Chapter 4: Soon-to-be Mrs. Brilliantes
MAY napagkasunduan sila at nahulaan ko na ‘yon. Kaya rin nasa iisang table lang kami ngayon. That’s why Mom’s reaction was like that. Si Arveliah ang gusto niyang ipakasal sa pamilyang ito at inaasahan niya na mapipili ito kapag hindi makikilala ng mga taong ito. Wala rin naman siyang balak na ipakilala ako sa lahat.
Na kahit din ang outfit ko ay sinuway niya rin dahil masyadong agaw pansin. Na kailangan din na kay Arveliah ang buong atensyon ng visitors nila.
“Yeah, we have already talked about this with her Mom,” my father said and he glanced at my Mom.
“Hindi rin tayo magkakaproblema,” segunda ni Mommy.
Hindi na lang ako kumibo pa dahil wala naman akong kinalaman sa pinag-uusapan nila. Ang future kamo ng kapatid ko ang pinaplano nilang lahat. Importante rin naman sa akin ang kaligayahan ng kapatid ko pero sina Mom and Dad na lamang talaga ang magdedesisyon no’n. Basta lang na hindi nila pipilitin si Arveliah.
Na isa pa, masunurin na anak ang aking kapatid. Hindi nga sila magkakaroon ng problema at hindi sila nito mabibigo.
“Since, na-settle na natin ang lahat. Siguro naman...puwede na akong pumili ng mapapangasawa ng apo ko, Daimor?” Nabitin sa ere ang pag-inom ko ng tubig nang marinig ang tanong ni Don Brill.
Bakit kailangan pa niyang pumili kung alam naman nila kung sino ang ipakakasal nila?
“Pardon, Don Brill?” gulat na tanong naman ni Mommy. Nabigla yata siya sa pipili pa nga ito, gayong may pambato na sila ni Daddy.
Sa halip na sagutin siya ni Don Brill ay ako ang binalingan nito kaya lalo lang hindi mapakali ang t***k ng puso ko. Huwag naman sana...
Huwag naman sana ako, please. Ayokong pumasok sa arranged marriage na ‘yan. Hindi iyon magandang idea at bakit hanggang ngayon ay pinapauso pa rin nila?
“How old are you, hija?” he asked me. Napahawak ako sa skirt ko dahil sa panginginig ng kamay ko. Kung sa ganitong usapin ay talagang kinakabahan ako.
Ayoko rin pag-usapan ang kasal ko gayong hindi pa ako handa at wala pa sa isip ko ang mag-settle down. Na kung puwede lang din ay hindi na ako magkakaroon pa ng pamilya. Baka kasi hindi ako magiging mabuting ina sa magiging anak ko. Na baka...hindi ko kaya ang responsibilidad ko bilang kanilang ina.
“I’m 28 years old, Don Brill,” I answered, sinubukan ko lang na huwag mautal sa harapan nila.
“28, ang apo kong si Mergus ay kasing edad mo lang. I wonder kung sa buwan naman kung sino ang mas matanda? Your birthday, hija?” Bakit ba ang daming tanong ni Don Brill?
“January 17 po,” muling sagot ko.
“January, hmm... Sa December 21 naman ang birthday niya. Aba, malapit na maging isang taon ang agwat niyong dalawa. Pero puwede pa naman,” sabi niya at nilingon ko naman ang tinutukoy niyang apo.
Nakatungo lang siya at pinaglalaruan niya lamang ang straw ng wine niya sa cocktail glass niya. Mukha naman siyang walang pakialam, tss... Favor kaya siya na pinaplano na nga Lolo niya ang kasal niya? Wala naman siyang ginawa, and it seems hindi siya against sa magiging desisyon nito. Masunurin din pala siya, `no?
“Don Brill? May...may napili--” bago pa man matapos ang itatanong mo Dad kay Don Brill ay tumayo na ako para makapagpaalam na. Kailangan ko nang umalis bago pa man magbago ang isip nito at mapipili niya ang isang taong ayaw naman sa pinag-uusapan nila. Labas ako roon.
“Can I go out? I just want to go to comfort room,” paalam ko para lang talaga makaiwas.
“May Ann, may pinag-uusapan pa tayong lahat dito. Maupo ka ulit.” marahan ang boses na sabi ni Mommy. “Huwag kang bastos,” dagdag na sabi niya at sa mahinang boses na lamang niya iyon sinabi.
“Mom, I don’t have to stay here because of what you’re talking about. I believe, wala na po akong kinalaman pa, right?” tanong ko at pasimple niyang kinurot ang kaliwang hita ko. Ganoon pa man, hindi na lang ako nag-react pa kahit ang sakit nang pagkurot niya sa akin dahil mariin iyon. Pasimple ko na lamang hinaplos ‘yon.
“No, hija. You need to stay here dahil kayo ng apo kong si Mergus ang napili kong ipakasal sa isa’t isa, and I guess are you still single, am I right?” Bakit ang straight forward niya?
“Yes po... W-What? Don Brill...” I blinked repeatedly. Why me?
Wala sa sariling napatingin ako kay Arveliah. Mukhang wala naman sa kanya kahit hindi siya iyong napili. Pero bakit ako? Bakit hindi na lang si Arveliah? Bakit ako pa ang pinili niya?
“B-But, Don Brill?”
“Ganoon naman dapat, `di ba Daimor? Ang mga panganay na mga anak natin ang pinipiling ipakasal. Agree ka ba, Arveliah hija?”
“Oo naman po, Don Brill and...kilala ko naman po talaga ang ate ko. Hindi po siya katulad ng ibang babae riyan. Maaasahan niyo rin po siya.” Napahilot ako sa tungki ng ilong ko. Why she needs to say that?
“May Ann... Just look at my grandson, pasok na ba siya sa standard mo, hija?” tanong niya sa akin.
“Standard?” tanong ko at napaisip naman ako. May standard ba ako pagdating sa mga lalaki? Eh, sa wala naman akong... Wait, what was that? Required ba ang magkaroon ng standard pagdating sa mga lalaki?
“Ito pala ang Daddy ni Mergus at nakababatang kapatid niyang si Michael.” Tumango naman ako nang ipakilala niya ang daddy at kapatid nito. Lahat sila ay talaga namang may mga hitsura.
“Nice meeting you, hija,” saad naman ng Daddy ni Mergus.
“Same here, Sir.”
“No, just call me, Tito M,” umiiling na sabi niya.
“It’s Michael, nice to meet you,” pakilala naman sa akin ni Michael at naglahad pa siya ng kamay. Inabot ko ‘yon at tinanggap pero nagulat naman ako nang dinala niya iyon sa labi niya para patakan nang halik.
“Likewise,” tipid na sabi ko lang.
I faced him again, the old man. “Don Brill, did you ask your grandson if he agree to marry the girl he doesn’t like at ngayon niya lang po nakilala?” I asked him politely. He nod his head.
“Masunuring bata ang mga apo ko, hija. Hindi ako magkakaroon ng problema sa kanila,” he said. I disagree.
“But...you can’t force them na gawin ang mga bagay na hindi naman po nila gusto. Let them...choose what they want to do and besides, they are matured enough at may sarili na rin po silang desisyon sa buhay. They are adults at sa tingin ko naman po...may nagugustuhan na silang mga babae na tipo nila,” I explained. Para lang talaga makatakas sa mangyayaring kasalan na ito.
“May Ann, that’s below the belt,” suway sa akin ni Dad pero humalakhak lang si Don Brill.
“Hayaan mo siya, Daimor. Dapat matuwa ka dahil napalaki mo ang anak mo na inaalala niya ang kapakanan ng iba at sa tingin ko... Mapapalaki niya nang maayos ang magiging anak nila ni Mergus,” sabi pa niya at napaupo ulit ako dahil sa gulat. Bigla namang nasamid si Mergus at hinagod pa ng kapatid niya ang likod niya.
Magiging anak namin? I don’t think so...
Nanatili na lamang ako sa puwesto ko at hindi na ako sumabat pa sa usapan nila. Dahil mukhang wala na akong magagawa pa. Si Don Brill na ang pumili at sumang-ayon na lang ang parents ko. Si Arveliah na mukhang natuwa pa siya, samantalang ako...
Panay ang pagbuntong-hininga ko. Parang nagsisisi na ako kung bakit pumunta pa ako sa music room kanina at nakilala ko ro’n si Don Brill.
Ano ba ‘tong pinasok ko?
“You know what... Mergus, why would you go to the dance floor and invite your soon-to-be-wife? Dance with her, apo.” Napapitlag ako sa suggestion ni Don Brill. Hindi naman ako kailangan pang isayaw ng apo niya.
Tumayo naman si Mergus-- wait a minute, bakit ko naman siya tinatawag sa first name niya? Hindi naman kami close, ah.
“May I have this dance?” he asked me and I stared at his hand.
“May, what are you doing? Paghihintayin mo pa ba si Engineer Mergus?” my Mom asked me. I sighed.
Nanginginig pa ang kamay ko nang inabot ko ito at mahigpit niyang hinawakan. Nagkatitigan pa kaming dalawa dahil hayon na naman ang boltahe ng kuryenteng dumadaloy sa palad niya. Malaki iyon at kayang-kaya niya yatang hawakan ang dalawang palad ko.
Inalalayan pa niya akong makatayo at narinig ko pa ang pag-cheer up sa amin ng kapatid ko.
Hindi lang ang mga pamilya namin ang nanonood sa amin ngayon dahil maski ang mga bisita ay sa amin na nakatutok ang kanilang atensyon. May couple rin naman ang nagsasayawan, huwag lang talaga silang aalis sa dance floor dahil baka...
Dinala naman niya ang dalawang kamay ko sa balikat niya at namilog ang mga mata ko nang maramdaman ko ang pagdausdos ng kamay niya sa likod ko. Nagsisisi tuloy ako kung bakit crop top lang ang sinuot ko. Kaya ramdam na ramdam ko ang mainit na palad niya sa h***d kong likuran na unti-unting bumababa sa baywang ko at mas hinapit niya ako palapit sa kanya.
Ibinaling ko sa ibang direksyon ang ulo ko dahil sa naninimbang niyang tingin sa akin at nalulunod lang ako sa blangkong mga mata niya.
Nagsisimula na naman ang panibagong kanta na pinapatugtog nila.
Take it
If she gives you her heart
Don’t you break it
Let your arms be a place
She feels safe in
She’s the best thing that you’ll ever have
“You know what... Ngayon lang ako nakakita ng babaeng nagsuot ng ganitong klaseng kasuotan. What do you call this, Miss? Crop top? Well, marami naman akong nakita na babaeng nagsusuot din ng backless dress but you...you hit different... Paneled skirt?”
“How did you know the style of my skirt?” I asked him curiously.
“I heard your Mom. Hmm, not her voice, actually. Nasundan lang din ng mga labi ko ang binigkas niya,” sabi niya.
“And...so what?” I fired back, he tighten his hold.
“I don’t want to get married...” he said.
“You can decline, go tell your grandfather that you don’t want to get married,” I said.
“Pero hindi ganoon kadali,” problemadong sabi niya.
She always has trouble
Falling asleep
And she likes to cuddle
While under the sheets
She loves Pop songs
And dancing, and bad trash TV
There’s still a few other things
“It’s easy...just say no to him, and the end,” I said and he chuckled. Bumilis lang ang t***k ng puso ko dahil sa malamig na boses niya.
“I don’t know how to date a woman. So, the song... It’s okay if I cuddle you while under the sheets and do nothing... You loves Pop songs and dancing? A bad trash TV?” he asked at alam kong nang-iinsulto lang siya, base pa lang sa boses niya.
“I’m not kind of that girl, excuse me...”
“Honestly speaking... Kaya ayaw ko sa marriage proposal ni Grandpa sa family niyo because... I don’t like you, hindi ko rin nakikita ang sarili ko na ikakasal sa katulad mo...
She loves love notes and babies
And likes giving gifts
Has a hard time accepting
A good compliment
She loves her whole family
And all of her friends
So if you're the one she lets in
“Maybe...and I don’t love notes, babies either... Nakita mo naman kanina na mahilig akong magpaiyak ng sarili kong kapatid. I’m not a perfect person...not a perfect sister, and I hates compliment. You can back out, Engineer Mergus. Wala ka ngang magugustuhan na kahit ano’ng pag-uugali ko,” I said at didistansya na sana ako away from him but...he didn’t let me.
“Hindi ganoon kadali,” pag-uulit niya sa sinabi niya kanina. Kumislot ang puso ko nang hawakan niya ang pisngi ko. “Grandpa, he has a good choice and he never disappointed us. However, we hated him because he always do this nonsense we called it arrange marriage. Pero sa dami ng mga babae sa loob ng ball na ‘to? Someone already caught my attention and not you...” he said at naramdaman ko pa ang paglingon niya sa ibang direksyon. My sister na ngayon ay kasayawan na ng kapatid niya.
“My...sister?”
“Yes... I already know her for years, and we’re friends. I wanna dance with the girl I like the most, tonight.”
“Go ahead...” sabi ko at marahan ko na siyang tinulak pero hindi pa rin siya dumidistansya. “What are you doing? Let me go...”
Take it
If she gives you her heart
Don’t you break it
Let your arms be a place
She feels safe in
She’s the best thing that you’ll ever have
She’ll love you
If you love her
Hindi siya kumibo sa halip ay hinila ako palapit sa isang lalaki at nakita ko pa ang mabilis na pamumula ng magkabilang pisngi nito.
“Here, you can dance with my partner. You like her, do you?”
“W-What?”
“E-Engineer Mergus...” I called his name dahil basta na lamang niya ako pinapamigay sa ibang lalaki.
Tiningnan ko pa sina Mom and Dad, abala na sila ngayon sa pagkain kaya naman pala malakas ang loob ng engineer na ito gawin sa akin ang bagay na kinaiinisan ko.
Binawi ko ang kamay ko sa lalaki at hinarap ko si Engineer Mergus. Nahulaan niya yata ang gagawin ko kaya bago ko pa man siya masampal ay sinalag na niya ang kamay ko.
“Oh...you’re so harsh...”
“Kung ayaw mo sa akin ay hindi mo na ako kailangan pang insultuhin,” galit na sabi ko at marahas na binawi ko ang kamay ko pero mahigpit pa rin ang hawak niya.
“Chill. May mga tao na ang nakatingin sa atin. Baka sinasabi nila na inaaway kita,” aniya. Humakbang naman ako palapit sa kanya at inapakan ko ang paa niya. Iyong stick heels ko ang iginamit ko kaya napadaing siya.
“What the fvck?!” he cursed at nanlilisik na agad ang mga mata niya nang tiningnan niya ako. I rolled my eyes and turned my back on him.
Wala na akong pakialam pa kung hahanapin ako ni Don Brill o kung magagalit pa si Dad, basta gusto ko nang umalis dito. That guy’s face just irritates me. Sa nararamdaman kong inis at galit ay hindi ko na namalayan pa na ang swimming pool ang daan na tinatahak ko.
I was stunned when I saw that. Nanginig agad ang katawan ko at nanlambot ang mga tuhod ko. My chest is beating so hard. Napaatras ako at lalo na ng nagsimula nang sumikip ang dibdib ko at nahihirapan akong huminga.
Nag-init ang sulok ng mga mata ko at kumirot lang ang puso ko. Mariin akong napapikit at tinampal ko ang dibdib ko dahil nahihirapan na talaga akong huminga.
Hindi ko magawang umalis mula sa aking kinatatayuan dahil parang napapako na rin ako.
“Hey, my soon-to-be Mrs. Brilliantes...” By that, naglaho agad ang takot sa piso ko.