Chapter 28: His three warning
“I’M YAM Vallejos po,” I uttered my name. Iyon ang ginamit kong name ko para magpakilala sa principal.
“Nice meeting you, Ms. Yam. Glad to meet you, ang suwerte ko na makikilala ko ang isa sa granddaughter-in-law ni Don Brill,” nakangiting sabi niya pagkatapos niyang makipagkamay sa akin.
“Take care of her, Ms. Acasia,” paalala naman ni Don Brill.
“I will, Don Brill, and by the way. Your name, Ms. Yam. It’s familiar. Parang narinig ko na siya somewhere,” sabi niya at napahawak pa siya sa chin niya na parang nag-iisip lang siya.
“Well, it’s for you to find out, Ms. Acasia,” Grandpa uttered. Kahit siya ay wala rin namang idea pero baka mayroon din.
“Ang hilig ninyo po sa secret, Don Brill. Ms. Yam, hayaan mong i-tour kita sa academy namin para malaman mo rin ang pasikot-sikot dito.”
“Yes po. Thank you.”
“It’s my pleasure.” Binalingan ko naman si Don Brill.
“Sasama po ba kayo, Grandpa?” I asked him.
“Dito na lamang ako maghihintay, apo. Sige na, enjoy,” he said. Ginawaran ko agad siya ng ngiti. Tumango na lamang ako saka ako sumama kay Ms. Acasia.
“This is the whole campus, Ms. Yam. Hiwalay lang ang mga estudyante na may iba’t ibang bilang ng mga grades nila. Para maiwasan din ang g**o ng mga bata. But iisa lang din ang ginagamit nilang gymnasium,” her explanation at sinabayan pa niya nang gesture kung kaya’t sinundan ko nang tingin ang mga itinuturo niyang places.
Malaki nga ang campus nila pati na rin ang gymnasium nito. “Hindi po pala mababahala ang mga parents nila kapag masyadong maaraw at tirik na tirik ang araw dahil may masisilungan naman po sila habang nasa labas sila ng kanya-kanya nilang classroom,” sabi ko habang pinagmamasdan ko iyon.