasok sa dining room namin. “Good morning po!” she greeted them. “Morning,” tipid na bati ko lang din sa kanila at sabay pa kaming umupo ni Arveliah. “Nakapaghanda ka na ba para sa flight mo, anak?” tanong sa akin ni Dad na ikinagulat ko pa. Ang ganda ng trato niya sa akin, dahil nasa harapan lang namin ang pamilyang...magiging kapamilya ko na rin kung matutuloy nga ba ang kasal namin ni Engineer Mergus. “Yes po, Dad. Mom helped me pack my things,” I answered, while glancing at my Mom. She just smiled at Dad. “Anyway, Don Brill. This is our last breakfast together,” Dad said. “Yes...and I’m gonna miss this,” saad naman ni Don Brill. Inilapag ng isa sa maid namin ang cup of coffee ko at iyon agad ang kinuha ko. May insomnia ako every night and I know bawal sa akin ang uminom ng kape pero hindi yata mabubuo ang araw ko kapag wala ito. “That bracelet...” Napatingin ako kay Engineer Michael nang magsalita siya at sinundan ko nang tingin ang tinutukoy niyang bracelet. “What about the bracelet, Michael?” tanong ni Engineer Mergus sa kapatid niya. “Why? This is a gift from my special person,” nakangiting sagot ni Arveliah at doon na ako nag-iwas nang tingin sa kanya. Ayokong pag-usapan ang bracelet ni Arveliah, hindi dahil nahihiya ako kasi binigyan ko siya no’n. That because... Kumain na lang ako ng breakfast ko nang tahimik at hindi ko na pinansin pa ang pinag-uusapan nila. Sana mag-iba na nga rin ang topic nila. Huwag na ang bracelet ng kapatid ko. Bakit ba kasi sa dami-rami ng mapapansin ni Engineer Michael ay ang bagay na `yon pa? “Really? Alam mo ba na worth of 1.8M ang halaga ng bracelet mong `yan kung sa Philippine peso, Ms. Arveliah?” tanong pa ng engineer sa kapatid ko at mabagal na nainguya ko ang boiled egg. Parang umalingawngaw sa pandinig ko ang 1.8M pesos. “1...1.8M?” gulat na tanong pa ni Arveliah. “Yes, last month ay nagkaroon ng auction, at isa `yan sa ipinakita nila sa bidding.” “Saang auction ba `yan, apo?” tanong ni Don Brill sa kanyang apo at interested din siyang malaman ang tungkol doon. “Sa Australia po `yon, Grandpa. Auction iyon para sa mga Pilipino. Lahat po ng mga babae ay naki-bidding diyan pero umaabot po ng one hundred thousand ang taas ng bidding ng isang babae at kung may nakipagtaasan pa ay posibleng aabot na sa 2M,” paliwanag niya at ang dami niyang alam. Mga babae lang naman ang puwede sa auction na iyon kaya bakit may alam din siya roon? Nag-init ang magkabilang pisngi ko dahil sa kahihiyan. Baka malaman nila na masyado akong nagsasayang ng pera para lang sa bidding ng... “Really? Wow... Hindi ko alam, ang sabi sa akin ni Ate May Ann ay cheap lang daw itong price ng bracelet na gift niya sa akin. No big deal daw,” sabi ni Arveliah at mariin na napapikit ako. Bakit pa niya sinabi iyon? Nakakaasar naman, eh. “No big deal?” “Worth it 1.8M?” *** “Take care of yourself there, May Ann,” paalala sa akin ng aking ama na tinanguan ko lang. “Mag-iingat ka,” sabi naman ni Mommy at niyakap pa ako ng sobrang higpit. Hindi na sumama pa sa paghatid sa amin si Arveliah, dahil dumeretso na siya sa work niya. “Engineer Mergus,” Dad called his name. “Yes po, Sir?” “Take care of my daughter,” seryosong saad niya. “I will po,” sagot niya at naramdaman ko pa ang kamay niya sa baywang ko. Tiningnan ko iyon para lang pasimpleng umirap. “Ako na po ang bahala sa anak niyo. Sige na po mauna na kayong umalis.” Pagkaalis nga ng parents ko ay mabilis niyang tinanggal ang kamay niya sa baywang ko at nagsimula na rin akong maglakad. May pahawak-hawak pa talaga siyang nalalaman. Ang lalaking ito... “Hey, wait up, Miss!” he shouted at me but I ignored him. “Miss!” Dire-diretso lang akong naglakad habang hila-hila ko rin ang maleta ko. Dalawa ang dala kong maleta at mas malaki naman ang isa. Na kay Mergus iyon, since maliit na duffle bag niya lang ang dala niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD