CHAPTER 27

275 Words
Chapter 27: Piano instructor UMUPO ako sa study table at kinuha ko ang cellphone ko. Naiinis ang kalooban ko dahil sa ginawa ng kapatid ko. Bakit sa iba pa siya magpapasundo? Wala bang mga tauhan si Dad at nang iyon na lamang ang abalahin niya? Pero bago ko pa man tinawagan si Arveliah ay si Dad muna ang inuna ko. Gusto ko lang sabihin sa kanya ang ginawa ng paborito niyang anak. I heaved a sigh. Cannot be reach ang phone ni Dad. Si Mommy na lang ang tinawagan ko na hindi rin nagtagal ay sinagot naman niya. “Yes?” tipid na sagot niya lamang mula sa kabilang linya. “Bakit hindi ninyo po sinabi sa akin na uuwi rito si Arveliah, Mom?” I asked her. “Si Arveliah? Next week pa ang flight niya. Why? Nandiyan na ba siya agad?” “Do you know what she did to me, Mom? Hindi niya sinabi sa akin sa ngayon ang uwi niya rito at pinahiya niya lamang po ako sa fiancé ko. Sinabihan ako na wala akong consideration dahil lang sa hindi ko pagsundo sa sarili kong kapatid sa airport. She didn’t even tell me about her arrival. Mom, sabihan ninyo lang po ako na kung si Arveliah ang gusto ninyong maging isang Brilliantes, dahil bukas na bukas ay magpapa-book na po ako ng flight pabalik sa Italy. Kahit hindi na ako uuwi riyan. Mabubuhay naman po ako sa sarili kong mga paa. Tama na po ang pagtrato ninyo sa akin na parang isang basura lang. Hindi ko na po kaya ang mga ugali ninyo,” hinaing ko saka ko ibinaba ang tawag.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD