THE PIANIST’S UNWANTED EXISTENCE
LYN HADJIRI
Chapter 5: Stay
“HEY, my soon-to-be Mrs. Brilliantes...” I shrugged my shoulder para mabitawan na niya ako at matanggal na niya ang kamay niya sa balikat ko. Doon lang ako nagkaroon ng pagkakataon na makagalaw kaya agad na akong umalis doon.
Sapo-sapo ko pa ang dibdib ko dahil sa mabilis na pintig nito. Paanong nangyari na nawala agad ang takot ko nang dumating ang engineer na iyon? Paanong... Pinilig ko ang ulo ko dahil samo’t saring naiisip ko.
I was about to go to my room when Mom’s came at may hawak na siyang isang plato na punong-puno ng pagkain.
“May Ann. Bring this food to Engineer Mergus. Nasa pool area siya, you need to do this dahil ikaw ang napili ni Don Brill. Hindi ako sang-ayon sa napili niyang desisyon na ikaw mismo ang ipakakasal sa apo niya, pero kasi...naisip ko rin na magandang idea pa rin ‘yon dahil para mawala ka na rin sa landas ng pamilyang ito” she said and I can’t help but...to feel a heartache again.
I’m used to this pain but... why would I bring this to that engineer? Why won’t she just order it to the others? And for all the years she’s taken care of me, she still doesn’t know what my weakness is.
Yes, it was a place, swimming pool kung saan makakikita ako ng malalim na tubig. Even the beach or sea, I can’t stand it. Feeling ko nga ay mawawalan din ako nang malay.
“Okay, Mom,” I just said at kinuha ko na lamang ang platong hawak niya. Ano pa ba ang magagawa ko kundi ang sumunod na lamang sa inuutos niya?
In my 28 years of existence ay wala naman akong ibang ginawa kundi ang sumunod lang sa mga inuutos sa akin ng parents ko. Ang sumang-ayon na lamang sa mga gusto nila kahit na labag pa ‘yon sa kalooban ko. Para hindi naman nila ako masusumbatan. Baka sabihin lang nila na sayang ang pag-aalaga at paglalaki nila sa akin, na maging ang pag-aaral ko at lahat-lahat na mayroon ako ngayon.
To be honest, hindi ko gusto ang hawakan ang company namin. Mas gusto kong...maging pianist na lang but I couldn’t...
“I don’t understand, wala namang ka-amor-amor sa ugali mo. Kilala na kita, May Ann. Simula pa pagkabata mo and until now. At alam mo ba na wala ka ring pinagkaiba sa Mama mo. Ganyan na ganyan ang attitude niya,” sabi pa niya bago niya ako iniwan na nakatayo lamang doon.
Humigpit ang hawak ko sa plato at bayolenteng nagtaas baba ang aking dibdib. Bakit pa niya binubuhay ang topic na ‘yon tungkol sa Mama ko? Matagal na itong namamahinga pero nararamdaman ko pa rin talaga ang galit niya rito.
I started to walk but... someone block my way. I frowned nang makilala ko kung sino ang humarang sa akin. “Michael?”
“I don’t understand your Mom, too. Ano ang ibig niyang sabihin na wala kang pinagkaiba sa Mama mo? And why she seems...mad at you? Hindi ba siya ang tinutukoy niyang...”
“Why did you asked me that?” I asked him at hindi ko na lang pinahalata sa kanya na nasaktan ako sa sinabi ng aking ina kanina.
“Nothing, and whatever. Para kay Kuya ba ‘yan?” tanong niya sa akin at itinuro niya `yong foods na dala ko. I nodded.
“Oh, go on. Dalhin mo na ‘yan kay Kuya Mergus. Alam mo kasi siya? Mahilig siyang kumain at dapat... You know how to cook para mabilis kayong magkasundo,” he said before he left me. Talaga namang... Puwede naman siya ang magdala nito sa kuya niya kung gusto niya, ah. Bakit ako pa talaga? Bakit hindi na lang siya nag-volunteer pa?
Bumalik ako sa pool at hindi ako nag-angat nang tingin. Yes, natatakot ako sa place na ito. Makita ko lang talaga ang malalim na tubig na ito ay parang malalagutan na agad ako nang hininga. Sumisikip kasi ang dibdib ko. This is one of my weakness...
Naramdaman ko naman ang dalawang pares ng mga matang nakatingin ngayon sa akin. Alam kong siya na ‘yon.
“Para sa akin?” he asked right away. Lumapit ako sa kanya at ibinaba ko lang `yon sa table. Nakaupo lang din siya roon. Ano ba kasi ang trip niya at kailangan pa niyang tumambay rito?
“My Mom’s brought you this. Don’t assume too much,” I said. “Nasa loob ang party and not here. Masyado mong inaabala ang ibang tao,” I added.
“I don’t want to go back. I just remembered what you did to me awhile ago,” he reasoned out, ”And besides, hindi ka na nga ibang tao sa akin dahil nag-announce na si Grandpa kanina. Magiging parte ka na ng pamilya namin.” I don’t care about that. Aalis na sana ako nang hilahin niya ako paupo.
“W-What...”
“Stay,” tipid na sabi niya lang at dahil iniiwasan ko ang mapatingin sa kanya ay hindi ko sinasadyang maibaling sa kabilang direksyon ang ulo ko kaya ang tubig na naman ang nakita ko.
Mahigpit kong hinawakan ang kamay ko na nasa ibabaw ng lap ko at huminga ulit nang malalim. Nakaupo rin siya sa tabi ko at ilang dangkal lang ang distansya namin sa isa’t isa.
“I need...to go back...”
“Are you...scared of me? Kaya hindi mo ako kayang tingnan man lang?”
“You know what... K-Kumain ka na lang diyan sa halip na kulitin mo pa ako,” supladang saad ko.
“Miss... Kumakain na nga ako. You know what, too... Puwede tayong magpanggap na okay tayo...” My head knotted. Really? We can like that?
“But the truth is...we’re not. We’re not even close. You disrespected me too,” ani ko. I can’t move myself dahil sa takot na kung saan-saan na naman gagala ang mga mata ko. Nanginginig na nga ang mga tuhod ko. Pinipilit ko lang din talaga ang maging matapang sa harapan niya and by that kayang-kaya ko siyang barahin.
“You looks pale...” Tinabig ko ang kamay niya dahil walang babalang hinawakan niya lang ang pisngi ko. How dare he is. “Malamig ang kamay mo, ha. Anyway, pinapatuloy kami rito ng parents mo, nang hindi pa nakakapagdesisyon si Grandpa. I expected na ang kapatid mo ang mapipili,” pagkukuwento pa niya. “Wala sanang problema.”
Wala talaga siyang puso at kayang-kaya niyang sabihin ang mga ito sa akin. Dahil wala naman talaga siyang pakialam, eh.
“Ano naman sa akin? Wala akong pakialam sa nararamdaman mo. Kung disappointed ka man na ibang babae ang pinili ng lolo mo,” I blurted out.
“Siguro ay may gusto sa ‘yo si grandpa.”
“You talked nonsense,” I said and stood up from my seat.
“I’m done. I wanna swim, join me.” My eyes widened in shock when he position himself from behind.
“D-Don’t push me!” I shouted him.
“Takot ka sa pool? Hindi ka marunong lumangoy? How come that you don’t even know how to swim? Your sister, we went to the beach last month and she was good in swimming. So...”
“And, so what? Gusto mo naman ‘to kaya ikaw na lang mag-isa.”
“No...sasamahan mo ako. Dahil ngayon lang ako magiging mabait sa ‘yo,” sabi niya.
“You? Mabait? Naging kind ka ba sa akin, ha?” I asked him. “B-Bitawan mo ako... M-Mahuhulog ako... Mahuhulog...”
“Hmm... You talked too much at talagang itutulak kita.” Malakas na napasinghap ako dahil sa inamba niya akong ihuhulog. Tumaas lahat ang balahibo ko sa katawan at maiiyak na ako sa sobrang takot. Nakapikit na rin ako sa takot na makikita ko naman iyon...
“What are you doing, Kuya?” I felt relief when I heard Michael’s voice.
“Michael.”
“Ipinapatawag ka na ni Grandpa and your fiancé, let her go. Para kang bata, Kuya.”
Binitawan naman ako ni Mergus at narinig ko ang pagbuntong-hininga niya. “This is not childish...” he whispered.
Nang makalayo na ako sa kanya ay nagmamadali pa akong umakyat sa kuwarto ko. I felt like a candle na nauupos na lang sa sahig. Napasandal na lamang ako sa nakasarang pinto at sinapo ko ang dibdib ko.
“This is crazy...”
Nang mahimasmasan naman ako ay dumiretso na ako sa bathroom ko to take my shower. Basa pa ang buhok ko nang humiga ako sa kama at hindi ko namalayan na nakatulog na rin pala ako. That’s one of my greatest weakness.
One of our maids wake me up, and I don’t want to get off on my bed.
“Ms. Ann... The breakfast is ready.” I immediately opened my eyes and I looked at my digital clock.
What...it’s already 8:18 in the morning. Haist. Na-late na ako nang gising, usually around 5AM ay gising na ako and wait a minute... Nakatulog ako agad kagabi? Nang hindi na ako sinusumpong ng amnesia ko? Wow...
“Okay,” maikling tugon ko lang at pinalipas ko muna ang ilang minuto bago ako tuluyang bumangon.
I wore my white strap dress at sinuotan ko rin ng panloob na black turtle neck. I picked my baby blue coat at isinampay ko lang ito sa kaliwang braso ko with my Gucci bag.
Pinakulot ko rin ang dulo ng buhok ko kaya umabot ito sa balikat ko at hindi na lumagpas pa. Black shoes din ang sinuot kong panyapak and may two inches ang taas nito. After that ay bumaba na ako sa dining room.
“Good morning,” I greeted them. Kompleto na silang lahat at nasa pintuan pa lang talaga ako ay sa akin na napako ang kanilang atensyon. Kaya kahit nakararamdam ako ng pagkailang ay pinagsawalang bahala ko na lamang iyon.
“Good morning, hija. I feel like sinusundo na ako ng anghel, you dressed up so nice and you looks beautiful in the morning. Ang suwerte naman talaga ng aking apo kung ikaw ang araw-araw na makikita niya nang ganito kaaga,” Don Brill said at nag-init ang mga pisngi ko. Masuwerte kamo ang kanyang apo? Really?
Tumabi naman ako kay Arveliah na maganda na rin ang ayos niya ngayon. She was wearing her gold office attire and her hair, mataas ang pagkakapusod nito.
“May Ann, ikaw na pala ang inatasan ko na mag-handle ng isa nating business sa Philippines. So, get ready dahil sasama ka na sa fiancé mo pauwi nila.” Napahinto naman ako sa sinabi ni Dad.
“Y-You want me to...go there po?” I asked my father.
“Yes. Susunod kami ng Mommy mo at si Arveliah. Mauuna ka lang at kailangan ‘yon. Doon magaganap ang engagement party niyo.”
“All you have to do is to prepare your papers,” Mom’s uttered.
Nag-aalangan ako. Kasi...kung tuluyan na akong sasama sa pamilya nila ay hindi ko na madalas madadalaw pa ang Mama ko rito at alam ko... Kailangan ko nang mag-adjust sa bansang iyon.
Dad came from that country at pati na rin ang tumatayo kong ina. While my biological mother, she came from here and half-Italian siya. Ang Mother niya lang din ang may halong Filipina.
But I remembered my situation, kung magpapakasal ako ay tama si Mommy Venus. Puwede na akong makawala mula sa pamilyang ito na hindi naman ako pinahalagahan. Pero kung matutuloy nga talaga ang kasal namin. Makasisigurado kaya ako na hindi ako masasaktan ng lalaking ito? Na magiging maayos ba ang buhay naming mag-asawa kung nagkataon?
But he said ang kapatid kong si Arveliah ang gusto niya. Nakaramdam pa nga ako ng sakit sa dibdib, dahil may isa na namang tao ang umayaw sa akin. Don Brill, siya lang din ang kauna-unahang tao na natuwa pa na nag-e-exist ako sa mundong ito. Me either ay ayoko rin siyang ma-disappoint.
But I need to take a risk. “Okay. I will,” I said at kitang-kita ko pa ang saya na bumukas sa mukha ni Don Brill habang ang Daddy ni Engineer Mergus ay tumango lang siya. Wala namang reaction ang magkapatid.
“Papasok ka ngayong araw sa trabaho mo para ayusin na ang papers mo na dadalhin. You still the CEO of our third branch company,” Dad’s said. Ang main branch ng company namin ay si Arveliah ang nagha-handle no’n at ang third lang ang hawak ko. Ang second branch naman namin ay nasa Philippines.
“Iyon ang kasosyo ng kompanya natin sa Brilliantes Firm,” sabi ni Don Brill. Tipid lang akong ngumiti at ipinagpatuloy na namin ang breakfast namin.
Kung maaga ang balik nila ay kailangan kong magpaalam kay Mama. Maiintindihan naman niya siguro ako kung hindi ko na siya mabi-visit pa nang madalas. Kahit na, palihim ko lang namang ginagawa ‘yon. Sa takot na baka...magagalit na naman si Dad at ililipat pa niya ang grave ng Mama ko.
“When did you go back to the Philippines, Don Brill?” I asked him.
“As soon as possible, hija. Alam mo naman ang mga engineer na katulad ng mga apo ay masyado rin silang abala,” he said. Wala akong alam about their family background but...
“You run the Engineering firm, Don Brill?” interesadong tanong ko pa.
“Yeah. Lahat ng mga apo ko ay ganoon ang mga trabaho nila,” sabi pa niya and I was shocked.
“Don Brill, nag-aral din po ng give years course engineering ang ate ko...”
“Oh, really? I didn’t know that...” namamanghang sabi niya at napayuko naman ako. Nahihiya akong pag-usapan iyon.
“Yes po. First taker ng exam ay pasado po siya and also she’s a top notcher.”
“Arveliah,” I warned my sister.
“And a Summa c*m Laude.” Napainom ako ng tubig ng wala sa sarili. Bakit ba hindi ko kayang pigilan ang kapatid ko sa pagiging madaldal niya? Sa lahat ng puwede niyang maging topic namin ay bakit tungkol pa sa akin?
“Napakatalino nga talaga ng panganay mo, Daimor.” Tumikhim naman si Dad.
“Yes.”
“Her younger sister too, hindi man niya naabot ang standard ng ate niya ay grumaduate rin naman siya ng c*m Laude pero hindi pinalad na nakapasok sa top notcher,” pagbibida pa ni Mommy.
“That was an achievement too, Mrs. Vallejos.” Napatingin ako kay Engineer Mergus. Ngayon ko lang siya...nakitang ngumiti ng ganyan. Gustong-gusto niya talaga ang kapatid ko. Walang duda at makikita pa rin iyon sa mga mata niya.
“Thank you, Engineer Mergus. Palagi mo talagang pinapagaan ang loob ko, ah,” Arveliah uttered.
“Of course, what friends are for?” he said.
“Engineer Mergus and our daughter, mukhang magaan talaga ang loob niyo sa isa’t isa,” ani ni Mommy. Gusto niya lang talagang ipakita iyon kay Don Brill, para ano naman? Magbago ang isip nito?
“I’m hoping too na sila rin ni May Ann. I’m rooting for the both of you,” nakangiting sabi naman ni Don Brill at nagkatinginan kami ni Engineer Mergus. Na siya rin naman ang unang nag-iwas ng tingin sa akin.
Kami rin? Kailan nga ba kami magiging close? Eh, ang snob masyado ng apo niya at hindi gentleman. Kaya paano nga kami magiging malapit sa isa’t isa? Ngayon nga lang kami nagkakilala ay feeling ko naging aso’t pusa na kami.