CHAPTER 6

2184 Words
Chapter 6: Argument & Trust AFTER the breakfast ay nagpaalam na ako sa kanila. Hindi ko na tiningnan pa si Engineer Mergus dahil alam kong nasa iba naman ang kanyang attention and no need to say that kung sino ba ang tinitingnan niya ngayon. “Where are you going now, hija?” Don Brill asked me. I smiled at him. “Pupunta na po ako sa company to fix my things,” I replied at tumango naman siya. “Gusto mo bang sumama sa fiancé mo, apo?” “No need po, Don Brill. Ayokong may kasama, eh,” sagot ko ulit at tumawa lang siya kaya naramdaman ko ang malamig na tingin sa akin ng engineer. Pakialam ko ba sa iisipin niya sa akin? Sinunod ko ang inuutos sa akin ng parents ko na ayusin ko na ang papers ko. Parang labag sa loob ko ang lumipat ng office dahil... Iginila ko naman ang paningin ko sa apat na sulok ng opisina ko. Ilang years din akong nag-work dito kaya alam kong hahanap-hanapin ko ang working place ko, ang atmosphere nito. I just hope na magiging okay ako sa Philippines. Kung aabot ako sa puntong masasaktan na naman ako ay hindi na ako magdadalawang isip pa na bumalik dito at hindi na bale ang itakwil na ako ng tuluyan ni Dad. The important is makaalis ako sa lugar na alam kong walang magandang maidudulot sa akin. I sighed at sinikop ko na ang lahat ng mga gamit na kakailanganin ko pa. Wala namang malulungkot sa pag-alis ko at alam kong favor lahat ng empleyado ko. Sa umpisa pa lang ay ayaw na talaga nila sa akin. Hindi ko alam ang dahilan. Pinili ko naman ang private elevator na ako lang ang sumasakay para maiwasan ko ang lahat ng mga taong nagtatrabaho sa company namin. Dumaan din ako sa flower shop para bumili ng bouquet for my Mom, since...ngayong araw na lamang ako makaka-visit sa kanya. Ring nang ring ang phone ko habang nasa cemetery ako. Hindi ko sinasagot ang tawag dahil nang i-check ko kanina ay new number ito. Kaya hinayaan ko na lang din. I placed the flower I brought for her on her grave and just remained standing. Mama’s body or even her ashes were not buried in the ground. Because according to the tradition of her family history, a member should be treated differently when she dies. “Ciao, Mamma... spero solo... che tu non faccia il broncio con me, vero? Mi trasferirò nelle Philippines il prima possibile... Questo è il desiderio di Papà... Sono stata scelta dal clan Brilliantes per essere la moglie di uno dei loro nipoti. Non sapevo cosa c’era in me e sono stato scelto da Don Brill. Sono ancora come te, Mamma. Niente di interessante. Mi mancherai, Mamma. Non preoccuparti per me. Posso gestire tutto e starei bene. Guidami lì, ok? Ti voglio tanto bene, Mamma.” “Hi, Mama... I just hope... you won’t sulk with me, right? I’ll be moving in the Philippines as soon as possible... That was Dad’s wish... I was chosen by the Brilliantes clan to be the wife of one of their grandchildren. I didn’t know what was in me and I was chosen by Don Brill. I’m still like you, Mama. Nothing interesting. I’m gonna miss you, Mama. Don’t worry about me. I can handle everything and I would be fine. Just guide me there, okay? I love you so much, Mama.” Isang malamig na hangin naman ang yumakap sa aking katawan na ikinangiti ko. Dahil alam kong binigyan ako nang yakap ni Mama. When I decided to go home ay sinagot ko na ang tawag dahil makulit ang caller. “Hello? Chi è questo e di cosa hai bisogno?” I answered from the other line. “Hello? Who’s this and what do you want?” “Seriously? Do you need to use your dialect just to talk with me, May Ann? It’s me Engineer Mergus.” I frowned when I heard his voice. Si Engineer Mergus? Bakit naman tumatawag sa akin ngayon ang lalaking ito? At saan niya rin nakuha ang number ko? “Perché sei stato chiamato? E dove hai preso il mio numero di telefono?” I asked him and heard his hissed. “Why did you call me? And where did you got phone number?” “I don’t understand you.” “Why did you call me?” tanong ko ulit sa kanya. “Ah, that... I just want to inform you na bukas na ang flight natin. Mauuna tayo kina Grandpa. Okay sana kung kasama ka na nila,” sabi pa niya. “Why? Gusto mo bang pakiusapan ko ang Grandpa mo na sasama na lamang ako sa kanila?” walang ganang tanong ko sa kanya. “Why would you do that? You don’t know my grandfather. He’a strict and never namin siyang hindi sinunod sa utos niya. Go home now,” sabi niya lang saka niya ako pinatayan ng tawag. Walang modo. *** Nasa gate pa lamang ako ng mansion namin nang makita ko na ang engineer na `yon and when he notice my arrival ay naglakad pa siya palapit sa akin. Nakakunot naman ang noo ko nang makita ko ang isang maliit na nilalang sa mga bisig niya. “Get away from me,” malamig na sabi ko sa kanya dahil may balak talaga siyang lapitan ako. “Pinakaayaw ko sa lahat ay ang pinaghihintay ako,” he said, and I almost laugh. “Inutusan ba kita na hintayin ako rito?” I asked him. “No.” “What was that?” tanong ko na ang tinutukoy ko ang hawak niya. “I bought this little kitty. Don’t you like it?” Dumistansya naman ako dahil inilapit niya ito sa akin lalo. “Don’t you dare...” I warned him at tinakpan ko ang ilong ko. “What... Ayaw mong mag-alaga ng pusa?” nakataas na kilay na tanong niya sa akin. I didn’t answer him at nilagpasan ko na lamang siya. Naramdaman ko naman ang mabilis na pagsunod niya sa akin. “Stop following me, will you?” I hissed him. “You need to take care of this little kitty for me, Miss.” “I hate pets,” I said. That was true, actually allergic ako sa mga pusa at aso. Nalaman `yon ni Dad noong binalak na mag-alaga ni Arveliah ng pusa kaya naman ay hindi na niya pinayagan ito pero nagpumilit pa rin ang Mommy namin. Hindi rin naman alam iyon ng kapatid ko dahil ayokong malaman nga niya. Baka sa parts na `yon ay masasaktan siya, malamig na nga ang pakikitungo ko sa kanya. “I see... I don’t think na kaya mong alagaan ang magiging anak natin. Kahit ang maliit na pusa lang ay inaayawan mo na,” malamig na sabi niya at binalingan ko naman siya. Matapang na sinalubong ko lang ang malamig na mga mata niya. “Really? Magiging anak natin? I thought you don’t want to get engage with me. So, may plano ka na sa magiging anak mo sa akin?” tanong ko sa kanya na halos tumaas ang sulok ng labi ko. He clinched his jaw at doon naman dumating si Arveliah. “Totoong bumili ka nga, Mergus! Hala, ang ganda naman niyan!” masayang sabi pa nito at inagaw sa kanya ang maliit na pusa. I rolled my eyes at nahuli pa niya ako, kaya mas naging blangko ang aura niya saka ko sila iniwan doon. Pagpasok ko sa loob ay naabutan ko naman si Mommy na naghahanda na sa mga bagahe ko. “Nagmamadali po ba kayong palayasin ako sa mansion, Mom?” I asked her. Ilang segundo niya lamang ako sinulyapan saka niya ipinagpatuloy ang ginagawa niya. “Kung binigyan na kami ng pagkakataon, May Ann. Bakit hindi? Ito na ang matagal kong hinihintay. Ang mawala ka na talaga sa aming landas,” walang emosyon na wika niya. Kahit nakaramdam man ako ng kirot sa dibdib ay pinatili ko rin ang walang ekspresyon na mukha ko. “Ni minsan po ba... Hindi mo ako nagawang mahalin at tratuhin na bilang anak niyo?” tanong ko na may hinanakit sa puso. “Bilang anak ko? Kailanman ay hindi ka naging anak ko. Arveliah is my only daughter, May Ann. Anak ka lang ng daddy mo sa ibang babae at wala kang karapatan na hilingin sa akin ang bagay na `yan,” sabi pa niya ay pinukulan ako ng masamang tingin. “I understand, Mom. Masakit nga po talaga sa inyo ang makita ako araw-araw. Dahil naaalala mo sa akin ang Mama ko. Ang first love ni Dad.” “Shut up! Hindi ang Mama mo ang first love ng daddy mo dahil kung siya man? Hindi rin ganito ang trato niya sa `yo. Na parang isang anak na wala ng mga magulang at hindi pinapahalagahan...” she said at naghabol pa siya ng hininga dahil sa biglaan na pagtaas ng boses niya. Nanatili naman akong kalmado. “That’s what I know, Mom,” balewalang sabi ko at tumayo siya para lapitan ako. Malakas na tumama ang palad niya sa pisngi ko at ramdam ko ang pamamanhid no’n. “Yes, hindi kita tinuring na bilang anak ko at hinding-hindi mangyayari `yon. But I’m your mother legally, so show some respect, May Ann! Alalahanin mo na ako pa rin ang nag-alaga sa `yo simula pagkabata mo!” sigaw pa niya at bago siya lumabas sa room ko ay nagawa pa niyang banggain ang balikat ko. “But I still love you, Mom...” I whispered na alam kong hindi na niya `yon maririnig pa at wala namang halaga sa kanya kapag malalaman pa niya ang saloobin ko. Kahit na...kahit na iba ang trato nila sa akin ni Dad at madalas nilang pinaparamdam sa akin na hindi ako nag-e-exist sa mundong ito ay hindi naman ako nagtanim ng sama ng loob. Oo, kung minsan ay nakararamdam ako ng insecure towards my sister but they are my family and I love them, so much. Umupo ako sa dulo ng bed ko at napako ang tingin ko sa malaking portrait namin sa wall ng room ko. Bakas ng kasiyahan ang mga mukha naming lahat. Ako rin naman, kahit iba ang feelings ng parents ko. “Dadalhin ba kita o iiwan na lamang dito? Pero kasi...kung aalis na ako ay alam kong hindi na ako makakabalik pa rito. Kaya naman...” ani ko at ang litrato namin ang kinakausap ko. Napabahing naman ako at napahawak ako sa ilong ko. “Ang lalaking `yon. May plano talaga siyang inisin ako,” I murmured. Pinunasan ko ang tubig na lumabas sa ilong ko, pero alam ko naman na hindi `yon tubig. Saka ako lumapit sa pader at makuha na ang portrait namin. Naghanap pa ako ng puwedeng maaapakan ko dahil kahit ang 5’6 height ko ay hindi ko pa rin kayang abutin iyon. I looked at my one seater sofa. Nilapitan ko naman `yon at hinila. Pinagpagan ko pa ang magkabilang palad ko pagkatapos kong maitapat sa litrato namin. Hinubad ko ang flip-flop ko para makasampa na sa sofa. I smiled dahil abot kamay ko na talaga siya. “Bumaba ka riyan.” Napaigtad naman ako sa gulat nang may nagsalita sa likuran ko and familiar sa akin ang baritonong boses na `yon. “Bakit kita susundin?” malamig kong tanong. “Dahil ang ikli ng damit mo at nasisilipan ka,” he hissed. Naibaba ko ang kamay ko at nagmamadali pa akong bumaba. Muntik pa akong mawalan nang balanse at mabilis naman niyang nahila ang siko ko. Pero tinabig ko lang `yon. “Ano ba kasi ang ginagawa mo rito?” may inis na tanong ko sa kanya. Porket pinatuloy sila rito ng Mommy ay Daddy ko ay puwede na siyang pumasok sa loob ng kuwarto ko ng walang pahintulot mula sa akin? “Ako ang kukuha para sa `yo,” sabi niya pero malakas ko siyang siniko. Napadaing pa siya at napahawak sa tagiliran niya. “Hindi ko hinihingi ang tulong mo o sa kahit na kanino man,” walang emosyon na sabi ko at naninimbang na pinagmamasdan niya ang expression ng mukha ko. “Your Dad, he said... Hindi raw ikaw ang tipong babae na kung nagkakaroon ng problema or something ay hindi ka humihingi ng tulong ng iba. Dahil sinasarili mo lang ang mga iyon at alam mo ba kung ano ang opinyon ko sa bagay na `yon?” tanong niya. I just stared at him. “What?” “Masyado kang nagmamagaling at tiwalang-tiwala sa sarili na makakaya mo ang lahat,” seryosong saad niya. “You need to remember this, Engineer Mergus. Ang sarili mo lang ang dapat mong pagkakatiwalaan, sa mundong mala-fairytale ay kahit ang family mo or your close friends ay hindi dapat pagkatiwalaan. Hindi porket na ganoong klaseng tao ako ay masyado na nga akong nagmamagaling. Hindi ba puwedeng may tiwala lang ako sa sarili ko at lahat ng pagsubok na darating sa buhay ko ay kaya kong...harapin ng mag-isa lang?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD