Chapter 2: First meeting
“ATE May Ann...” I closed my eyes with so much irritation. Isa ito sa kinaiinisan ko sa kapatid ko. Ang namimilit sa taong ayaw naman gawin ang bagay na gusto niya at nakikiusap pa siya.
Ang paalala sa amin ni Dad ay huwag na huwag daw naming subukan ang makiusap sa mga tao o ang magmakaawa. Dahil lang sa gusto naming mangyari. Dahil lang sa personal na interest namin.
“Go to the hall, Arveliah. It’s your day, just enjoy your birthday. May mga bisita ka na kailangan mong harapin ngayon,” I told her but she shook her head because she refused to go. “Arveliah...” I uttered her name with a warned.
“Palagi mo na lamang tinatakasan ang birthday party ko, Ate. Why? Dahil ba ayaw ka namang ipakilala nina Dad at Mom sa mga bisita nila? Dahil palagi ka ring nagtatago sa likod ko? Dahil ginawa lang kitang anino ko? Ate, hindi sila ang kailangan ko para sa araw na ito! Ang gusto ko... ang gusto ko lang po ay ang makasama ka naman kahit saglit lang... Kahit ngayon lang po talaga, Ate May Ann,” punong-puno ng hinanakit na wika niya.
Maganda nga ang relasyon naming magkapatid pero isang bagay lang ang hindi niya nauunawaan. Ang maging malapit kami sa isa’t isa. Dahil bata pa lamang ako ay pinaglalayo na ang mga loob namin ng mga magulang namin. Kaya kung itrato ko rin siya ay civil lang at never din naming naranasan ang mag-bonding na kaming dalawa lang. We don’t do that freaking things.
“Don’t beg for me, Arveliah. Just go and leave me alone,” malamig na sabi ko sa kanya at saka ako nagsimulang maglakad palayo sa kanya.
Napahinto ako nang marinig ko ang pagsinghot niya at mahihinang humikbi na siya. Yes, I’m a strict sister too. May mga bagay rin na pinagbabawalan kong gawin niya at masunurin naman siyang kapatid, hindi siya nagiging pasaway kahit may mga pagkakataon na malamig ang trato ko sa kanya.
Kung ibang tao lang ang makakasaksi sa pagtrato ko sa kanya ay iisipin nila na masama akong kapatid at walang puso.
Bumalik ako sa kanya at tinitigan ang mukha niya. May tumulong luha sa kanyang pisngi. She’s already 25 years old, but she acted like a child. She’s spoiled when it comes to me.
“You know that I hate this day... Arveliah,” mariin na saad ko at lumakas lang ang paghikbi niya. Dahil sa pagkakayuko niya ay parang mababali na rin ang leeg niya.
I always say this to her, ilang beses kong sinabi sa kanya na isa ito sa mga araw na pinakaayaw ko at kinamumuhian ko. Dahil itong araw na rin kung kailan nawala ang aking ina. Kaya hindi ko gugustuhin na magsaya dahil lang sa birthday niya. Mas mahalaga pa rin na madalaw ko sa puntod niya si Mama. Kaysa ang samahan ang kapatid ko sa special day niya.
“You hate me that much, Ate? Na kahit ang birthday ko ay ayaw mo rin?” Dinukot ko ang puting panyo ko sa bulsa ng pants ko at ibinigay ko iyon sa kanya.
“I never. Punasan mo ang mga luha mo at bumalik ka roon. Bilang nakatatanda mong kapatid ay kailangan mong sumunod sa akin,” malamig pa ring sabi ko. She lifted her face and meet my eyes.
“A-Ate...”
“I told you not to beg. Don’t do that, Arveliah,” kalmadong sabi ko at tinalikuran ko na siya. Hindi ko naman na narinig ang pag-iyak niya kaya wala na rin akong dahilan pa na balikan siya.
Ayoko lang na makikita ko siyang umiiyak ng dahil lang sa akin. Nasasaktan din naman ako pero wala siyang magagawa sa pagtrato ko sa kanya. Ganito ako pinalaki ng mga magulang namin kaya kailangan din niyang sumunod sa akin, kung iba man ang pagpapalaki sa kanya ay hindi iyon magiging exemption.
Malapit na sana ako sa front door nang marinig ko ang baritonong boses ng isang lalaki. May kalamigan din ang kanyang tinig.
“Alam mo ba na isa sa kinaiinisan ko ay ang taong nagpapaiyak sa mga kapatid nila?” Kumunot ang noo ko sa tanong niya. Maliban pala sa nakilala kong matandang lalaki kanina na si Don Bril, may mga bisita rin pala kami na galing sa Philippines at kinakausap niya ako sa sarili naming wika. I heard his footsteps towards me. For no reason my heart beats so fast at namanhid din ang batok ko na unti-unting tumaas ang balahibo ko ro’n. But I remained silent, hindi ako nakikipag-usap sa mga taong hindi ko naman kilala. Maliban kay Don Bril, na hindi ko rin inakala na naging approachable pa ako. “It’s her birthday, bakit hindi mo kayang ibigay sa kanya ang gusto niya? Why do you hate your sister too much, Miss? You’re so heartless to treat her like that,” he blurted out and I nodded my head.
That’s what I thought. I’m heartless sister to treat Arveliah like that. Yes, tama nga ako.
Nasa likuran ko siya at hindi ko siya hinarap. Ni hindi ko pa nakikita ang mukha niya ay kinakabahan na ako sa presensiya niya. Hindi ko naman na-te-tense na masamang tao siya kahit stranger pa siya. Hindi na rin normal ang heartbeat ko. Sa unang pagkakataon ay ngayon ko lang naranasan ang kabahan sa presensiya ng ibang tao, maliban nga sa Daddy ko na parang normal na rin sa akin ang ganoong reaction. But with this guy...
Ano ba ang alam niya? Iyon lang ang tanging narinig niya at wala siyang alam tungkol sa dahilan ko na kung bakit ginusto kong umalis ngayon. Na hindi ko pagbibigyan ang kapatid ko kahit birthday pa nito. Wala rin namang alam si Arveliah na kung bakit nga ba palaging tumatakas ang ate niya sa tuwing birthday niya?
Dahil walang alam si Arveliah na magkapatid lang kami sa ama at anak lang ako sa labas. Ano rin ba ang alam ng kapatid ko tungkol sa bagay na iyon? At tungkol sa pag-alis ko para lamang puntahan ang Mama ko. Dahil itong araw lang ako nabibigyan ng pagkakataon na madalaw siya.
Hindi ko na siya pinansin pa at ipinagpatuloy ko lang ang paglalakad ko pero sunod-sunod naman ang paghakbang niya. Madilim sa lugar na ito at alam kong hindi naman niya makikita ang mukha ko.
“Stop.” I ignored him. Sino siya para utusan ako? “Wow, akala ko si Theza na lang ang nag-iisang babae na kilala kong rude. There is still one and the daughter of one richest and business man in all the towns of California,” he mocked me. Kahit hindi ko nakikita ngayon ang mukha niya ay alam kong malapad ang kanyang ngisi.
“Who are you?” malamig na tanong ko sa kanya.
“You’re so rude. May kausap ka ngayon na kababayan mo pa pero... nakatalikod ka lang mula sa akin? May problema ba sa mukha mo kaya ayaw mong pumunta sa party ng kapatid mo? Kaya rin ba tinatakasan mo rin siya? Kaya hindi ka pinakilala dahil...may problema nga sa mukha mo?” sunod-sunod niyang tanong at tumigas lang ang ekspresyon ng mukha ko. Hindi niya ako kilala, ang kilala niya lang ay ang daddy ko pero ganito na siya kawalang modo. Hinuhusgahan na niya ako agad. “At bakit ba madilim sa parteng ‘to?”
“You’re just a visitor. You’re not allowed to roamed around the mansion,” I told him, coldly. Nasa hall room ang party pero nagawa pa niyang gumala sa loob ng mansion namin?
“You’re so rude, Miss.” I faced him and I just seeing his silhouette. Hindi ko makita ang mukha niya, medyo nakikita ko lang ang style ng buhok niya. Just a normal haircut na paharap ang pagkaka-brush nito at sa gilid ng ulo niya ay mas maikli iyon kumpara sa ibabaw nito.
Malapad ang balikat niya at sobrang tangkad, kung hindi ako nagkakamali ay baka nasa 6’0 footers siya or baka higit pa. He’s wearing his black three suits and a tie pin.
“What are you doing here?” I asked him back at humakbang na naman siya palapit sa akin. Gusto ko ring umatras dahil mas bumilis lang ang t***k ng puso ko sa tuwing lumalapit siya sa akin.
What’s with him at nagagawa niyang iparamdam sa akin ang weird na t***k ng puso ko and this... goosebumps?
Hindi rin naman ako nahirapan na tingalain siya kahit masyado pa siyang matangkad. Walang takong ang suot kong gray ankle shoes. Dahil hindi naman ako nagsusuot ng matataas na heels kung wala naman akong party na ia-attend.
Sa silhouette niyang nakikita ko ay matangos din ang kanyang ilong. I wonder kung ano rin ang hitsura niya. Kahit nga madilim sa parteng kinaroroonan namin ngayon ay diretso ko pa rin siyang tinitigan sa mga mata niya.
“Good thing I have my phone with me. Don’t move and just stay put.” Kahit naguguluhan ako sa pinagsasabi niya ay hindi pa rin naman ako umalis mula sa kinakatayuan ko at hinintay ko lang ang susunod niyang gagawin.
Parang mabibingi na ako sa lakas nang kabog sa dibdib ko nang mailawan siya ng light na nagmumula sa phone niya. Parang kinapos pa ako ng hangin nang makita ko ang mukha niya. May kakapalan ang kilay niya at dahil nga nakayuko siya ay mas nadepina ang mahahaba at malalantik niyang pilikmata. Parang napaka-unfair no’n sa aming mga babae, bakit parang natural lang iyon?
Samantalang ang ibang babae ay naglalagay pa sila ng fake eyelashes at kung ano-ano pa ang nilalagay rito para mas maging maganda sila but this... His long and pointed nose. His lips...heart shape and natural na mapula rin. Ang panga niya...ang adams apple...
“There...” Ni hindi ako kumurap nang itapat niya sa akin ang phone niya at naka-on ang flashlight no’n.
Walang emosyon ko lang siya tiningnan at hindi rin ako nag-react. Nakita ko naman ang gulat sa mukha niya. Ang mga mata niyang malalim kung makatingin ay medyo nanlaki iyon. Ilang segundo rin siyang nakipagtitigan sa akin.
“Alam mo ba na isa sa kinaiinisan ko ang tutukan ako ng flashlight niya sa mukha ko?” malamig pa sa yelong sabi ko and I don’t know kung nagulat ba siya or what. Bigla kasing dumulas ang phone niya at narinig pa namin ang malakas na ingay nito nang bumagsak sa sahig.
“Shet!” mahinang mura pa niya and I rolled my eyes.
“Go back to the party,” mariin na utos ko pa sa kanya at tumalikod na lang ako. Bigla naman siyang sumigaw.
“Naliligaw ako!” I frowned.
“At ano naman sa akin kung naliligaw ka?” I fired back. He looks like a child.
“Kadarating ko lang kasi...”
“I didn’t ask you that. Problema mo kung naliligaw ka," pambabara ko.
“Ikaw...”
“Ate? What’s going on?” I looked at my sister. Nasa likod naman siya ng lalaking ito. “Bakit ba naka-off itong light dito? Wait lang...” Bago pa man niya mabuksan ang ilaw ay nagmamadali na akong umalis.
Saka lang din nawala ang kaba ko at ang mabilis na pintig ng puso ko nang makaalis na ako roon.
Inaasahan na rin yata ni Mommy na aalis na naman ako. Kaya mahigpit ang bantay sa gate. Mariin na napapikit na lamang ako. Bakit? Bakit kailangan pa niyang gawin ito sa akin? Bakit palagi niya akong pinagmamalupitan? Bakit niya ako pinapahirapan?
“Mama... I missed you already...” bulong ko sa hangin at muli akong pumikit.
“Ms. Ann. You’re not allowed to go out.”
“As I expected,” I muttered and took a deep breath. Pero hindi ko hahayaan na mananalo na naman si Mommy ngayon. Pinilit ko pa rin ang gusto ko at humarang pa silang lahat sa akin. “Don’t you dare block my way,” I warned them.
Kung sa ganito ring pagkakataon ay isa lang din ang ginagawa ko. Ang makipagpisikalan sa kanila pero bago ko pa man magawa ang gusto ko ay narinig ko na ang boses ni Mom.
“May, honey, samahan mo ang kapatid mo sa party niya. Come on,” malambing na sabi nito sa akin.