Chapter 3: Meeting the Brilliantes Clan
“MAY ANN, honey, samahan mo ang kapatid mo sa party niya. Come on, anak.”
Kaya naman pala ganito siya kalambing sa akin. Dahil may kasama rin siyang mga kaibigan niya. Kasi alam ko naman na ay ayaw niyang ipakita sa mga ito ang pagtrato sa akin. Ang pagiging strict niya at malamig sa akin. Na iba rin kung si Arveliah ang alagaan niya.
“Mom...”
“She’s your eldest daughter, Venus?” her friend who wear her dirty white dress asked her that at hindi niya man lang maiwasan ang hindi mapatingin sa akin. Kaya naman ngumiti ako sa kanya.
“Yes, she is,” ani Mom na sinabayan pa nang pagtango.
“She’s beautiful more than your youngest daughter. How come that we didn’t meet her, Venus?” Mom just smiled at them.
“Long story, amega. Come on, hon. Let’s get inside.” I don’t have any choice but to agree to go with them.
“Go dress up, May Ann,” she said at magalang na nagpaalam pa ako sa kanila bago ako umakyat sa hagdanan. I went to my room.
I stared at my dress. Ang hinanda ni Mommy para sa akin. Sa halip na iyon ang isusuot ko ay pumili na lang ako sa closet ko.
I choose my violet red bangage crop top and a pair of long skirt paneled style. Terno pa naman silang tingnan dahil same color lang siya. I know, kung ito ang susuotin ko ay mas nakakakuha ito ng maraming atensyon. Dahil bukod sa mga matatanda ay formal din ang mga suot nila at naka-dress and evening gown naman ang iba. Pero kung tutuusin naman ay simple lang ang outfit ko ngayon. Hindi naman kapansin-pansin.
Tiningnan ko naman ang sarili ko sa malaking salamin ko sa loob ng aking silid. Dahil sa suot kong crop top ay kitang-kita tuloy ang balikat, braso at pusod ko pero hindi rin naman mababa ang neckline nito kaya ayos lang. Hindi makikita ang cleavage ko. Dahil na rin sa tingkad ng kulay nito ay mas nadepina ang maputi kong kutis.
Tiningnan ko naman ang buhok ko na hindi naman lumagpas sa baywang ko. This is not a pure black hair, may pagka-gray and brownish ito. Natural na waivy naman ‘to kaya hindi na ako nag-abala pa na maglagay ng kahit ano sa buhok ko.
Lumapit naman ako sa vanity mirror ko at doon umupo. Isa-isa kong tiningnan ang make-up at iba pang beauty product. Napabuntong-hininga na lamang ako. Do I need to put a make-up on my face? But suddenly, the handsome face of that guy crossed my mind. His long and curly eyelashes, his pointed nose and reddish lips. His adams apple that went down and up.
Marahas kong pinilig ang ulo ko dahil bakit malinaw ko pa ring naaalala ang mukha niya? Kahit hindi naman nagtagal ng ilang minuto iyon? Bakit ganoon na lang kabilis na makabisado ko ang kanyang mukha? Okay, I admitted. Guwapo nga siya at malakas ang séx appeal niya. Ang tingnan ka nga lang ay kakabahan ka na. Bibilis agad ang t***k ng puso mo.
But maybe sa ibang babae ay hindi naman ganoon ang reaction ng katawan nila. Ewan ko lang sa nangyayari sa akin dahil napaka-weird lang nito.
In the end ay light make up lang ang in-apply ko sa mukha ko and simple pink lipgloss. Nag-spray ako ng Black Opium sa katawan at damit ko.
Nagsuot na rin ako one set accessories, a violent diamond necklace, earrings, ring and bracelet. Black pouch ang kinuha ko at inilagay ko roon ang cellphone, credit cards, and business cards ko. Black ankle strap heel sandal na three inches ang taas. Pagkatao kong mag-ayos sa sarili ko ay lumabas na ako sa kuwarto ko.
Naalala ko si Mama. Ngayon ko lang siya hindi mapupuntahan. Dahil hindi na ako hinayaan pa ng stepmom ko. I’m sorry, Mama... Puwede ko naman siyang dalawin sa ibang araw pero iba talaga kapag ngayon. Sana pala... Sana pala na-cancel ko ang appointment ko kaninang umaga para lang makadalaw na ako sa puntod niya at hindi na ako naiipit sa sitwasyon ko ngayon.
“Ate! Sabay na po tayo!” Napahawak pa ako sa dibdib ko dahil sa gulat. Ang kapatid ko agad ang sumalubong sa akin pagkalabas ko lang. She’s wearing her blue evening gown, mermaid style iyon. Ang ganda no’n at sa pagkakaalam ko rin ay sinadyang pinagawa iyon ni Mommy just for her. “Hindi mo sinuot ang dress mo? Pero...maganda ka naman diyan, Ate. Ang sexy mong tingnan. Tara na!”
Hindi rin mapagkakaila na magkapatid nga kami ni Arveliah, dahil malaki rin ang pagkakahawak namin. Ang personality lang namin ang naiiba. Siya, hyper and carefree. Ako hindi ganoon, palaging kontrolado ang bawat galaw ko at maski ang emosyon ko.
“Sa main door na tayo, Arveliah,” ani ko dahil pinili niya ang pumasok sa itaas na may hagdanan naman pababa sa hall. Mas nakakukuha iyon ng atensyon dahil nasa harapan lang siya ng maraming bisita kung nagkataon. I hate attention.
“No. Dapat makita rin nila kung gaano kaganda ang ate ko at ang sabi ni Mommy ay ro’n tayo papasok,” pamimilit niya at nang hinila na niya ang braso ko ay wala na akong nagawa pa kundi ang sumama sa kanya.
Sa hindi malaman na dahilan ay bumalik sa aking dibdib ang kaba. Lalo na ng maalala ko na naman ang lalaking iyon. Sana lang ay tuluyan na siyang naligaw sa mansion namin at hindi na nakabalik pa rito. Dahil mas kinakabahan na ako sa malaman na nandoon siya. Ang weird lang ng feelings ko. But I left him with Arveliah, malamang hinatid siya nito.
“Hi, tell them that the birthday girl is about to enter the ball room, and of course with my big sister,” masayang pahayag pa niya.
“Yes, Ms. Arveliah,” tugon nito sa aking kapatid.
“Nah, don’t do that. Just don’t tell them my arrival. It doesn’t matter,” I refused. Hindi naman na kailangan pa iyon. Hindi ako ang may birthday.
“But Ate...”
“This is just my request, Arveliah. If you’re going to tell them that I’m coming with you. I will escape again. You can see and I’m serious,” banta ko at nadala siya agad doon. Mabagal lang siyang tumango at nang binuksan na nga ang pinto ay pumasok na rin siya. Narinig ko pa ang announcement ng tauhan ni Dad and I felt relief ng wala na itong idinugtong pa.
But that was I thought, dahil may hawak na agad si Arveliah na microphone, inagaw niya lang iyon sa MC and it’s too late to back off. ‘Saktong pagpasok ko ay nagsalita na siya at sa gulat ko pa ay napahinto ako.
Maraming pares ng mga mata agad ang nakatutok sa akin at mga flashed ng camera, maging sa kanya. However, I didn’t let my guard down. I’m still emotionless and I just watch my sister. Hindi ko na rin pinansin pa ang mga tao sa paligid ko.
“Ladies and gentlemen, eyes here! I am Arveliah V. Vallejos, I’m with my big sister May Ann, she is one of our Dad’s heiress and now she is able to run one of our company. I know most of you guys didn’t meet her. She’s so aloof and hardworking. So, we were all lucky to see her tonight. You know what? She is my role model and the second woman I admire in this world. That’s why you should know one of the reasons why I became successful, except for our parents, of course. That’s it and thank you very much for attending my birthday. Enjoy the party!” Pagkatapos niyang sabihin ‘yon ay nakangiti pa siyang lumapit sa akin at yumakap sa braso ko.
Nagpatianod na lamang ako sa kanya dahil hindi pa rin kayang i-process sa utak ko ang mga sinabi niya kanina sa harapan ng maraming tao.
“You know what? She is my role model and the second woman I admire in this world. That’s why you should know one of the reasons why I became successful, except for our parents, of course.” Sincere naman siya nang sabihin niya sa akin ang mga katagang iyon, kaya naman may kung ano sa dibdib ko ang humahaplos doon. Ngunit hindi magbabago ang pakikitungo ko sa kanya. Katulad pa rin iyon ng dati.
Sana hindi na lang niya sinabi pa ‘yon. I’m not a good sister. May mga chances din na napapaiyak ko siya.
“Mom, Dad, hi. I’m with Ate May Ann na po,” sabi nito at nag-angat ako nang tingin. Sa halip na ang parents namin ang tingnan ko ay nabaling iyon sa ibang tao.
Siya itong...lalaki na walang modo na tinutukan ako kanina ng flashlight ng phone niya. Nagngitngit ang kalooban ko nang makita kung saan nakatutok ang mga mata niya. Sa dibdib ko, bago lumipat iyon sa mukha ko. Ano naman ang mayroon sa dibdib ko at doon siya nakatingin?
Matapang na sinalubong ko ang kanyang malamig na tingin. Hindi ko nga lang natagalan ang pagtitig sa kanya dahil mas nakita ko na siya nang malinaw ngayon. May ilaw na sa paligid at mas naging attractive lang siya sa paningin ng lahat and wait a minute...
Bakit may kasama sa table na ito sina Dad at Mom? At bakit siya pa?
“Good evening po sa inyong lahat,” nakangiting bati ni Arveliah sa mga ito at pinasadahan ko naman ito nang tingin. Iniwasan ko lang ang mapatingin sa lalaki, pero sa katabi niya ay may isa pang lalaki na malaki ang similarity nila sa isa’t isa. Baka kapatid niya ito.
Hindi ko rin matagalan na titigan ito dahil sa akin din nakatutok ang kanyang atensyon. Ano ba ang mayroon sa magkapatid na ‘to?Lumipat naman ang mga mata ko sa katabi niya, kasing edad lang yata ni Dad pero visible pa rin sa mukha nito ang kaguwapuhan. Siguro...kung sa kabataan pa nito ay baka pareho lang ang hitsura nito sa dalawa pang lalaki and lastly.
Sa matandang lalaki na nakilala ko kanina, si Don Brill. Matamis ang kanyang ngiti kaya naman nahawa rin ako. Ngayon ko nga lang siya nakilala ay magaan na ang loob ko sa kanya.
“Good evening,” pormal na bati ko sa kanila at nagawa ko pang yumuko.
“Good evening too, pretty ladies,” Don Brill greeted us. “Venus and Daimor, napakasuwerte niyo na nabiyayaan kayo ng dalawang magagandang anak na babae. Tinignan niyo nga naman... Napakaperpekto.”
“Ah, yes. Salamat, Don Brill,” ani Dad at nasa boses niya ang sobrang kagalakan dahil sa compliment nito.
“Pero isa lang ang nakilala namin noon. Ang bunso niyong anak, samantalang may panganay na anak pa pala kayo,” sabi pa nito at hindi ko na tiningnan pa ang naging reaction ng parents ko.
“I’m sorry for that, Don Brill. My daughter is a workaholic and if it’s not important ay hindi naman siya umaalis sa kompanya namin,” paliwanag ni Dad.
“Nah, no need to explain that to me, Daimor. Paupuin mo na ang mga anak mo.”
Pinanood ko lang ang paghugot ng upuan ni Dad para kay Arveliah at inalalayan pa niya itong makaupo. Si Mommy ang katabi ko at kung nagkataon din na uupo ako sa tabi ko ay kaharap ko naman ang lalaki.
“Thanks, Dad,” pagpapasalamat pa ng kapatid ko sa aming ama.
“What are you doing, Mergus? Ipaghugot mo rin si Ms. May Ann ng upuan,” sabi ni Don Brill.
“Grandpa?” Hindi ang utos nito ang ikinagulat ko. Kundi ang malaman na lolo pala ng lalaking ito si Don Brill?
“Be a gentleman, apo,” sabi lang nito at parang labag sa kalooban niya na sundin ang utos sa kanya ng lolo niya.
Naglakad siya palapit sa akin at nataranta na naman ang puso ko kaya para maiwasan ang paglapit niya sa akin ay tumanggi na ako.
“No need,” sabi ko pero mabilis ko ring binawi ang kamay ko dahil ‘sakto ring humawak siya sa upuan at nahawakan ko ang kanyang kamay.
I hid my hand dahil sa nararamdaman na boltahe ng kuryente. What was that?! Saan nanggaling ‘yon?!
Nakita ko rin na nagtataka siyang tumingin sa kamay niya. Hindi ako sure kung naramdaman niya rin ‘yon. He cleared his throat before he pulled the chair for me.
“Thank you,” mahinang sambit ko na ikinalingon niya sa akin. Salubong ang kilay niya.
“Hindi ko narinig,” mahinang sabi niya rin. Nag-iwas na lamang ako nang tingin sa kanya at umupo na rin ako.
Ako ang tipong babae na hindi na inuulit pa ang katagang nasabi ko na. Kaya bakit ko pa iyon uulitin sa kanya? Ano naman kung hindi niya narinig? Problema ko ba ‘yon? Basta ang mahalaga sa akin ay nasabi ko na. Narinig man niya o hindi ay wala na rin akong pakialam pa ro’n.
“Here, May Ann. Kumain ka,” ani Mom. I just nodded but I stilled nang humilig siya sa akin para lang bumulong. “Ano ‘yang suot mo? Bakit naka-crop top ka lang and a paneled skirt? This is a formal birthday party, May Ann. Gusto mo bang ipahiya kami ng Dad mo sa harapan ng mga bisita natin?” may bahid na galit na tanong niya sa akin.
Wala namang mali sa sinuot ko. Dahil kung sa malayo lang ito titingnan ay parang dress naman siya at open lang ang nasa parte ng pusod ko. Dahil na rin pa-ekis na tela nito pababa sa skirt ko.
“I’m sorry, Mom,” mapagkumbaba na saad ko. Iyon lang ang mga katagang nasasabi ko kapag nagkakamali ako, subalit hindi ko naman sila madalas na sinusuway.
“Hayst. Wala ka talagang galang sa birthday ng kapatid mo. Sa halip na siya ang mapansin ngayong gabi ay ikaw pa ang kumuha ng atensyon ng lahat. Especially the Brilliantes clan. Nagkamali ako na papuntahin pa rito. Sana...pumunta ka na lang sa puntod ng iyong ina,” malamig na sabi nito at hindi ko napigilan ang pasadahan nang tingin ang mga taong tinutukoy niya.
Ang lalaking tinawag ni Don Brill kanina na Mergus. Mergus ba ang pangalan niya? Tapos sa mga bisita rin namin at inaamin ko nga na nakatutok ang kanilang atensyon sa amin. Pero hindi naman ako sigurado kung sa akin ba talaga sila nakatingin.
“Let’s drink this whiskey, Daimor.” I looked at Don Brill. First name basis ang tawag niya sa daddy ko at halatang malapit din sila sa isa’t isa.
“Yeah.”
Isa-isa naman silang nagtaas ng poco grande wine glass nila at ako lang ang hindi nagtaas dahil wala naman akong iniinom ngayon.
Naramdaman ko pa ang pagsiko sa akin ni Mom kaya inabot ko ang cherry glass na tubig lang ang laman nito at nagtaas din ako ng akin. ‘Saktong tumama ito sa glass ng lalaki. Walang emosyon ko lang siyang tiningnan.
“Cheers, this is for you Arveliah. Happy 25th birthday!” masayang bulalas pa ni Don Brill. I heard Arveliah giggled. Kung ako siguro ang nasa posisyon niya ngayon ay baka pagalitan na ako ng mga magulang namin. Ganoon sila ka-strict na kahit ang pagtawa ay kailangan mong pigilan pero pagdating sa akin...
“Thank you po, Don Brill!”
“And also, for the merge of our family,” sunod na sabi naman ni Dad na ikinalingon ko sa kanya.
Ano ang ibig niyang sabihin na merge of our family? Maiintindihan ko pa kung kompanya namin ang tinutukoy niya pero ano’ng family? Ano naman iyon?
“Yes, cheers to my future granddaughter-in-law,” Don Brill uttered and he glanced at me.
Nanginig ang kamay ko at dumagundong ang malakas ka baog sa aking dibdib, dahil parang nakuha ko na ang gusto nilang iparating.
May napagkasunduan sila at nahulaan ko na ‘yon.